Chapter 22

238 26 16
                                    


"A...anong ibig po ninyong sabihin?" ang muling tanong ni Atlas sa biyuda ni doctor Caspin.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Mrs. Caspin. "her name was Josefina Magsilang, isa siyang aktibista at rebelde, mga aktibong rebelde sila kasama ng apat pang pinatay sa loob ng bahay."

"I know that...I know that case...I was there, two years ago, pilit na itinago ang mga patay sa loob ng bahay sa pamamagitan ng pagsunog pero agad na naapula ng bumbero ang apoy at tumambad sa kanila ang mga wala nang buhay na katawan ng mga biktima at kahon-kahong pampasabog."

"Y-you are there?" ang gulat na tanong nito sa kaniya.

"Yes ako ang sunod na rumesponde pagkatapos na matuklasan ng mga bumbero ang mga walang buhay nang katawan." Ang sagot niya.

"They were rebels detective, balak nilang maghasik ng lagim sa Luneta noon para sa pagdiriwang ng independence day, araw na...naroon ang ilan sa matataas na opisyal ng pamahalaan kasama na ang pangulo," ang sagot sa kaniya ni Mrs. Caspin.

Kumunot ang kaniyang noo, "but still they don't deserve that, kailangan nilang managot sa pamahalaan dahil sa kanilang balak na panggugulo," ang giit niya, "ang batas na ang hahatol sa kanila."

"Mukhang alam po ninyo ang nangyari dalawang taon na ang nakalipas." Ang sunod niyang sabi.

Tumango ang ulo nito sa kaniya, "of course, napakalaking balita nito, sinlaki ng balita noong case na natuklasan ninyo sa Cross Pines, hindi ba detective Carberry ikaw rin ang nakatuklas nito?" ang sagot ni Mrs. Caspin sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo at matipid siyang ngumiti, "opo...uh...sabi niyo po na asawa ni doctor Caspin si Josefina?" ang usisa niya.

"Common law wife," ang pagkaklaro nito sa kaniya.

"Kayo po ay kasal kay doctor Caspin?" ang kaniyang sagot at tumango ang ulo nito.

"Ilang taon na po kayong kasal?" ang usisa niya. Alamin ang background, ang sabi ng isipan ni Atlas.

Napabuntong-hininga ito, "five years." Ang sagot nito sa kaniya.at tumangu-tango ang kaniyang ulo habang humihigop siya ng kape.

"Alam po ba ni...doctor Caspin na rebelde ang kaniyang asawa?" ang tanong niya at doon niya napansin na sandaling umiwas ito ng tingin sa kaniya at mahina nitong nilinaw ang lalamunan nito saka ito umiling.

"No hindi." Ang sagot nito sa kaniya.

"But you said po na common law wife niya si Josefina Magsilang, ang isa sa mga rebeldeng pinatay." Ang kaniyang usisa at inilapag niya ang kaniyang kapeng wala nang laman. "hindi niya nalaman na rebelde ang kaniyang asawa?"

"Yes, pero...hindi sila nagsasama, hindi na sila nagsama, she's living in the province at si Manoling...my Manuel ay dito sa Manila, dito na siya...sa Manila nagtuturo...sa Las Islas University."

"Saan niyo po nakilala si doctor Manuel Caspin?" ang muli niyang tanong.

"I really don't know kung bakit kailangan mong tanungin ako ng mga gantong tanong detective?" ang sagot ni Mrs. Caspin sa kaniya.

"Gusto ko lang po kumuha ng background para makita natin kung sinong may galit o sama ng loob sa asawa po ninyong si doctor Manuel Caspin." Ang sagot niya.

"Ugh, bakit ba kasi naisip ninyo na may foul play?" ang iritadong tanong nito sa kaniya at napansin niya ang pagbabago ng huwisyo nito sa kaniya.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon