Chapter 6

289 30 24
                                    

Tumulo ang luha sa mga mata ni Lorelei nang marinig niya ang mga malalakas na yabag ng mga nagmamadaling mabibigat na sapatos sa loob ng kabahayan pagkatapos nang malakas na lagabog na sa kaniyang palagay ay mula sa harapan na pinto.

Narinig niyang muli ang mga boses na tinatawag ang kaniyang pangalan at mga impit na ungol na lang ang kaya niyang pakawalan para kahit papaano ay makagawa ng ingay ang kaniyang bibig na nakabusal para malalaman ng mga ito kung nasaan siyang parte ng bahay. At ilang sandali pa ay narinig na niya ang mga yabag na papalapit sa sa kung saan siya naroon. Ngunit kaiba kanina sa harapan na pinto walang malakas na pagbayo sa labas ng pinto para buksan ang ang nakapinid na pintuan ng silid kung saan siya naroon. Pinihit lamang ang knob at bumukas ang pinto. At napapikit nang bigla ang kaniyang mga mata nang dahil sa nakasisilaw na liwanag na mula sa mga hawak na pailaw ng mga police na pumasok sa loob ng silid.

At nakita niya ang pagpasok ng liwanag mula s alabas ng silid na tila ba liwanag iyun ng kalangitan ng kaligtasan. At kasunod ang mga operatiba na dali-daling pumasok sa loob ng silid para lapitan siya. Lumuhod ang lalaki sa kaniyang harapan at ibinaba nito ang telang nakatabing sa kaniyang bibig.

"Doctor Magtibay?" ang tanong nito habang nakaluhod ito sa kaniyang harapan at inaalis ang pagkakabuhol ng tali sa poste kung saan siya nakagapos.

Tumango ang kaniyang ulo, "y-yes...t-thank you," ang kaniyang sambit at sumabaya na nga luha na pumatak sa kaniyang mga mata.

"You're safe now doctor, I'm officer Madrigal," ang mahinang sambit nito sa kaniya.

"T-thank...thank you," ang muling sambit niya kasabay nang kaniyang pagluha.

***

Tila ba nanumbalik si Detective Atlas, nang sandaling iyun dalawang taon na ang nakalipas, nang rumesponde ang mga bumbero sa isang hindi natuloy na sunog. At nang pumasok nga ang mga bumbero sa loob ng bahay na iyun ay limang bangkay ang tumambad sa mga ito na naging dahilan para magtungo siya sa lugar na iyun at natuklasan nga nila ang kahon-kahong mga pampasabog kasama ng mga papel kung saan nakasulat ang planong paghahasik ng mga ito ng kaguluhan.

That was closed case of attempted na pagpapakalat ng terror sa darating na araw ng kalayaan. At dalawang taon na nga ang lumipas at sa sandaling iyun ay muli siyang nagbalik sa bahay na iyun para muling rumesponde sa kaso naman ng missing person o kisnapping. Na sa pagkakataon na iyun ay hindi pa niya alam kung alin sa dalawa ang nangyari at tanging si Lorelei lang ang makapagbibigay ng kalinawan sa kanila ng tungkol sa mga nangyari.

"Detective? Is there something the matter?" ang narinig niyang tanong ni doctor Crime sa kaniya na siyang dahilan para bumalik ang kaniyang diwa sa kasalukuyan.

"Uhm," ang kaniyang sambit saka niya nilinaw ang kaniyang lalamunan, "no...may...naalala lang ako."

"Detective here," ang narinig niyang pagtawag naman sa kaniya ni officer Gatmaitan. Dali-dali silang sumunod patungo sa isang silid na nasa ibaba ng bahay at mula sa pintuan ay nakita niya si doctor Lorelei sa loob ng silid na tinutulungan ng mga anti-kidnapping police na makalawala sa pagkakagapos nito. At nakaramdam ng kirot sa kaniyang dibdib si Atlas nang makita niya ito sa ganun na kalagayan.

Dali-dali siyang naglakad papasok, leaving doctor Crime behind him at saka niya nilapitan si Lorilei na lumuluha nang sandaling iyun.

"Lorelei...doctor Magtibay," ang kaniyang pagtatama sa kaniyang sinabi. Ayaw naman niyang marinig ng mga ito na nasa first name basis na sila ng kinidnap na doctor. At nang makita siya nito ay muling bumuhos ang mga luha sa bilugan nitong mga mata.

"D-detective...na-nandito ka," ang hindi makapaniwala nitong sabi.

"Siya po ang nagreport sa amin na...nawawala ka sa bahay mo," ang sagot ni officer Gatmaitan. Tiningnan ni Lorelei ang nasabing pulis saka ito tumango at muling ibinalik nito ang mga matang lumuluha sa kaniya.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon