CHAPTER 34

261 30 16
                                    

Matiyagang naghintay si Lorelei sa parking sa tabi ng sasakyan ni professor Cesar nang hapon na iyun. Gusto niya sana itong makausaap nang masinsinan. Hindi naman niya ito makausap sa loob ng faculty hindi lang dahil sa hindi sila magpang-abot kundi na rin sa ayaw niyang may makarinig ng kaniyang sasabihin.

Naalala niya ang mga itinanong sa kaniya ni Atlas kanina habang sila ay nakaupo at sabay sanang magla-lunch. Ngunit ang masaya sanang tanghalian nila ay nauwi sa isang interogasyon hanggang sa hindi na pagkakaunawaan at siya na ang gumawa ng unang hakbang para umiwas at magbighay ng espasyo sa kanilang dalawa.

It is too fast. Ang lahat nang nangyari sa kanila ni Atlas ay napakabilis na nangyari kaya naman hindi niya rin napaghandaan ang bagay na iyun.

Naputol ang kaniyang pag-iisip nang makita niya si Professor Cesar na naglalakad na palapit sa sasakyan nito. Dali-dali niyang iniwan ang bench kung saan siya nakaupo at naghihintay at saka siya nagmamadaling naglakad palapit.

"Prof Cesar!" ang pagtawag niya sa atensiyon nito habang naglalakad siya palapit at bitbit ang malaki niyang satchel bag.

Huminto si prof Cesar sa harapan ng driver's side at hinintay siya nitong makalapit. "Oh doctor Magtibay." Ang sagt na bati nito sa kaniya nang makalapit siya rito.

"Puwede ko po ba kayong makausap?" ang tanong niya.

"Uhm," sambit nito saka nito sinilip ang oras mula sa suot nitong relo.

"Mabilis lang po ang sasabihin ko." Ang giit niya mukhang nagmamadali kasi ang may edad nang propesor.

Nagbuntong-hininga ito at saka ito tumango, "pauwi ka na rin ba?" tanong nito sa kaniya.

"Opo." Ang sagot niya.

"Isasabay na lang kita, sa sasakyan na lang tayo mag-usap, may...importante akong lakad." Ang sagot nito sa kaniya at tumango naman siya bilang sagot. He unlocked the doors at saka ito sumakay sa driver side at siya naman sa passenger side. Ilang sandali pa ay tumatakbo na nag luma nitong sedan palabas ng university.

"Ano ang sasabihin mo?" ang tanong nito sa kaniya. Sandali itong sumulyap sa kaniyang direksiyon habang abala ang mga kamay nito sa pagmaniubra ng manibela.

"Tungkol po kay Atas," ang kaniyang sagot.

"What about him?" tanong nito.

"Bakit po...bakit po ninyo sinabi ang pagiging aktibista ko? At nag pagiging dating rebelde ni doctor Crime?" ang tanong niya.

"Ikinahihiya mo ba ang adhikain mo?" ang tanong sa kaniya nito. At pagiling ang kaniyang isinagot.

"Ang mas nakakahiya, ay si doctor Crime, dahil tinalikuran niya ang kaniyang calling ang makibaka para sa mga inaapi, mga nanggigipit." Ang dugtong pa nito.

"Pero...hindi po ito naintindihan ni Atlas, and now...he's suspecting me of things...he and I..." at hindi na niya nadugtungan ang kaniyang sasabihin dahil sa hindi niya maamin ang kung anong nasimulan nila ni Atlas.

"May relasyon kayo." Ang saad ni prof Cesar at hindi iyun isang katanungan. At tumango naman ang kaniyang ulo.

"Kung mahal ka niya Lorelei maiintindihan ka niya, kung mahal mo siya ay maiintindihan mo rin kung anong pinangagalingan niya...isa siyang alagad ng batas at nanumpa siya ng katapatan sa kung sinuman ang tagapamahala ng bansa, kailangan ninyong...intindihin ang isa't isa...pag-isipan ninyo kung ano nga bang matimbang sa sinisimulan ninyong relasyon."

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon