Chapter 16

229 28 21
                                    

"When connecting the dots to how our minds can work in different situations, most students start to correlate what they learn with the outside world. Understanding how and why people act the way they do can give a new or even deeper perspective on how to handle these situations."

"But more importantly...you will be able to...connect with yourself...understand yourself on your fears...maybe...something was...locked up on your past that you are trying to hide with a new reality." Ang pagpapatuloy ni Professor Cesar. Nnag tumunog na ang bell hudyat nang pagtatapos ng kanilang klase.

"Alright, tomorrow creative problem solving ang ating topic, so heads up sa ating syllabus, review ahead dahil may palitan tayo ng mga discussions...goodnight class see you tomorrow night in our zoom class." Ang pagpapalaam ni professor Cesar sa kanila.

Dinampot niya ang kaniyang bag at katulad nang nakagawian bago lumabas ng classroom ay binati siyang muli ni prof Cesar.

"Tapos na ang...trabaho mo?" ang tanong nito sa kaniya.

"Opo sir," ang kaniyang sagot at sinabayan niya ang matandang propesor palabas ng pintuan ng silid.

"Pauwi ka na?" ang tanong nito sa kaniya.

"Opo pero susunduin ko lang po si Doctor Magtibay sa faculty," ang kaniyang sagot at napansin niya ang pagtaas ng dalawa nitong mga kilay. At iyun lang naman ang tanging ginawa nito. hindi ito nagsalita kung bakit kinakailangan niya tong sunduin sa faculty room.

"Kayo po sir? Pauwi na rin ba kayo?" ang balik niyang tanong.

"Oo pero, naalala kong mayroon akong naiwan na libro sa faculty, ayoko nang magpabalik-balik at hindi na rin naman ganun katibay ang mga tuhod ko," ang sagot nito sa kaniya na sinamahan nito nang malapad na ngiti.

"Mukhang mas malakas pa kayong sumipa sa kabayo," ang sagot niya. At isang mahinang tawa ang isinagot sa kaniya ni prof Cesar.

They were cahtting about their recent topic sa classroom nang mula sa isa sa mga silid ay may lumabas na grupo ng mga estudiyante na may bitbit na mga banner, tarpaulin, at mga kulay pulang bandera na may mga nakasulat na pangalan ng mga samahan ng mga aktibong aktibista sa loob at labas ng unibersidad. Mukhang naghahanda na naman ang mga ito sa isang rally.

At hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa ng mga estudiyante, lumapit ang mga ito kay propesor Cesar.

"Hi sir! Prof!" ang bati ng mga ito kay prof Cesar na huminto sa paglalakad para harapin ang mga bumating aktibistang mga estudiyante ng unibersidad. Siya man ay napahinto sa kaniyang paglalakad at hinintay tumayo lamang siya sa tabi ni prof Cesar para makinig.

"Oi!" ang tanging sambit ni prof Cesar sa mga ito.

"Sir, sama ka sa amin?" ang pagyakag ng mga ito kay prof Cesar na napakunot ang noo at napangiwi ang mga labi.

"Naku, intindihin niyo pa ako, kayo na lang," ang pabirong sagot nito sa mga estudiyante.

"Kaya ka namin sir, hindi ka naman mapapagod, kahit sa jeep ka na lang, nag-arkila na kami," ang sagot ng isang estudiyanteng babae.

"Gugutumin lang ako-"

"May pagkain kami sir, marami, may pondo naman kami," ang giit pa ng isa. "Gusto namin na makita mo kami sir kasi naaplay namin yung mga turo mo."

"Makikita ko naman kayo sa television sigurado, saka...araw-araw ko na kayong nakikita dito sa school grounds, nagsasawa na nga ako sa mga mukha ninyo magsipag-graduate na nga kayo." Ang sagot ni prof Cesar sa mga ito. Nang matuon ang atensiyon ng isa sa mga estudiyante sa kaniya.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon