Chapter 15

250 29 16
                                    

Sumulyap si Atlas sa passenger seat kung saan nakaupo si Lorelei. Her face was turned towards the window to her right at nakamasid ito sa labas. Kanina pa ito tahimik mula nang lisanin nila ang sementeryo nang magpaalam na sila kina doctor Crime at anak nang namayapang si doctor Benigno na si Yosef. Na ikinagulat niya dahil sa nakafirst name basis na ang dalawa. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na may taong tatawag kay doctor Crime sa unang pangalan nito. akala nga niya kanina na bubuka ang lupa at lalamunin nito si Yosef nang sambitin nito ang pangalan ni doctor Crime na Aurelia.

Naalala rin niya ang sinabi kanina ni doctor Crime nang kamustahin nito si Lorelei na nagiging malapit silang dalawa. At napansin niyang natigilan si Lorelei sa pahayag na iyun ni doctor Crime at mula noon nga ay hindi na ito nagsalita at nanatili na lang na tahimik.

"I'm sorry about that," ang kaniyang sambit na may kasamang buntong-hininga. At doon ay nakuha nang lumingon sa kaniya ni Lorelei.

"Sorry?" ang kunot noo na tanong sa kaniya ni Lorelei, "about what?"

"About what doctor Crime said about us...namis-interpret niya lang ang pagiging malapit nating dalawa." Ang kaniyang paliwanag. "He's just so straight forward kaya minsan ay namisinterpret ang mga sinasabi niya."

Tikom na ngumiti si Lorelei sa kaniya, "hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasasanay sa...pagiging prangka niya," nagbuntong-hininga ito, "anyway...hindi naman talaga kami ganun ka-close ni doctor Crime though we did share each others company once in a while during our coffee breaks. But...I know she's nice."

"Anyway...wala namang masama sa pagiging malapit natin sa isa't isa, laking pasalamat ko nga kasi...may makakasama ako, may karamay."

"Katulad nang sinabi ko, na hindi ka nag-iisa Lorelei." Ang pagpapa-alala niya.

"Papasok ka ba sa trabaho mo?" ang tanong nito sa kaniya. At nang sandali na iyun ay mukhang nanumbalik na ang buhay sa boses nito.

"Oo, kailangan ko nang mag-report sa station para sabihin na babalik na ako at nag-withrew ako sa pag-absorb ng NBI but...may oras pa naman ako, how about some coffee?"

"Pero baka ma-late ka?" ang tanong ni Lorelei sa kaniya.

"I am already late saka...bukas pa ang official na pagrereport ko sa station," ang sagot niya, "and besides...kailangan nating magpagpag hindi ba?"

"Yes," ang sagot ni Lorelei sa kaniya na may ngiti. Saka ito nagbuntong-hininga at sinundan ng pag-iling. "I didn't know na may anak si doctor Benigno," ang sambit nito.

Kumunot ang kaniyang noo, "why?"

Umiling si Lorelei at nagkibit ng mga balikat. "Doctor Benigno is...very cheerful at ma-kuwento siya, but...never did he mention about his son, lalo pa at nag-iisang anak niyang lalaki si Yosef...parang kaiba hindi ba? Most fathers are so proud of their sons na laging laman ng mga bibig nila, pero hindi niya kailanman nabanggit si Yosef sa amin, sa mga pagkakataon na nagsi-share siya ng kuwento...pero...baka naman kasi, hindi rin kami ganun kalapit? Maybe it is only doctor Crime that knows about him dahil sa malapit silang dalawa...doctor Benigno and doctor Crime I mean."

Tumango ang kaniyang ulo at hindi siya sumagot. Kapag nag-umpisa na siyang mag-imbestiga ay baka malaman niya kung anong relasyon meron ang mag-ama.

"But still...he looks... somehow familiar." Ang kunot noo na bulong ni Lorelei.

Isang coffee shop ang kanilang nakita at doon na sila nagdesisyun na huminto at magkape. He held open the door for her. Hindi pa crowded ang loob ng kapihan kaya naman maluwag at tahimik pa ang loob nito.

"What can I get you? Oh wait...I remember...iced macchiato and BLT sandwich," ang kaniyang sabi at nakita niyang nagliwanag ang mukha ni Lorelei.

"Talaga ngang magaling kang detective, naalala mo pa?" ang nakangiting tanong ni Lorelei na may ngiti sa mga labi nito.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon