CHAPTER 36

305 30 14
                                    

Yeah right...it all comes down to one person at iyun ay si doctor Ezekiel Suarez. Una pa lang ay naghinala na siya rito. The new strain, the vaccine, and the papent and now...being a share holder ng pharmaceutical company.

Money... Iyun lang ang puno't dulo ng lahat, ang sabi ng kaniyang isipan. Habang nagmamaneho siya patungo sa kaniyang station. Kaalis lang niya mula sa bahay ni Yosef Benigno na kinailangan na ring umalis ng bahay nito para naman magtungo sa Unibersidad de Las Islas Filipinas para doon magturo. Ang unibersidad na kung saan din dating nagtuturo ang namayapang ama. At kasama na nito si doctor Crime sa iisang unibersidad.

Umiling ang kaniyang ulo. Pero kung si Doctor Suarez nga ang may pakana ng lahat at ang ay gawa nito...bakit nito idinamay si Hermenia Punzalan? At si officer Gatmaitan?

"Shit." Ang bulong niya. Paano niya ito maikokonekta sa dalawa pang pinatay? Hindi naman niya masabing...pinag-eksperimentuhan lang ang mga ito. They were not random choices like Theresa Cruz at iba pang kapulisan na mga naging biktima ng new strain ng anthrax.

Kung hindi lang sana magkakakilala ang mga ito ay masasabi niyang random lang ang pagpili ng victim but no. The four victims were all connected.

"Shit." Ang bulong niya. Bakit parang mas lalo pang gumulo? Paano niya ngayon maikokonekta si doctor Suarez sa mga ito. Ni hindi niya nakita ang pangalan nito sa university na pinanggalingan ng mga ito.

Kailangan niyang makuwestiyun si doctor Suarez. Malalaman lang niya ang katotohanan kapag nakausap na niya ito pero paano niya iyun gagawin? Wala siyang case laban dito and he can easily decline his request na makausap ito. H could clam up and keep his lips sealed at siya pa ang maaaring kasuhan ng harassment kapag hindi niya ito tinigilan. He need something para maimbitahan ito sa presinto for questioning.

Isang malakas na pag-ubo ang kaniyang gianwa. And he swallowed hard para basain ang nanunuyo na niyang lalamunan. Mukhang napasama sa kaniya ang init at lamig ng panahon. Inabot niya ang kaniyang water bottle para uminom ng tubig. At pagkabalik niya ng kaniyang inuman na bote ay kinamot naman niya ang kaniyang bisig. Tiningnan niya iyun ay napansin niyang mayroon siyang maliit na pantal.

Great now insect bite naman. Ang inis niyang sambit. Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. At habang nakatitig siya sa kalsadang binabagtas niya sa kaniyang harapan ay muling nanghimasok sa kaniyang isipan ang apat na magkakaibigang pinatay. Pero bakit si officer Gatmaitan? Idinamay lang ba ito dahila anak ito ni Kanlas Gatmaitan? Ano bang ikinamatay ni Kanlas? Tanong ng kaniyang isipan.

At tila ba mayroon talagang humihila sa kaniya na magtungo sa lugar na iyun. nakita na lamang ni Atlas na nasa lugar na naman siya kung saan nakatira si officer Gatmaitan. At napagtanto niya kung bakit siya naroon gusto niyang malaman kung anong kinamatay ni Kanlas Gatmaitan.

Itinabi niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay ni officer Gatmaitan. Ngunit bago pa siya makababa ng sasakyan ay muli siyang nagpakawal ng sunud-sunod na tuyong ubo at saka niya malakas na nilinaw ang kaniyang lalamunan.

"Ehrm," ang sambit niya. Inabot niya ang wetwipes at saka siya bumunot ng isang basang tisyu at ipinunas niya iyun sa kaniyang bibig. At saka siya muling umubo. Muli niyang pinunasan ang kaniyang bibig at saka niya itinapon sa kaniyang maliit na basurahan. Nilinaw niyang muli ang kaniyang lalamunan at saka niya nilagyan ng alcohol ang kaniyang kamay. Iinom siya sana ng tubig mula sa kaniyang bote pero nang buksan niya ang takip nito ay wala nang laman ang kaniyang lalagyan.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at bumaba na siya ng kaniyang sasakyan. At naramdaman niya agad ang hampas ng mainit at maalinsangan na hangin. Muli sa tindahan siya dumiretso at ang asawa nitong si Daisy ang kaniyang nakausap.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon