Pinagmasdan ni Doctor Aurelia Crime ang grupo ng mga student demonstrator sa grounds ng campus. Mula nang magsimula siyang magturo sa uniberisdad na iyun ay walang araw na hindi niya nakikita na walang mga nagwewelga sa loob ng school campus.
Iba-ibang araw, iba-ibang mga signage sang hawak, iba-ibang effigy, at iba-ibang paksa nang ipinaglalaban. Sa gobyerno man o sa mismong pamamahala ng malaking unibersidad. Kaya naman tila isang ordinaryong kaganapan na lamang para sa mga mata at pandinig ni doctor Crime ang mga estudiyanteng nagsisisigaw hanggang sa maabot ng mga boses nito sa gitna ng school grounds. At malaya ang unibersidad para sa mga demonstration. Walang nagbabawal, walang sumasaway, walang nagsusugpo.
Napabuntong-hininga si doctor Crime at saka nito ipinarada ang sasakyan nito sa harapan na parking sa Science building na para sa mga guro ng unibersidad. Bitbit ang kaniyang satchel bag ay bumaba ito ng sasakyan at mabilis na tinunton ang hagdan para magtungo sa fifth floor kung saan naroon ang kaniyang klase para sa umagang iyun.
Halo kakarampot na oras lang ang kaniyang tulog. Matagal pa kasi ang inilagi niya sa kaniyang lab sa coroner's office para sa mga katanungan ni detective Stevie at para na rin ituloy ang kaniyang autopsy sa biktima. And it was late or a few hours bago mag-umaga nang magpasya siyang matulog at magpahinga. At sa umagang iyun nga ay mayroon siyang klase. At excited siyang magturo lalo na at kakaunti lang ang interisado na kumuha ng kurso bilang pathologist.
Nang matuntonton niya ang ikalimang palapag, mula pa lamang sa pasilyo na binabagtas ni doctor Crime patungo sa faculty ay napansin na agad niya ang kumpol ng mga guro sa labas ng pintuan ng faculty room. Makikita na aligaga ang ilan sa mga ito at mapapansin din ang mga security ng university na nagpapabalik-balik sa pasilyo.
"What the hell's going on?" ang bulong ni doctor Crime at nang may makapansin na sa kaniya na kapwa propesor ay dali-dali itong lumapit sa kaniya.
"Doctor Caspin...what's going on?" ang kunot noo na tanong ni doctor Crime sa kasamahang propesor. And she instantly noticed the grayish tone of his skin and beads of sweat on his forehead and neck. Kahit pa air-conditioned ang loob ng faculty at buong building ng science dahil na rin sa mga kagamitang naroon.
"The lab...it was all in shambles, pinasok ang laboratory," ang sagot nito sa kaniya.
Bumagsak ang mga panga ni doctor Crime. "Nilooban?" ang gulat nitong tanong. "Pero anong kailangan nila sa laboratory?" ang nagtataka na tanong ni doctor Crime habang sinasabayan niya ng paglalakad ang kaniyang kapwa propesor at doctor rin na si doctor Caspin.
Umiling ang ulo nito, "they were making inventories already, kung anong mga nawala ganun na rin ang cctv, sana nga may...may nakunan kung sinuman ang...nagnakaw sa..."
Natigilan si doctor Crime sa kaniyang paglalakad nang mapansin niyang bahagyang nawalan ng balanse ang kasabay niyang propesor. Mabilis na nahawakan nito ang bisig ng mas may edad nang lalaking guro.
"Doctor Caspin, are you alright? You don't look well, your skin's pasty and gray and you're sweating like you're inside of an oven."
Umiling ang ulo nito, "kanina ko lang...ito naramdaman, masakit ang ulo ko."
"Goodness gracious you're burning!" ang sabi ni doctor Crime ang mahawakan ng mga palad nito ang balat na nasa batok nito.
"I...can...not...breath." At doon na tuluyang pumikit ang mga mata ni doctor Caspin at nabuwal ang mga tuhod nito. At kahit pa nasalo ni doctor Aurelia ang nabuwal nitong katawan ay hindi pa rin nito nakaya ang mas dobleng bigat nito sa kaniya kaya naman kapwa sila napaupo sa makinis na sahog ng pasilyo.
"Help!" ang sigaw niya.
***
Nakangiting pinihit ni Atlas ang manibela ng kotseng minamaneho niya. He was on his way to work that morning nang maalala niya ang kanilang trio coffee date kagabi. Not technically a date pero, masaya si Atlas na makasama at makausap ang dalawang matalinong mga babae.
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mystery / ThrillerA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...