Chapter 18

267 31 23
                                    

Pinagmasdan ni doctor Crime ang lalaking papalapit sa kanilang apat. Malapad ang pagkakangiti ng mga labi nito habang naglalakad ito palapit.

"Good evening, I am doctor Ezekiel Suarez, the biochemist who invented the vaccine." Ang pagpapakilala nito na may malapad na ngiti sa mga labi saka nito inilahad ang kamay sa kanila. At sa kaniya nito unang inabot ang malapad nitong kamay.

"Biochemist from where?" ang kaniyang tanong at hindi niya agad tinanggap ang nakalahad nitong kamay sa kaniya. Tiningnan niya ang mga mata nito na katulad nang sa kaniya ay nasa likod ng makapal na salamin.

"From Research Institute of Tropical Medicine," ang sagot nito, "doctor Aurelia Crime? Is it not?" at nanatiling nakalahad ang kamay nito sa kaniya. "I work with the government." Ang dugtong pa nito.

"Kilala mo si doctor Crime?" ang sabat na tanong ni detective Carberry.

"Sino bang hindi nakakakilala sa kaniya?" ang tanong nitong sagot kay detective Carberry ngunit ang mga mata nito ay nanatili pa rin sa kaniya.

"It's nice to meet you doctor," ang kaniyang sagot at tinanggap na niya ang nakalahad nitong kamay. At pinagmasdan niya kung paanong magiliw din itong nagpakilala sa tatlo pa niyang kasama including detective Carberry.

"You said you needed help?" ang tanong ni dr. Suarez sa pulis na kasamahan nang namatay na si officer Gatmaitan.

"Ako sir," ang sagot nito.

"How can you be positive of the strain?" ang kunot noo na tanong nito. "But first...let's go back to the hospital, naroon naka-set up ang mga gamit ko."

"Set-up?" ang kunot noo niyang tanong, "you said about vaccine?" ang tanong niya. At tumango ang ulo nito habang sila ay naglalakad patungo sa mga sasakyan.

"Yes," ang sagot nito.

"Sasabay ka na ba sa akin doctor Crime?" ang tanong ni detective Carberry sa kaniya. At naalala niya na hindi nga pala siya gumamit ng kotse. Sasagot sana siya ng oo nang sumabat si doctor Suarez.

"Please, let me drive you to the hospital, makakapag-usap din tayo nang maayos about sa vaccine na tinutukoy ko." Ang giit ni doctor Suarez sa kaniya. Nauna naman nang nagpaalam si sina director Tesoro at ang officer na kasamahan ni Gatmaitan. At nagbigay na rin ito ng direktiba na hanapin ang iba pang nakahawak sa perfume sampler na hindi na malaman kung kaninong kamay napunta.

Tiningnan siya ni detective Carberry. Mas gugustuhin niyang sumabay rito dahil sa mas kilala niya ito pero hindi rin naman niya mapapalagpas ang pagkakataon na malaman ang tungkol sa vaccine na tinutukoy ni doctor Suarez.

"Kay doctor Suarez na ako sasabay detective Carberry," ang sabi niya rito at nakita niyang kumunot ang noo nito sa kaniya at siya naman ay pinandilatan ito ng mga mata.

"Sa likod niyo lang ako," ang mariin nitong sagot. Tumango siya at pinagbuksan na siya ng pinto ni dr. Suarez at sumakay na siya sa passenger seat. At mula sa side mirror ay tiningnan niya si detective Carberry na sumakay sa sarili nitong sasakyan.

"Ready?" ang tanong ni dr. Suarez na nakaupo na sa driver side. Bahagyang kumunot ang kaniyang mga mata. Bakit kailangan nitong magbagal if they have an emergency? Ang tanong ng kaniyang isipan.

"We have to hurry don't you think?" ang kaniyang tanong. Napansin niyang unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi nito at saka ito tumango at napansin niyang nagblink ang headlights ng sasakyan ni detective Carberry na tila ba sinasabi nitong tumakbo na sila.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon