CHAPTER 26

241 29 12
                                    



Itinulak ni Atlas ang pinto ng laundry shop kung saan nagtatrabaho ang pangatlong biktima na si Theresa Cruz. Isang abalang mga tauhan ang nasa loob na nagsasalang at nagkikilo ng mga labahin. Pinuntahan na niya ang laundry shop para malaman kung may koneksiyon ba si Theresa Cruz kina doctor Caspin at doctor Benigno o katulad lang din ng mga pulis na nadamay nang amuyin ang sample na pabango.

"Good afternoon sir," ang bati sa kaniya nang namamahala ng front desk ng laundry shop.

Tumango ang kaniyang ulo, "good afternoon, uhm, dito ba nagtrabaho noon si Theresa Cruz?" ang kaniyang tanong.

"Opo, pero wala na po si Theresa rito, patay na po siya nito lang nakaraan na araw," ang sagot sa kaniya ng babaeng nasa likod ng kahoy na counter.

"Oo alam ko at...ako nga pala si detective Carberry at may gusto lang akong itanong tungkol sa mga nangyari bago siya nagkasakit at namatay? May...natanggap ba siyang package? Pabango? O kahit anong papel?" ang usisa niya.

Napansin niya ang pagkunot ng noo nito at saka ito umiling. Dito po sa shop wala po siyang dumating na delivery yung order ganun, pero yung...ang alam lang namin meron ditong nagpunta na may edad nang lalaki tinatanong kung, may restaurant daw dito eh, wala naman parang may natanggap yata siya na papel tapos hinahanap dito nung lalaki."

Tumango ang kaniyang ulo at saka niya hinugot ang kaniyang telepono sa kaniyang bulsa at saka niya hinanap sa kaniyang gallery ang mga litrato na kaniyang kinuha sa online record ng university. At nang nahanap na niya ang litrato ni doctor Benigno ay ipinakita niya ito sa kausap.

"Ito po ba ang...lalaking nakausap niya? Ni miss Theresa Cruz?" ang kaniyang tanong at itinapat niya ang phone screen para makita nito ang litrato.

Kumunot ang noo nito at tinitigan nang husto ang larawan sa kaniyang telepono at saka ito tumango nang mamukhaan nito. "Oo, siya yun, sis! Halika! Ito yun diba?" ang pagtawag pa nito sa isa nitong kasamahan na sandaling iniwan ang mga damit na isinasalang sa malaking washer para lumapit sa counter.

"Siya yun diba? Yung kausap ni Theresa nung hapon?" ang tanong nito sa pinalapit na sakamahan.

Kunot noo rin nitong tiningnan ang larawan sa kaniyang phone at saka ito tumango. "Oo siya yun, takang-taka nga kami kasi, hinahanap niya rito yung Korean restaurant yun daw kasi ang nakalagay sa papel...ewan kung ano bay un voucher bay un?" ang kunot noo pa nitong paliwanag.

"Hinawakan ba ni Theresa yung papel?" ang tanong niya at tumango ang isa sa mga ito.

"Tiningnan niya kasi yung hawak na papel nung lalaki, kaya hinawakan niya, bakit po?" ang kunot noo na tanong nito sa kaniya.

Umiling ang kaniyang ulo. Tama nga ang hinala niya, hindi kasama sa target ang babaeng nagtatrabaho sa laundry. Nadamay lang ito. si doctor Benigno talaga ang target ng suspect. So tama nga si doctor Crime, targeted at hindi random ang mga victims. Pero imposible ang sinabi nitong si Lorelei ang may gawa, ang giit ng kaniyang isipan.

"Wala naman nag-follow up lang po ako, salamat po sa inyong oras," ang kaniyang sabi at saka siya tumango at nagpaalam na sa mga ito. Lumabas siya ng laundry shop at saka siya naglakad palapit sa naghihintay niyang sasakyan. Hinila niya ang kaniyang notebook at binuklat ang pahina kung saan naroon naaksulat ang listahan ng mga pangalan. At kaniyang ginuhitan ang pangalan ni Theresa cruz. Apat sa limang namatay ang natira sa kaniyang listahan.

Tinitigan niya ang mga pangalan at tanging sina doctor Benigno at doctor Caspin lang ang masasabi niyang may kaugnayan sa isa't isa. Nadamay din lang ba si Mrs. Punzalan at si officer Gatmaitan? Ang tanong ng kaniyang isipan. Wala pa rin siyang natatanggap na tawag mula kay

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon