Prologue

812 48 13
                                    


Agad na nakita ni detective Atlas Carberry ang bunton ng mga tao na halos humarang na sa daan. Mga grupo ng taong gusto lamang makiusyoso sa kung anong meron sa malaking bahay na napuno ng mga police cars, ambulance, at truck ng bumbero na unang rumesponde sa lugar dahil sa tawag ng sunog. At siyempre pa, naroon ang mga sasakyan ng iba'tibang media channel at ang mga reporters na nagkaniya-kaniya na rin ng puwesto sa harapan ng bahay.

Masasabing wala rin namang pinagkaiba ang mga reporter na mga iyun sa mga nakikiusyoso sa labas ng bahay. Pare-parehong gusto lamang ng mga ito na makakuha ng istorya na mapag-uusapan. Ang kaibahan lang ng iba ay ang mga media ay kumikita sa pakikiusyoso ng mga ito.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at inip niyang pinindot ang busina para mabigyan siya ng daan. At tila tubig ng red sea na nahati sa gitna sa kumpas ni Moises, ang tao naman sa kaniyang daraanan ay nahati nang dahil sa kaniyang malakas na pagbusina para bigayn siya ng daan.

Itinabi niya ang kaniyang sasakyan at saka siya dali-daling bumaba ng service car na ilang taon na rin niyang ginagamit. Isang uniformed police ang lumapit sa kaniya para siya ay batiin.

Kinamayan niya ito at saka siya tumango, "uhm officer will you please have someone outside to...control the crowd? Mahihirapan na maglabas-pasok ang mga reresponde dahil sa mga taong nakaharang sa daan."

"Yes sir," ang sagot nito. At maglalakad na sana siya papalapit sa bahay nang mapansin niya ang mga reporter na nagsimula nang gumalaw na tila mga leon na nakakuha na ng sisiluin nang sandali na iyun.

"And officer, may nagbigay na ba ng statement?" ang tanong niya at alam ng mga ito ang kaniyang pinatutungkulan.

"No sir." Ang sagot nito. Tumango siya at nagpasalamat at saka siya naglakad palapit sa bahay and he braced himself sa papalapit na mga mikropono, camera, at reporters.

"Sir! Sir! Puwede po ba kayong mahingan ng statement? Totoo ba na set up lang ang sunog para i-cover ang mga bangkay?"

"May pagkakakilanlan nap o baa ng mga biktima sa loob?

"May statement nap o baa ng PNP regarding this?"

"No comment thank you." Ang kaniyang tanging sagot habang mabilis siyang naglakad papalapit at lumusot siya sa kurdon na dilaw na inikot ng mga naunag police na nagresponde.

Kumunot ang noo ni detective Atlas habang nakatingin sa babaeng reporter. Narinig niya ang ilan sa mga sinabi nito habang nagbabalita ng live.

"Who talked to them?" ang tanong niya sa isa sa mga kasamahang pulis na unang rumesponde sa lugar. Umiling ang ulo ng uniformed personnel at saka siya nagbuntong-hininga. "Make sure that the crime scene is secure, ang SOCO?"

"They're on their way sir, gayun na din si PNP chief Escolda," ang sagot nito.

Tumango ang kaniyang ulo at saka siya pumasok sa loob ng pintuan. And he could smell the nasty sting in his nose of mixed sulfur, smoke, and water. And his nose also took a whiffed of a sickeningly dry and metallic scent of blood.

At agad na bumungad sa kaniya ang limang taong nakakalat sa loob ng salas na naliligo sa kanilang sariling dugo.

"May nag-check na ba ng buong bahay?" tanong niya.

"Yes sir, wala na pong ibang natagpuan buhay man o patay, sila lang po," ang sagot nito sa kaniya. He was used to crime scenes pero hindi pa rin siya sanay sa amoy lalo pa at naghalo ang amoy ng dugo at ng usok. Naglakad pa siya sa loob, at maingat niyang iniwasan na makagawa pa ng ilang marka na makakasira sa crime scene. It was indeed a crime scene for now dahil sa tila iang massacre ang nangyari sa loob.

Nagtungo siya sa kusina at doon ay nakita niya ang ilang mga kahon at mga nagkalat na papel sa ibabaw ng dining table. Agad siyang dumukot sa bulsa ng kaniyang jacket at mula roon ay binunot niya ang pares ng rubber gloves. Isinuot niya ang mga iyun sa kaniyang kamay at isa-isa niyang dinampot ang mga paple na myroong mga nakasulat. It was written by hands with a black ballpoint ink. At nakasulat doon ay iba't ibang chemical symbols at mga lugar at dates.

Kunot noo niyang binasa ang mga iyun hanggang sa kumuha ng kaniyang atensiyon. It was a date na malapait nang dumating ang araw ng kalayaan.

Bigla siyang kinabahan at napalingon siya agad sa mga nakatambak na kahon malapit sa kitchen counter. He took a step para lapitan ang mg akahon nang mapansin niya ang bahid ng mga dugo sa sahig. Those were marks of soles ng sapatos. Kasama ng dugo ay ang malabong tubig.

Iniwasan niyang matapakan iyun at saka niya nilapitan ang mga kahon. At pagkabuklat niya ng flap ng isa sa mga nakaimbak na box ay tumambad sa kaniya ang iba't ibang mga pampasabog.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon