Chapter 14

220 22 17
                                    

Nagtitipon na ang mga tao sa isang kilala at mamahaling sementeryo sa isang siyudad sa metro. May mahabang hilera ng mga upuan sa lilim ng isang make-shift metal tent. Kung saan sa gitna nito ang isang ginawang altar na napupuno ng mga bulaklak na mula sa mga nakiramay. And at the center is a white casket with golden lining. At nakasilyado na ito ayun na rin sa inutos noon ni doctor Crime. Halos dalawang araw lang itong naiburol at kinailangan na itong madalian na ilibing.

"Nahihiya ako," ang narinig niyang sabi ni Lorelei sa kaniyang tabi at napansin niyang huminto ito sa paghakbang habang bitbit nito ang bungkos ng mga bulaklak na kanilang binili. "Nahihiya akong na humarap sa biyuda ni doctor Caspin...paano kung?"

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Inabot ng kaniyang kamay ang kamay ni Lorelei at naramdaman niyang nagitla ito. At saka niya iyun mabilis na binawi at ikinuyom niya sa kaniyang tagiliran.

"UH...Lorelei, I'm sorry."

"No...hindi, pasensiya ka na," ang sambit ni Lorelei, "hindi lang kasi ako nasanay na...may kumakalinga sa akin." Ang saad nito at bahagyang yumuko ang mukha nito para iiwas sa kaniya.

"Lorelei, simula ngayon sana...lagi mong tandaan na...hindi ka na nag-iisa, na mayroon kang mga makakasama...na...nandito ako."

"Maiintindihan ka ni Mrs. Caspin...walang may gusto nang nangyari at...ipapangako natin sa kaniya, na hahanapin natin ang may-gawa nito at pagbabayarin." Ang kaniyang pangako.

Umangat ang mukha ni Lorelei at nagsalubong ang kaniyang mga mata saka ito mabagal na tumango. "Sa isang iglap...nagbago ang lahat...nang dahil sa gabing iyun." Sandali itong huminto. "Ngayon...nagsisisi ako."

"Lorelei...magsisimula pa lang tayo kaya dapat...magpakatatag ka...sa ngayon? Makikiluksa tayo."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lorelei saka ito matipid na ngumiti sa kaniya at tumango. "Salamat Atlas...salamat sa pagsuporta mo lalo na sa sandaling wala akong ibang masandalan."

Tumango siya at ngumiti at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. At habang papalapit ay mayroong kumuha ng kaniyang mga tingin. Sa hilera ng mga upuan na okupado na nang mga makikipaglibing ay napansin niya si doctor Crime. She was occupied talking to a man na nakaupo sa tabi nito.

"Nandito na pala si doctor Crime," ang narinig niyang sabi ni Lorelei. At dahil sa kailangan na muna nilang magpaabot ng pakikiramay sa naulilang asawa ni doctor Caspin ay dumaan na lang muna sila sa tabi nito.

At nang nakuha nila ang mga pansin nito ay nakita niya ang paniningkit ng mga mata ni doctor Crime mula sa suot nitong salamin sa mata. Tila ba nagulat ito na makita siya sa lugar na iyun sa kabila nang sinabi nito sa kaniya kagabi na huwag na siyang magpupunta roon.

Kumaway si Lorelei kay doctor Crime na sumagot nang pagtango. At nang mapansin ng kausap nitong lalaki na may tinaungan ito ay lumingon din ito sa kanilang direksiyon at doon niya nakita ang mukha ng lalaking kausap ni doctor Crime.

Mukhang hindi nagustuhan ni doctor Crime na makita siya sa lugar na iyun, ang sabi niya sa sarili.


Nakaramdam na ng kaba si Lorelei habang naglalakad siya palapit sa naiwang asawa ni doctor Caspin. Paano kung, pagsalitaan siya nito ng masakit? Sumbatan siya? Tatanggapin ko naman...dahil sa iyun naman ay aking kasalanan.

May kausap pa si Mrs. Caspin kaya naman nilapitan na muna nila ang nakasarang casket ng asawa nito. Tumayo sila sa tabi ng kulay puting kabaong ni doctor Caspin. Inilatag niya ang bungkos ng mga kulay puting bulaklak sandali silang tumayo sa harapan nito para mag-alay ng maikling panalangin.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon