Chapter 5

322 34 17
                                    


"Hello doctor Crime," ang bati ni detective Atlas kay doctor Crime nang maabutan niya ito sa medical examiner's office. It was late at night at sa oras na iyun alam niyang wala na ito sa university kung san ito nagtuturo. After spending time sa opisina at ang magdrive pabalik-balik sa lugar nang inuupahan na bahay ni doctor Lorelei apara hintayin ang paglipas nang itinakdang oras para magdeklara ng missing person si Lorelei at makakilos na ang mga anti-kidnapping group ng PNP. Nagpasya siyang puntahan si doctor Crime sa opisina nito dahil sa maghapon din niya itong hindi makontak dahil sa hindi nito sinasagot ang kaniyang tawag.

"Detective Atlas," ang sagot nito habang nakaupo ito sa swivel chair sa likod ng may katamtaman na laki ng lamesa nito. Kung saan nakalatag ang tambak na mga folders at mga papel.

"Have a seat." Ang sagot nito sa kaniya at doon niya napansin na isinara nito ang folder na kaninang nakabuklat sa harapan na binabasa nito ang mga nakatalang salita.

"What is it?" tanong nito sa kaniya habang inaayos nito ang mga folder para itabi sa organizer na nasa sulok ng mesa.

"It's been twenty-four hours at wala pa ring doctor Lorelei na nagpapakita ni tawag o text ay wala," ang sabi ni detective Atlas.

"Then why are you here? You should be telling that to the anti-kidnapping group." Ang sagot nito sa kaniya. Napabuntong-hininga si Atlas hindi niya alam kung sa araw-araw na nakakaharap ni doctor Crime ang mga walang buhay na biktima ay natuto an rin itong mawalan nang pakiramdam katulad nang mga ino-autopsy nito.

"I know...pero, I didn't receive any call from you, regarding sa inventory ng laboratory." Ang kaniyang sagot.

"Oh I'm sorry about that, I was out all day para makiramay sa pamilya ni doctor Caspin, uhm, regarding sa inventory wala pa akong natatanggap na tawag, maybe because hindi naman nila ako dapat iinform kundi ang pamunuan lamang ng university ang unang mapagbibigyan ng impormasyon at siyempre ang mga pulis na may hawak sa kaso. Bukas siguro pagbalik ko sa university ay makakakalap na ako ng informations at kokontakin na lang kita." Sagot ni doctor Crime sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo, "may pasok ako bukas sa university, pupuntahan na lang kita bukas." Ang kaniyang sagot.

"That would be fine," ang sagot nito sa kaniya. Tiningnan niya si doctor Crime sa mga mata nitong nasa likod ng suot nitong salamin. At ito naman ay gumanti rin ng tingin sa kaniya. There was something ganwing inside his head tungkol sa magkasunod na panloloob na may kaugnayan kay Lorelei.

"Is there anything else detective?" ang tanong nito sa kaniya. At tinaasan siya nito nang dalawang makakapal nitong mga kilay.

"Doctor, anong...what exactly does doctor Lorelei do in the laboratory?" ang usisa niya.

"Mostly experimenting, hands on siyang magturo sa kaniyang mga estudiyante tungkol sa mga...katulad nang sinabi niya sa iyo viruses, bacteria, all microorganisms." Ang sagot nito sa kaniya. "Nothing that special dahil hindi para sa experimenting of new research ang laboratory ng university, this is for educational purposes."

Tumango ang ulo ni detective Atlas, "I better be going doctor kailangan ko nang magtungo sa PNP anti-" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang marinig niyang tumunog ang kaniyang teleponong gamit na gamit niya nang araw na iyun sa kagagawa niya ng tawag.

"Excuse me doctor," ang kaniyang sabi kay doctor Crime saka niya itinulak ang kaniyang sarili para tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at idinikit niya ang kaniyang telepono sa kaniyang tenga habang naglalakad siya palabas ng opisin ni doctor Crime.

"Detective Carberry," ang kaniyang sagot na bati.

"Detective this is officer Gatmaitan of PNP anti-kidnapping group, nagkausap na tayo kanina sa bahay ni doctor...Lorelei Magtibay." Ang sagot nito sa kaniya at agad niyang naalala ang lalaking officer na kausap niya sa loob ng inuupahan na bahay ni Lorelei.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon