Chapter 7

294 33 28
                                    

Pinagmasdan ni detective Atlas ang sasakyan ng ng PNP na huminto sa may harapan ng inuupahan na bahay ni Lorelei. Kaniya rin naman itinabi at inihito ang sariling sasakyan sa may harapan ng bahay at saka siya bumaba ng service car na kaniyang gamit at naglakad siya palapit sa mga officers ng anti-kidnapping na naghatid kay Lorelei at sa mga uniformed police naman na nakakasakop sa distritong iyun na nakatakdang magbantay sa harapan ng bahay ni Lorelei sa loob ng ilang araw.

Lumapit siya una sa mga uniformed police at kinamayan niya isa-isa ang mga ito. Saka naman siya naglakad palapit kina officer Gatmaitan na kasama si Lorelei na naglalakad na palapit sa main door ng bahay nito.

Sumunod siya at tumayo sa likuran ng mga ito. pagkabukas ng pinto ay naunang pumasok sa loob ang mga pulis ng PNP anti-kidnapping para i-check ang loob ng bahay. At doon na siya tumayo sa tabi ni Lorelei sa may harapan ng nakabukas na pintuan.

"Sigurado ka bang...ayaw mong tumuloy muna sa bahay ni Doctor Crime?" ang tanong niya kay Lorelei.

Tikom itong ngumiti sa kaniya saka nito sinundan ng pag-iling. "Hindi, mas...kumportable ako rito sa bahay, saka...secured naman ako...and besides...kung ako pa rin ang traget nila, kahit saan ako tumuloy ay matutunton nila ako at...ayoko naman na...madamay pa si doctor Crime." ang sagot ni Lorelei na sandaling umiwas ng tingin ang mga mata para tingnan ang loob ng bahay nito mula sa nakabukas na pintuan.

"Umaasa lang ako na...kung anuman ang balak ng mga taong iyun ay...hindi sila magtagumpay at...maunahan sila ng kilos ng mga pulis at gobyerno." Ang mahinang dugtong nito.

"Makakaasa kang, kikilos ang buong kapulisan natin Lorelei, naka-alerto na rin ang mga paties na magiging involved sakaling magkaroon ng outbreak...and besides...may gamot na sa anthrax basta maagapan lang ito kaya naman, wala kang dapat na ipangamba dahil nakahanda na ang puwersa ng gobyerno, at dahil din iyun sa iyo." Ang paliwanag niya.

Narinig niya ang mahinang pagsingasing ni Lorelei. It was like she was not convince sa sinabi niya.

"I doubt that." ang sagot nito sa kaniya na may kasamang pag-iling at saka nito sinalubong ang kaniyang tingin. "I am no hero Atlas, at para sa akin...ako ang may kasalanan kapag kumalat ang sakit...kung bakit...hindi ko na lang isinakripisyo ang buhay ko para sa kapakanan ng nakararami."

"Ramdam ko iyun sa...mga salita ni doctor Crime." Ang malungkot nitong sambit.

Matipid siyang ngumiti at umiling. "Don't mind doctor Crime, parang hindi ka pa nasanay sa kaniya? She's stright forward and sarcastic. marahil dahil sa...laging ang mga kasama niya ay mga taong wala nang buhay sa morge, but...she's kind and always willing to help."

Tumango ang ulo ni Lorelei, "late na rin kasi kaming naging magka-close na dalawa, and bibihira din naman na lagi kaming magkasama sa university at never kaming lumabas para magkape outside the campus kaya naman...hindi pa rin ako sanay."

Ako rin kahit pa palagian ko na siyang nakakausap at nakakasama sa trabaho ay hindi pa rin ako sanay sa pagiging seryoso nito. Ang gusto niya sanang isagot.

"Clean," ang sabi ni officer Gatmaitan paglabas nito ng pintuan kasunod ang isa sa mga kasama nito. At tuluyan nang lumabas ang mga ito sa pintuan para humarap at makipag-usap sa kanila.

"Nasa labas lang ang pulis mobile na magbabantay sa iyo, that's twenty-four seven for now...hindi naman natin puwedeng i-exceed ang resources ng pulis kapag nakita na nila na malayo ka na sa panganib."

Tumango ang ulo ni Lorelei sa sinabi ni officer Gatmaitan, "I understand sir... and I am very thankful sa generosity ninyo na magbantay."

"It is the police's job," ang sagot nito kay Lorelei. At saka naman siya hinarap ni officer Gatmaitan.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon