Binagtas ni Lorelei ang mahabang pavement ng school patungo sa building ng kanilang building. At sa malayo pa lang ay dinig na niya ang mga tunog ng mikropono at speaker at ang malalakas na boses ng mga nagtitipon na tao. At kaniyang natanaw ang mga naglalakihang mga papel, banners, at flags na may iba't ibang nakasulat na mga salita na laban sa nakaupong pangulo.
At hindi mawawala ang mga effigy na alam niyang mag-aapoy bago pa matapos ang programa ng mga ito. Isa nang pangkaraniwang aktibidad sa loob ng unbersidad ang mga demonstrasyon. But that time, hindi sa loob ng campus magaganap ang pagtitipon kundi sa isang liwasan na kilalang-kilala nang lugar para sa mga demonstrador at aktibistang lumalaban at namumuna sa pamahalaan.
Tahimik siyang naglakad at nanatili ang kaniyang mga mata sa binabagtas niyang daan patungo sa Science building habang nakakabingi ang mga malalakas na boses na nagmumula sa mikropono ng mga estudiyanteng aktibista na nagma-martsa na palabas ng campus.
Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan nang makalagpas na ang mga ito. At saka siya muling lumingon para tingnan ang mga itong muli. Saka niya ibinalik ang kaniyang atensiyon sa kanyang harapan sa mataas na building na kaniyang pupuntahan.
Patawid na siya ng kalsada nang marinig niya ang tunog ng kaniyang telepono. Dinukot niya ang kaniyang phone mula sa loob ng kaniyang bag at agad niyang nakita ang pangalan ni Atlas. At isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi saka niya pinindot ito para sagutin.
"Good morning," ang agad nitong bati sa kaniya nang idikit niya ang kaniyang telepono sa kaniyang tenga.
"Good morning Atlas," ang kaniyang sagot. "Papasok na ako ng school," ang sagot ni Lorelei. At pumasok na siya sa entrance ng science building. At malugod siyang binati ng guwardiya at pagtango naman ang kaniyang isinagot.
"Ikaw? Bumalik ka na ba sa station mo?" ang usisa niya at binagats na niya ang pasilyo patungo sa hagdan para umakyat sa second floor kung saan doon ang una niyang klase sa umagang iyun.
"Yes," ang sagot nito, "it's nice to hear na balik na sa normal ang buhay mo," ang narinig niyang sabi ni Atlas sa kabilang linya habang siya ay naglalakad bitbit ang kaniyang mga gamit at patungo na siya sa room ng una niyang klase sa umagang iyun.
Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi, "I am also happy, kahit pa may mga nangyaring hindi maganda." Ang sagot niya. "At least unti-unti nang bumabalik ang buhay ko sa dating takbo nito."
Natanaw na niya ang classroom kaya naman kahit na ayaw pa niyang magpaalam ay kailangan niyang tapusin pansamantala ang kanilang pag-uusap. "Malapit na ako sa room ng unang class ko, I better hang up now Atlas."
"Of course, and I will call you later, okey lang ba?" ang paghingi nito ng permiso. At hindi na naman niyang napigilan ang ngumiti. He is such a gentleman, sino bang hindi magkakagusto sa isang lalaking katulad nito? ang tanong ng kaniyang isipan. At nagulat siya sa kaniyang napagtanto. May gusto na siya kay detective Atlas?
"Oo naman," ang kaniyang sagot, "basta...kapag tapos na ang trabaho at klase mo," ang kaniya pang bilin.
"Yes ma'am," ang sagot ni Atlas na mas lalong nagpalapad ng kaniyang ngiti.
"Bye Lorelei."
"Bye Atlas," at saka niya dahan-dahan inilayo ang kaniyang phone mula sa kaniyang tenga at ibinalik niya iyun sa loob ng kaniyang bag. Habang nag ngiti sa kaniyang mga labi ay nanatiling nakaukit sa kaniyang mga pisngi.
Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka siya pumasok sa loob ng classroom, "good morning!" ang masaya niyang bati sa mga estudiyanteng mabibigyan niya ng mga bagong kaalaman.
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mystery / ThrillerA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...