"Uy congrats!" ang bati kay Atlas ng isa sa kaniyang mga kasamahan na pulis pagpasok niya kinaumagahan.
"Para saan?" ang kunot noo niyang tanong.
"Tungkol sa kaso ni defense secretary, biruin mo...siya pala ang pakana ng serye ng patayan at destabilization plot?" ang sagot sa kaniya nito.
"Sus, hindi lang naman ako ang dapat na magtake ng credit sa lahat, tinulungan ako ng Aguilas at Branco," ang kaniyang sagot.
"Iyun pa nga eh...hindi ka na talaga ma-reach ngayon, biruin mo? Dalawang mailap na grupo...kaibigan mo?"
Umiling ang kaniyang ulo at saka siya naglakad palapit sa may lamesa kung saan naroon ang kanilang munting kapihan. "Hindi naman, grabe naman kayo," ang nahihiyang sagot at saka niya kinuha ang kaniyang thermos kung saan sinalinan niya iyun ng three in one coffee at ng bagong kulong tubig.
"Sus, pahambol pa siya, biruin mong nakakausap ka nila? Eh ni isang pulis yata...walang kinikontak ang mga iyun eh." Sabat pa ng isa sa mga kasama sa opisina.
"Hindi naman, sadyang nakipagtulungan lang sila sa atin at nagkataon na ako ang may hawak ng kanilang case, dahil na rin sa unang case ng Leopold na halos nakugnay ng case ni defense secretary." ang kaniyang kababaang loob na paliwanag. Ayaw naman niyang kuahin na lang ang lahat ng kredito dahil sa iyun naman ang katotohanan. Sadyang nagtulungan lamang sila para malutas ang sunud-sunod na patayan na mismong ang defense secretary ang utak nito.
"Sus, talaga naman kasing sikat ka na, una sa case mo sa isang calirvoyant, tapos next yung sa lugar ng Pines?"
"Cross Pines," ang kaniyang supply na impormasyon ng pangalan bago niya hinigop ang kaniyang instant na kape habang nakasandlan ang kaniyang likod sa mesa.
"Oo iyun, ang laking kaso niyun talagang, nawindang ang buong bansa, biruin mo, parang...kulto nag naninirahan sa lugar na iyun?"
Tumango ang kaniyang ulo. Kung tutuusin iyun ang unang pinakamalaking case na kaniyang nahawakan at kinailangan niyang makipagtulungan sa NBI.
"Oh diba? Tapos ngayon...yung case ng Leopold at ni defense secretary, na kasama ang dalawang grupo na sa pangalan lang natin naririnig, naks, baka naman marpomote ka na niyan," ang biro sa kaniya ng kaniyang kasamahan.
Napaatras ang kaniyang ulo at saka siya naglakad palapit sa kaniyang mesa. Kumunot ang kaniyang noo. "Sus, saan pa ako ipopromote? At saka...masaya ako bilang isang imbestigador."
"Naku, kapag nandiyan na iyan hindi mo na iyan matatanggihan pa, iiwan mo na kami rito." ang dugtong pa ng isa niyang kasamahan.
Malakas siyang natawa at napailing ang kaniyang ulo, "ano bang pinagdadadrama ninyo?" Tanong niya saka niya inilapag ang kaniyang kape sa ibabaw ng kaniyang mesa at hinila niya ang mga folders ng kaniyang mga hawak na cases.
"Nga pala, sama ka sa amin mamaya, pagkatapos ng duty, inom lang ng kaunti, unwind ba, sa may overlooking sa Marilaque." ang pagyaya sa kaniya ng kasamahan.
"Naku hindi ako puwede," ang kaniyang kunot noo na pagtanggi. "May lakad ako."
"Bakit may asawa ka na ba? O jowa?" ang usisa ng kaniyang mga binata pa rin namang kasamahan ngunit may mga nobya na.
"Wala." ang kaniyang pagtanggi.
"Alam ko na, yung matandang kasama niya sa home for the aged," ang pambubuska sa kaniya ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Misterio / SuspensoA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...