CHAPTER 33

286 32 43
                                    

Itinulak ni Atlas ang kaniyang sarili mula sa kaniyang pagkakahiga sa kama. Hinila niya papalapit sa kaniyang dibdib ang kaniyang mga tuhod at itinukod niya ang kaniyang mga siko sa mga ito.

He bowed down his head and he expelled a sharp breath it was already late nang magawa niyang makatulog. He was up all night till early morning thinking of what happened. Ang palitan nila ng mga salita ni Lorelei kanina sa kaniyang sasakyan. At tungkol sa kaniyang mga nalaman. Ang case na dalawang taon nang nasa loob lang ng kaniyang office drawer ay tila ba nagkaroon na muli ng buhay ang mga taong naging biktima at binibigyan siya ng mga kasagutan sa pamamagitan nang bagong case na ang mga biktima ay sina doctor Caspin, doctor Benigno, Hermenia Punzalan, at Officer Gatmaitan.

It was like they are telling him something na hindi niya maituro. Pero mayroon pa ring bumabagabag sa kaniya. Ang nangyari dalawang taon na ang nakalipas ay bago sumapit ang pagdiriwang ng araw ng Kalayaan. At ang mga pangyayari naman nitong mga nakaraan na araw ay halos kalapit na rin ng araw ng Kalayaan na magaganap dalawang araw mula sa araw na iyun.

Napabuntong-hininga siya. If only he could ask the help of doctor Crime pero...alam niyang hindi na siya nito tutulungan pa lalo pa at sinabi na nito sa kaniyang ititigil na nila ang binubuong case. Being a foremer rebel baka naman may kilala nito ang mga pinatay na rebelde sa loob ng isang bahay dalawnag taon na ang nakalipas.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka niya hinawi ang kumot sa kaniyang bewang. Ibinaba niya ang kaniyang mga paa sa sahig at tuluyan na siyang tumayo. Naglakad siya palapit sa bintana ng kaniyang silid para hawiin ang kurtina at saka niya itinulak ang shutters para papasukin ang maalinsangan na hangin.

Something's not right. Tila ba kasi mayroon siyang hindi nakikita pero nasa tungki lang ng kaniyang ilong. Iyung pakiramdam nang kaba na mayroon siyang nakalimutan na mayroon siyang nadaaanan na hindi napansin? Iyun ang nararamdaman ng kaniyang dibdib.

Ano bang nangyari sa kaniya? Bakit parang hirap na hirap siya sa kaniyang ginagawa? It was like he's not the same detective Carberry anymore? Dahil ba sa...mas inuna niya ang kaniyang personal na buhay? Pero hindi niya mapigilan...ang kaniyang sarili ay tila ba hinahatak ni Lorelei. It was an instant attraction na hindi niya maitanggi lalo pa at maaring nabuntis na niya ito.

But he has to finish this case first bago niya asikasuhin na muli ang kaniyang personal life. Maiintindihan iyun ni Lorelei. Hanggang sa may gumugulo sa kaniyang isipan ay hindi rin niya maaayos ang kaniyang sisimulan na buhay with Lorelei lalo pa at kahapon ay nagkaroon na sila ng pagtatalo na may kaugnayan sa kanilang mga side na pinaniniwalaan sa buhay.

Nilingon niya ang kaniyang teleponong nasa tabi ng kaniyang kama. Dinampot niya iyun at saka niya dinayal ang number ni Lorelei. At ilang sandali pa ay narinig na niya ang boses nito sa kabilang linya.

"Hello?" bati nito sa kaniya.

"Good morning." Ang sagot niya.

"Good morning," ang sagot din ni Lorelei sa kaniya.

"Uhm, hindi muna kita masusundo ngayon Lorelei pero dadaanan kita mamaya para sunduin ka sa university." Ang kaniyang sagot.

"Okey, you really don't have to make a long drive para lang sunduin at ihatid ako sa university every morning Atlas, kaya kong pumasok mag-isa...ang lapit lang ng university sa tinutuluyan ko." Ang sagot nito sa kaniya.

"But I want to," ang giit niya. Napabuntong-hininga siya, "about last night."

"Huwag na nating pag-usapan iyun Atlas, hindi lang tayo nagkakaintindihan dahil sa iba ang paniniwala natin at...tama ka...we serve different masters but it doesn't mean na kailangan nating magtalo...we just have to rtespect each other's beliefs."

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon