CHAPTER 30

263 26 33
                                    

Hindi makapaniwala si Atlas sa kaniyang narinig. Hindi! Hindi maari! Si doctor Crime?! Ang sigaw ng kaniyang isipan at ramdam niya ang pananakit ng kaniyang dibdib.

"Ano pong?"

"She was still young then detective, she's a freshman in this university, naging aktibo muna siya sa mga aktibidad na laban sa pamahalaan, sumasama siya sa rallies, hanggang sa hindi na niya itinuloy ang kaniyang pag-aaral at nabalitaan ko na lang na...namundok na siya at naging rebelde."

"Wala na akong...naging balita sa kaniya after that, nito na lang nang magbalik siya rito sa Pilipinas bilang isa nang forensic patholiogist at isang medical examiner...apparently nagbalik loob na ito sa pamahalaan, hmmm, maaaring opisyal o hindi opisyal...hindi ko na iyun malalaman."

"Pero...paano ninyo nalaman na...naging rebelde siya?" ang kunot noo niyang tanong at hanggang sa sandaling iyun ay hindi pa rin siya makapaniwala.

"I have ways Atlas, matagal na ako sa unibersidad na ito," ang sagot ni professor Cesar sa kaniya.

"Kasama rin ba kayo ng mga rebelde?" ang kaniyang tanong at sinalubong niya ng kaniyang mga mata ang mata ni professor Cesar.

"Isa ako sa sumusuporta sa malayang pamamahayag ng damdamin Atlas, hindi iyun pagrerebelde, at hindi kami humawak ng armas. Wala kaming ipinagkaiba sa mga tagapagbalita sa telebisyon at radio na aming ipinahahayag at ipinakikita ang katotohanan sa nangyayari sa lipunan," umiling ang ulo ni professor Cesar, "hindi iyun pagrerebelde."

"How about Lorelei sir? Naging rebelde rin ba siya?" ang tanong niya.

Umiling ang ulo ni prof Cesar, "hindi."

***

Sa kaniyang opisina dumiretso si doctor Crime. Mayroon na namang dinala sa kaniya na biktima na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay na natagpuan sa loob ng sarili nitong silid.

Clad on her lab suit from head to toe ay tiningnan niya ang babaeng biktima. She was already cleaned at nakuhaan na rin agad ng biological evidence using a cotton swab tip applicator. Saliva, semen on her vagina and butthole, blood. Any fluids na makikita sa katawan nito nang matagpuan itong walang buhay sa loob ng silid. Hair samples were also collected at ginupitan na rin ang dulo ng mga kuko nito para matest kung may DNA na nakuha ang mga kuko ng babaeng biktima mula sa suspect.

She's young, seventeen ayon sa kaniyang record. Same age as hers noong nasa kabilang side pa siya ng kaniyang buhay.

She touched her lower lip na kinakitaan ng mga kagat ng ngipin. Hindi niya alam kung self inflicted ang mga ito o mula sa suspect. Kailangan niyang gamitan ito ng aparato mas lumapit ang kuha at makita niya ang marka ng mga ngipin.

There was also bitemarks sa leeg nito at iyun ay galing na mismo sa killer.

Napabuntong-hininga siya, "isang buhay na naman ang nasayang sa tawag ng laman at kasamaan." Ang bulong niya sa kaniyang sarili.

She started to conduct her autopsy at habang abala siya sa pag-examine niya ay naalala niya ang ang kaniyang mga nalaman kanina.

She didn't know na may ibang asawa o kinakasama pala si doctor Caspin maliban sa asawa nitong si Mrs. Caspin. Maybe he decided to kept his identy at bay with her common law wife dahil sa magiging implikasyon nito sa pangalan ni doctor Caspin. Mauungkat ang pagiging dating rebelde nito.

Kumunot ang kaniyang noo. These past few days ay wala nang case na lumutang pagkatapos na mabigyan ng patent ang vaccine ni doctor Suarez. Nagkamali ba siya na pagbintangan si doctor Magtibay? Pero bakit target ni doctor Suarez si doctor Caspin at doctor Benigno? Amd the other victims maliban kay Theresa Cruz na nadamay lang kasama ng mga pulis.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon