"Paano ka nakasapasok dito detective at bakit nandito ka?" ang tanong kay detective Atlas nang tauhan na pulis ng anti-kidnapping unit ng Philippine National Police. Habang nasa loob sila ng inuupahan na bahay ni doctor Magtibay. Ang kaninang walang katao-taong bahay nito ay napuno nang sandali na iyun ng mga pulis.
Alam ni detective Atlas na hindi niya dapat agad tinawagan ang PNP anti-kidnapping unit. Hindi pa naman kasi twenty-four hours na nawawala si doctor Lorelei para masabi na missing ito o may naganap na kidnapping. But he just couldn't help himself of not asking the help of his fellow police officers lalo pa at hindi rin makontak ang telepono ni Lorelei at hindi rin ito nagpakita sa eskuwelahan.
"I am a friend and doctor magtibay is also a colleague of doctor Crime, the forensic pathologist, there was an incident in the university kung saan pareho silang nagtuturo..." at inilahad na ni detective Atlas ang mga naging pangyayari mula kanina sa university at kung paano siya napunta sa bahay ni Lorelei.
"You think that these cases are related? Ang panloloob sa university at ang pagkawala ni doctor Magtibay?" ang tanong sa kaniya nito.
"It may or may not, but still according to the CCTV na ang huling lumabas ng facility ay si doctor Magtibay...and now her home? Parang niransack ito at halatang mayroong mga hinahanap ang nanloob rito...katulad lang nang nangyari sa university at parehong involved kay doctor Magtibay."
Tumango ang ulo ng pulis kasunod nang pagtaas ng dalawang kilay nito sa kaniya. "But still it is still premature para sabihin natin na nawawala si doctor Magtibay kailangan munang lumipas ang twenty-four hours, na...anong oras nga kayo huling magkakasama kagabi?"
"About...ten in the evening." Ang kaniyang sagot.
"At ayon sa kuwento mo kanina...ang huling nakasama ni doctor Magtibay ay si doctor Crime?" ang usisa nito. At tumango ang kaniyang ulo bilang kasagutan.
Napabuntong-hininga ang pulis officer ng anti-kidnapping group. "Well, kapah natapos na ang twenty-four-hour time period at wala pa ring Doctor Lorelei na nagpapakita ay si Doctor Crime ang una naming tatanungin."
"In the mean time, hindi pa natin kailangan na maghalughog sa loob ng silid ni Doctor Magtibay dahil hindi pa antin alam kung nagkaroon nga nang burglary at ang makakapagsabi lamang niyan ay si doctor Magtibay."
Tumango ang kaniyang ulo. Nakaramdam tuloy siya ng hiya because he over-reacted. "I'm sorry if hindi ko nasunod ang protocol."
Umiling ang ulo ng kasamahan niyang pulis. "No...it is natural lalo pa at kaibigan mo ang bigla na lang nawala nang walang pasabi at naintindihan ko naman regrading na rin sa mga circumstances na nangyari sa university at sa bahay ni Doctor Magtibay...we'll keep in touch with you detective, hindi namin ito babalewalain, pagkatapos ng nakatakdang oras, sisimulan na natin ang missing person operation."
Tumango ang ulo ni Detective Atlas at nakipagkamay siya sa mga pulis na nagresponde sa kaniyang tawag saka umalis ang mga ito. Sumunod siyang humakbang palabas ng inuupahan na bahay ni Doctor Lorelei. Hinila niya ang main door para ipinid iyun at saka niya sinundan ng tingin ang papalayong sasakyan ng mga anti-kidnapping operatives.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Atlas at saka niya ikinunot ang kaniyang noo at dinukot niya ang telepono sa loob ng kaniyang bulsa para gumawa ng tawag. He dialled a familiar number at saka niya idinikit ang telepono sa kaniyang tenga habang pinakikinggan niya ang sunud-sunod na pag-ring habang nakatayo pa rin siya sa may harapan ng nakasarang main door ng inuupahan na bahay ni Lorelei.
Hanggang sa marinig niya ang pamilyar na boses sa kabilang linya.
"Doctor Crime." Ang bati nito.
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mystery / ThrillerA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...