"Hi!" ang bati ni Atlas kay Lorelei nang sunduin niya ito sa may harapan ng gate ng university.
He climed out of his car and opened the passenger for Lorelei. "Let me get that for you," ang sabi niya kay Lorelei at ang tinutukoy niya ay ang malaking bag na hawak ng kamay nito.
"Oh thank you," ang sabi ni Lorelei sa kaniya. At pagkaupo nito sa passenger seat ay muli niyang iniabot ang bag sa kamay nito. At saka naman niya marahan na itinulak ang pinto ng passenger side at naglakad siya patawaid sa kabila para naman sumakay sa driver side.
"Comfy?" ang tanong niya kay Lorelei bago pa niya buhayin ang makina ng kotse at patakbuhin ito.
"Yes thank you," ang sagot ni Lorelei sa kaniya. Tumango siya bilang sagot at saka niya pinatkbo ang kaniyang sasakyan nang marahan.
"Anong oras ang klase mo?" ang tanong ni Lorelei sa kaniya at mula sa kaniyang peripheral view ay napansin niyang bahagyang pumihit ang katawan nito para humarap sa kaniya.
Sumulyap siya kay Lorelei, "six hanggang eight." Ang sagot niya. "Oh I already bought some food okey lang ba na initin na lang natin mamaya?"
"Oo naman iyun na nga lang ang gagawin ko eh, may free dinner na nga ako." Ang sagot ni Loreli sa kaniya.
"Napakaliit na bagay nga ng dala kong pagkain sa pang-aabala ko sa iyo," ang sagot niya at saka niya muling sinulyapan si Lorelei at nagtamang muli ang kanilang mga mata.
"Hindi ka naman...nang-aabala...hindi ka magiging abala sa akin," ang sagot nito sa kaniya. At nakaramdam siya ng tuwa sa kaniyang dibdib.
"Nga pala, hindi ko pa naitatanong kung ano bang paborito mong pagkain? Baka kasi...hindi mo magustuhan ang binili ko, it was just random choices," ang sabi niya.
"Uhm, mahilig ako sa mga inihaw na pagkain," ang sagot ni Lorelei.
"Whew," ang sambit ng kaniyang mga labi na tila ba na gumaan ang kaniyang pakiramdam. "Mabuti na lang at barbecue ang binili ko at ginataan na manok."
"Mahilig din ako sa mga may gata na pagkain at maanghang," ang sagot ni Lorelei sa kaniya.
"Magkakasundo pala tayo pagdating sa pagkain," ang sagot niya.
***
Inangat ni Lorelei ang takip ng rice cooker para silipin ang isinalang niyang kanin para sa kanilang hapunan ni Atlas. At sa kaniyang kalan naman ay nakasalang ang ininit niyang ginataan na manok habang nakalatag naman na sa mesa ang aluminum tray na naglalaman naman ng chicken at pork barbecue. Napakarami ngang pagkain na binili ni Atlas para sa kanilang dalawa.
Sumulyap siya kay Atlas na nakaupo sa may silya sa may harap ng dining table. Nasa harapan nito ang laptop habang may nakasuot na earbud sa tenga nito.
Napakaguwapo talaga nito at napakamaasikaso. Bibihira na lang sa isang lalaki ang magtrato nang ganun sa isang babae. Suwertihan na lang kung masasabi.
Kumuha siya ng isang lata ng pineapple juice at ice tray mula sa ref. Isinalin niya ang laman ng lata sa baso na nilagyan niya ng yelo. At saka siya naglakad palapit sa mesa at inilapag niya sa tabi ng laptop ni Atlas ang baso.
"Here." Ang mahina niyang sambit at isang pabulong na thank you ang isinagot sa kaniya ni Atlas at isang matamis na ngiti. At ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso sa kaniyang dibdib.
Matipid siyang nguniti at iniwan niya si Atlas para bigyan ito ng privacy at ipinagpatuloy niya ang pag-aasikaso niya sa kusina. Kung tutuusin ay wala naman na siyang dapat na gawin kundi ang ihanda ang mesa dahil wala na siyang kailangan na lutuin. Pero gusto niyang kumilos dahil sa...hindi normal ang tibok ng kaniyang puso nang sandaling iyun. Natatakot siyang maging familiar siyang masyado kay Atlas. Lalo pa at sariwa ang masakit na pangyayari sa kaniyang puso. Nang iwan siya ng lalaking inalayan niya ng kaniyang puso.
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mistero / ThrillerA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...