"What happened?" ang tanong ni Lorelei kay Atlas pagpasok nito sa loob ng silid. He looked distraught at dinig niya ang pagtatalo ng dalawa kanina. Si Doctor Crime at si Atlas.
Pinisil ni Atlas ang mga mata nito at ang buto ng sarili nitong ilong. At malakas na buntong-hininga ang pinakawalan nito sakaito umiling habang nakahawak ang mga kamay nito sa magkabila nitong balakang.
"It's just...we just had a heated argument, doctor Crime and I," ang sagot ni Atlas sa kaniya.
Yumuko ang kaniyang ulo at saka niya niyakap ang kaniyang sarili, and she rubbed her arms up and down her shoulders.
"Ako ba ang...dahilan?" ang tanong niya.
Isang buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Atlas at saka ito naglakad palapit sa kama at bumagsak ang puwet nito sa kutson para maupo.
Sinapo ng mga kamay nito ang sariling ulo at saka nito sinuklay ng mga daliri ang agulo nitong buhok.
"Lorelei?" ang patanong na pagsambit nito sa kaniyang pangalan.
"Yes?" ang tanong niya. Hindi kaagad ito nagsalita, he turned his face towards her at tiningnan siya ng mga mata nitong halatang may kalungkutan.
"May I...ask you something?" ang tanong nito. At doon na siya nakaramdam ng kaba. Mukhang alam na ni Atlas ang tungkol sa kaniya. Kung alam nito ang tungkol kay doctor Crime ay sigurado siyang nalaman na nito ang tungkol sa kaniya.
"S-sure," ang kaniyang sagot at saka siya naglakad palapit sa kama at naupo siya sa tabi nito. "Ano ang...itatanong mo?"
"May...may nalaman ako kay prof Cesar kanina nang sunduin kita...nakausap ko siya," ang sagot ni Atlas sa kaniya. At mula sa pagkakayuko ng ulo nito ay umangat iyun at saka nito itinuon ang mga mata sa kaniya.
"Isa ka raw...aktibista?" ang tanong nito sa kaniya.
Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. At saka dahan-dahan na tumango ang kaniyang ulo.
"I am." Ang kaniyang sabi.
"I am." Ang pag-uulit ni Atlas. "Ibig sabihin...aktibo ka pa?"
Napabuntong-hininga siya, "Atlas...lahat tayo ay matatawag na aktibista, dahil lahat tao ay may karapatang magpahayag ng ating mga hinaing...hindi lang sa pamahalaan kundi sa lahat ng organisasyon na sa tingin natin ay may mga pagkukulang o may pang-aabuso."
Umiling ang kaniyang ulo, "hindi ibig sabihin nito ay kalaban tayo...o kami ng gobyerno, ito ay paraan lamang namin na imulat ang mga mata ng mga kinauukulan para makita nila at marinig ang aming mga nakita at narinig na hindi nila binibigyan ng pansin." Ang kaniyang paliwanag.
"We criticized yes, but it doesn't mean na gusto naming bumagsak ang pamahalaan...we criticized para kumilos ang pamahalaan at gumanda ang pamamahala dahil sa...lahat naman tayo ang makikinabang."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lorelei, "I have seen oppression sa aming lugar, kung paanong kamkamin ng mga mayayaman ang mga lupain ng mahihirap, kung paanon nag-abuso sa kapangyarihan ang mga nakaupong opisya," napabuntong-hininga siya. "kami ang kanilang boses Atlas."
Napabuntong-hininga si Atlas at sandaling umiwas ang mga mata nito sa kaniya bago nito muling sinalubong ng tingin ang kaniyang mga mata.
"Alam mo bang dating rebelde si doctor Crime?" ang tanong ni Atlas sa kaniya. At doon ay umiling ang kaniyang ulo.
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mystery / ThrillerA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...