Wakas

30 0 0
                                        

"Promise me you'll be a good boy.."bahagyang yumuko si Lola bago niya tinapik ang magkabilang balikat ko. Tahimik lang ako bago nilingon ang isang maganda at mukhang mayamang babae na ilang beses ko nang nakitang pumupunta rito.

Umayos sa pagtayo si Lola bago ako iginiya papalapit sa babae. She's wearing a white pantsuit. Binaba niya ang hawak na bag at bahagyang yumuko para maglebel ang mukha namin sa isa't-isa.

She smiled at me. Pinasadahan niya pa ako ng tingin. She hesitated to touch me at first. Pero kalaunan, maingat niya akong hinawakan sa balikat.

"I'm Mercedes and we have met before. I know, this will shock you but I'm taking you home with me now"malambing ang kanyang boses. Napakurap-kurap pa ako dahil hindi ko siya maintindihan noong una. Napabaling pa ako kay Lola para sana maghanap ng sagot sa mga sinasabi ng babae pero tipid lang niya akong nginitian.

I don't know why I'm comfortable with her. Kahit noong una, I was so resistant. Ilang beses pa akong kinumbinse at sinuyo ni Lola na sumama sa babae. I cried so hard kaya hindi natuloy ang pagsama ko sa kanya.

"Hindi mo na po ba ako mahal, Lola?"tanong ko sa kalagitnaan ng paghikbi ko. Malungkot niya akong tinignan.

"Mahal na mahal kita, Chester. But I am just doing this for you"anito habang hinihimas ang pisnge ko.

"Kung mahal mo ako, bakit mo ako pinapamigay sa iba?"

She just look at me with sadness in her eyes. Hindi siya nakasagot. The next day, muli akong sinundo ng babae at kahit labag sa loob ko sumunod nalang ako sa gusto ng Lola.

"We're going home. You'll meet your brother. He's only four years older than you"anito sa kalagitnaan nang pananahimik ko. Napasinghap siya dahil wala akong binigay na reaksyon.

"I know that this is hard for you, hijo. With a heavy heart, alam kong you're fond of being with your grandma but she's growing old na rin. She can't take care of you"

"Mas kakailanganin ako ni Lola dahil tumatanda na siya. I don't want to leave her alone"masama ang loob ko. Muli akong naluha dahil sa kaisipang iiwanan kong mag-isa ang Lola ko.

Sandali niya pa akong tinignan bago malalim na bumuntong-hinga. Nakatulog nalang ako dahil sa kakaiyak at nagising nalang nang maingat niyang tinapik ang braso ko.

"We're here now"anito at tipid akong tinignan. Napakurap-kurap naman ako bago bumangon mula sa pagkakahiga sa kotse. When I looked out the window, I saw a huge mansion with a wide garden. May mga nakahilerang mga kasambahay sa labas at may mga naka-itim pa na mga lalaki. She helped me get out of the car. She introduced everyone lining up.

"Archie, come here. Meet your little brother"tawag ng ginang sa hindi ko kilala. Napaangat ang tingin ko sa mataas na kisame ng bahay. May mataas ding hagdan at may malaking parang kristal na kung ano sa kisame. May biglang lumabas mula sa isang kwarto na bata. He's taller than me. He's wearing a black polo and a white short. Maganda rin ang suot nitong sapatos. Napalunok ako nang masama niya akong tinignan.

"Come here, honey. This is Chester Theobald, your little brother"sinundo siya ng kanyang ina at iginiya papalapit sa akin. He resisted at first pero dahil pinilit siya ng kanyang ina, wala siyang nagawa.

"Chester, this is your brother"anito sa akin bago muling binalingan ang mukhang masungit na lalaki.

"HE'S NOT MY BROTHER! I DON'T HAVE ANY BROTHER! I WON'T ACCEPT HIM HERE!"nagulat ako dahil sa biglaan niyang pagsigaw at pagtulak sa akin. Napaupo pa ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin. Nagulat naman ang kanyang ina nang umiyak ako. She immediately reprimanded her son.

"What you did was bad! Why did you push your brother?"tanong nito nang nilapitan niya ako at tinulungan sa pagtayo.

Magkarugtong naman ang kilay ni Archie at galit na galit niya akong pinagmasdan.

Broken Promises (Epitome Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon