Kabanata 51

22 0 0
                                        

The next morning, hindi kumikibo si Chester. I don't know. Mukhang galit siya o ano. Pansin ko rin na hindi na niya suot ang singsing. Hinayaan ko nalang at binalewala. Nagpatuloy lang iyon hanggang sa sumunod na mga araw. Nararamdaman ko na rin na napapansin na iyon nina Nanay Aning pero nahihiya lang magtanong.

Nang hapon at naisipan naming maligo ni Ching, hindi ko naiwasang hindi banggitin ang legal naming paghihiwalay.

"Kaya pala walang ganang kumain noong nakaraan.."puna niya kaya wala sa sarili akong kumibit-balikat.

Malalim akong bumuntong-hinga. I don't expect that this will be harder than I thought. Ang pag-uwi ko rito ay isang malaking kamalian. Buong akala ko, pagkatapos naming magdesisyon na roon nalang muna tumira sa France ay magiging mas magaan ang buhay namin. Buong akala ko, sa mga susunod na mga taon pagkatapos naming magpakasal, uuwi kami rito sa south na magkasama parin at may anak na. Ngayong dumating na iyong araw na iniisip ko, hindi ko lubos akalain na kabaliktaran pala ang mangyayari.

Bigla akong siniko ni Ching at nginuso ang mansyon. I squinted my eyes as I watch a man coming out the gate. Wala itong saplot sa pang-itaas na bahagi ng katawan habang isang faded jeans at boots naman ang suot sa pang-ibaba. Nagtiim-bagang lang ako habang iginigiya nito ang dalang kabayo. Bigla ring lumabas si June at may sinabi pa kay Chester habang ang isa naman ay hinahagod ang leeg ng kabayo. Napatango si Chester sa sinabi ni June at bigla nang sumampa sa kabayo. Napakagat ako ng labi nang nakita kung paano gumalaw ang mga muscles nito sa braso at katawan. Umiwas agad ako ng tingin nang bumaling sa dako naman.

Narinig ko naman ang tawa ni Ching.

"Nakita ko 'yon! Feeling talaga nito. Hoy! Hindi ikaw ang tinignan"patuyang untag nito kaya napairap lang ako. Tinuro niya ang sa kabilang dako malapit sa resort.

"Sila! Tignan mo naman ang mga foreigners na bigla-bigla nalang tinatawag si Sir at kumakaway pa talaga"puna pa nito kaya napabaling din sa ako kabilang dako.

Kita ko roon ang iilang mga kababaihan na naghahagikgikan habang pinag-uusapan ang isang lalaki na nakasakay sa kabayo. Napairap naman ako dahil sa kanila at inabala nalang ang sarili sa pamamagitan ng pagsisid sa dagat.

Nang gabing iyon, hindi ako tinigilan ni Ching sa pang-aasar. Lalo pa at biglang nagplano ang mga matatanda na gaya ng dati, magba-barbecue party na naman sa labas. Buong gabi, hindi ko pinansin si Chester. Ni hindi ko nga tinignan o sinulyapan lamang habang si Ching naman ay panay balita kung nakatingin ba o biglang susulyap.

The next day, bumisita nalang ako sa resort para tignan kung ano ang maitutulong lalo na at may event doon.

We were busy preparing for a wedding this evening. May biglang lumapit sa aking isang foreigner.

"Are you a tourist or you are working here?"nilingon ko si Regine pero abala ito sa ginagawa.

"I am working here, Sir. Do you need something?"tanong ko kaya napangiti siya.

"Oh no! I was just looking at you. I thought you could be a friend or something"aniya kaya kahit alam ko na ang gusto niya, hinahayaan ko nalang.

"This is a good place to find a friend. We are very accomodating and friendly"untag ko pa. Napatango lang siya.

"Are you single or what?"

Natawa ako sa tanong niya kaya napakunot ang noo nito.

"You could say. Excuse me, I need to do something. I hope you could find a good friend here. Please enjoy your stay"untag ko bago siya iniwan doon.

Inasikaso ko naman ang mga bulaklak na gagamitin para sa pathway ng aisle. Bigla akong siniko ni Regine.

"Kita ko 'yon. Ano raw ba ang gusto?"

Broken Promises (Epitome Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon