PROLOGUE

26.6K 450 5
                                    

This is a work of fiction. It contains grammatical errors, bad words and typos. Any resemblance to any person, (Living or Dead), name, place or things are purely coincidental.

This story cannot be transmitted nor copying. It cannot be distributed without my consent. (Author's consent)

REMINDERS;

Before you proceed, please DO READ the following;

1. Matagal, mabagal, inaabot ng ilang araw, ilang linggo, or minsan isang buwan o higit pa bago ako mag update/#Reason; Author's Block;

2. I'm not a professional writer, wag mag expect ng perpektong grammars at perpektong wordings. Hindi ako perpektong tao at madalas akong magkamali, mapa-grammar man yan o typos;

3. Kung hindi ka matiyaga mag-hintay ng Update, then this story is not for you;

4. Mabait akong tao, pero ayoko ng sinasagad ang kabaitan ko. Ayoko po ng mga comments na kulang nalang ay patayin na ako sa talim ng mga salita na ginagamit. So please lang, kung hindi mo gusto ang istorya ko, just leave silently;

5. Kung ayaw mo sa flow ng mga pangyayari sa bawat chapters at nabo-boring ka, wag na sanang mag comment ng hindi maganda, respeto nalang po ha?;

6. Kung ayaw mo naman sa mga characters ko at nabibitin ka sa mga scenes at napapangitan ka sa ending, please wag ka ng mag comment ng hindi kaaya-aya kasi sa totoo lang nakaka-wala ng confidence na magpatuloy sa pagsusulat pag ganoon;

7. At ang pinaka-ayoko po sa lahat ay yung may nanglalait sa story na gawa ko o kahit pa sa mga characters ko. Opo, alam kong hindi maiiwasan na may mang-lait, pero sana po bago (ka/tayo) mang-lait, maisip muna natin na kahit hindi maganda ang kinalabasan ng isang chapter ng isang istorya ay maisip natin na pinaghirapan iyong buuin ng isang manunulat. Ipapa-alala ko lang din po na nagsulat/nagsusulat ako hindi para ma-lait ng kung sino man, nagsulat, nagsusulat at magsusulat po ako kasi yun yung gusto ko. No more, no less. Sana po maintindihan.

Salamat. 😘

PS. Hindi po ako galit ah? Nagbibigay lang po ako ng REMINDERS. Haha. Labyou. 😘

--

PROLOGUE

"Ano pa bang gusto mo?" mahinang tanong ko sakanya habang nakayuko.

Naramdaman ko ang paglakad niya at paglapit sakin. Maya maya ay huminto siya sa harap ko.

"Look at me." he said.

Hindi ako tuminag, nanatili akong nakayuko. Ayoko, ayoko siyang tignan baka kasi pag ginawa ko yon ay makita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"I said, Look. At. Me." madiin niyang ulit.

Umiling ako, iling na nagpaparating na ayoko siyang sundin. Natahimik siya at dahil nakayuko ako di nakaligtas sa paningin ko ang pag kuyom ng kamao niya. Akala ko ay aalis na siya at titigilan na ako, pero mali ako. Bigla niyang hinawakan ang baba ko at sapilitang itinaas ang mukha ko.

"Ano b-" naputol ang sana ay sasabihin ko nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Damn! I miss him so much!

Ilang segundo rin ang itinagal ng halik na yun. Bumalik lang ako sa realidad ng magtama ang mga mata namin. Nakita ko ang galit at poot sa mala-tsokolateng mga mata niya.

"Itinatanong mo kung ano ang gusto ko right?" He said while still looking at me.

I nod as an answered.

I saw him smirk at kasabay non ay ang paghaplos niya sa pisngi ko.

"You." He said.

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Me? What me?

"W-what?" I asked stammering.

He looked at me straight from the eyes.

"You. I want you. Ikaw ang gusto ko." sagot niya na nakapag panganga sakin. I shook my head.

"No.. H-hindi pwede." I told him then iniwas ko yung tingin ko sa mga mata niya.

"Why? Dahil may iba na?" He said coldy.

Lumipad ang tingin ko sakanya pagkasabi niya non. Anong iba ang pinagsasabi niya?

"Wala akong iba." diretso sa matang sabi ko sakanya.

"At sa tingin mo maniniwala ako sayo? Huh, how come Rain?" galit na sabi niya.

Ito na, ito na yung kinakatakutan ko. Yung araw na sumbatan niya ako.

"Nagsasabi ako ng toto-" he cut me off.

"Ng totoo? Talaga ba? Sa pagkakaalam ko kasi wala namang totoo sa mga sinasabi mo!" Galit na bulyaw niya sakin.

Napayuko ako, di dahil sa inaamin kong tama siya kundi dahil sa konti nalang ay tutulo na yung luha ko.

"Natahimik ka, totoo kasi diba? Na wala kang pakialam sa nararamdam ng iba! Na wala kang pakialam sa nararamdaman ko! Na sinungaling ka!" sigaw niya sakin.

Nagsikip yung dibdib ko sa sinabi niya. Tuluyan nang tumulo yung mga luha ko dala ng sakit at pambibintang niya.

"Ano? Iiyak ka na naman? Ayan diyan ka naman magaling eh."

"Tama na." i sobbed.

"Bakit masakit ba? Masakit bang marinig yung totoo? Na sinungaling ka, na mang iiwan ka at manloloko ka?" he said with gritted teeth.

"Stop please." Pag mamaka awa ko na.

"Bakit? Tinatamaan ka na ba? Nagu-guilty ka na -"

"I said stop it!!" sigaw ko na nakapagpatigil sakanya. Tinignan ko siya at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. "Oo masakit na, napaka sakit na! Oo, nagsinungaling ako, iniwan kita pero kahit kailan di kita niloko!" umiiyak na sabi ko.

May kung anong dumaan sa mga mata niya, pero agad ding napawi yun at napalitan ng galit.

"Di na ko maniniwala sayo. Minsan na kitang pinagkatiwalaan pero sinayang mo lang iyon. Tandaan mo, di kita titigilan hanggat sa maramdaman mo yung sakit na naramdaman ko noon, gagawin kong miserable ang buhay mo, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo na bumalik ka pa." galit na sabi niya, binitiwan na niya ako at tumalikod para umalis.

Nanghihina akong napaupo. Ang sakit marinig iyon sa taong mahal mo, sa taong dahilan kung bakit umalis at bumalik ka pa.

-

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon