Chapter 37-Love

7.1K 123 1
                                    

"Can you do me a favor wifey?" I stared at her lovingly. "Just please say yes. Please be my life. Be my everything."

#UNEDITED!
37. LOVE

Thunder's POV
Marahan kong hinahaplos ang magandang mukha niya. Kanina pa ako gising at matamang pinagmamasdan siya. Ganito yung gusto ko, yung pangarap ko. Yung magising ako sa umaga na siya ang una kong makikita.

Di ko akalain na matapos ang limang taon na akala ko wala na talaga kaming pag asa, ay nandito ako ngayon, kami. Magkasama at magkaayos na.

Tinitigan ko siya. I really love her so much. Wala na akong ibang nakitang babae na makakasama ko sa habang buhay bukod sakanya.

Tama si Dad. Ang mga Montemayor na katulad namin ay isang beses lang totoong magmamahal, Oo jerk kami, madalas makasakit, slow, mayabang, selfish. Aminado naman ako na nakuha ko ang mga katangiang iyon, pero kahit naman ganoon kami,once na magmahal kami, lahat ng pwede naming ibigay ibibigay namin.

At tinamaan nga ako. Kahit ako di ko akalaing si Rain ang makakapag patino at mamahalin ko ng sobra. Totoo pala yung "Expect the Unexpected." Dahil kahit kailan di ko akalain na siya ang makikita kong bubuo sa pamilya na gusto kong buuin.

Nilapit ko ang mukha ko sakanya and I kissed her forehead.

Mahal na mahal ko talaga siya. At naiinis ako sa sarili ko dahil ang dami dami kong ginawa para saktan siya. Pag naiisip ko ang mga nagawa ko,naiisip ko din na di ako deserving para sa pagmamahal niya.

Pero di ko siya isusuko. Kahit na tutulan kami ng kahit sino di ko siya isusuko. Oo selfish na ako kung selfish. Montemayor ako,ugali ko iyon. Basta akin siya, at pag akin, akin lang.

Gumalaw siya at dahan dahan ay nagmulat ng mata. I stared at her and smiled.

Nakita kong napatitig siya sakin sandali, pero maya maya lang ay nag smile na rin siya.

"Morning Beautiful." I said then i gave her a smack.

She blushed, but she was smiling.

"Morning Handsome." She answered. Napangisi ako at niyakap siya. Niyakap niya ako pabalik.

"Magaling kana. Come on get up. Magluluto na ko then aalis tayo." I said.

Napatingala siya.

"Where are we going?" She ask.

I smiled at her.

"Its a secret." I answered at bumangon na kasama siya. Di naman siya nagtanong, napailing na napangiti nalang siya.
---

"Here wear this." I told her.

Kinuha naman niya ang dress na ibinigay ko.

"Okay. Go, labas na magbibihis na ako." She said. Pero di ako kumilos, nakangising nakatitig lang ako sakanya.

Nang mapansin niya siguro na di pa ako kumikilos ay nilingon niya ako.

"Hey! Magbibihis ako." She said.

Tumango ako.

"I know." I answered.

Napakunot noo siya.

"Alam mo naman pala. Go, labas." She said.

Ngumisi ako.

"Ayoko. Ano pa bang iba? Nakita at nahawak-"

"Montemayor!" Natawa ako ng malakas sa biglang pagsigaw niya. Namumula siya, sobra. "I said LABAS!" She added.

Natatawang itinaas ko ang mga kamay ko.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon