WRTC-Epilogue

12.7K 220 37
                                    

"You don't love her because she loves you. You love her..simply because you love her."

WRTC-EPILOGUE

Maikli lang to. As in.

EPILOGUE

Rain's POV

MATAMAN kong pinagmamasdan ang baby ko. It's been one year and 8 months at eto na nga, I'm now peacefully looking at my adorable baby boy. Lightning Threin V. Montemayor. Our first born child.

Hinawakan ko yung maliit niyang mga kamay at nilaro iyon. Who would be thought na magiging ganito kami masaya ngayon?

Parang kahapon lang, nakilala ko yung Daddy ko, naging kami ni T, umalis ako, bumalik, naghiwalay kami, namatay yung mga magulang ko, lahat na yata ng mabibigat na pagsubok napagdaanan na namin at buti nalang di ako sumuko kasi kung sumuko siguro ako di ako magiging ganito kasaya ngayon.

Mas lalo akong napangiti ng makita kong dumilat si Threin, agad hinanap ng mga mata niya ang presensya ko at nang matagpuan ako ay agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.

I smiled at him. Kamukhang kamukha talaga niya si T.

"Hey Baby. How's your sleep hmm?" I asked him na para bang sasagot siya.

He gigled and started to babytalk.

Nanggigigil na bihuhat ko siya at pinupog ng halik. Tumawa siya na nag echo pa sa buong kwarto.

"Hey Hey! What's that huh?" Napalingon ako sa nakabukas na pinto at doon nakita ko si T na nakangiting nakatingin samin.

Agad namang nagkakawag si Threin nang makita ang daddy niya. Natatawang lumapit naman samin si T.

"D-dad-a." Utal utal na wika ni Threin.

Nakangiting kinuha siya ni T at pinupog ng halik na nakapagpatawa sa bulilit.

Masaya ko lang silang pinagmasdan. Di ko akalaing magiging ganito ang lahat. Naalala ko pa, after naming magbati ni T noon, ilang buwan lang ay nagpakasal ulit kami. And it was a grand church wedding. My dream wedding. Wala siyang pinalampas at tinupad niya yung mga sinabi niya. Di niya ako iniwan at di na siya nawala pa sa tabi ko.

Everything's put into the right places. Maging si Kuya Aiden ay nagising na. But the sad part was, he has amnesia. Pero naaalala niya kami, ilang memories lang niya yung nakalimutan niya at ang masakit doon ay isa si Ate Thea sa mga iyon. Alam kong pagsubok lang din yon para sakanila at nainiwala akong mapapagtagumpayan nila yon.

Napakurap ako ng bigla ay hapitin ni T yung baywang ko. Nakapulupot ang isang braso niya sakin habang ang isa naman ay pambuhat niya kay Baby.

I looked at him on the eye and then I saw love on it.

"I love you." He told me.

I smiled at him and grabbed his neck.

"I love you too." And then I gave him a smack on his lips. As I also kissed my son's forehead.
---

Yes, marami kaming pinagdaanan, pero di naging hadlang ang mga yon. Maaga kaming nagmahal, at siguro nga nagmahalan kami sa maging panahon. Nagkahiwalay kami, nagkasakitan, nagkabalikan lahat na. Naramdaman naming mag mahal at masaktan ng sobra. Lahat ng napagdaanan namin ay di naging madali pero kinaya namin. Ganoon talaga siguro pag nagmahal ka, lahat kakayin mo para lang mapanatili ang KAYO.

Siguro nga nagsimula kami sa maling panahon, but then pinagtagpo muli kami. Nagsimula man kami sa mali atleast natapos naman kami sa tama.

Ngayon talagang masasabi ko na. I, Mrs. Rain Villegas Montemayor and Mr. Thunder C. Montemayor are meant to be together. And now I do believed that this is our time. This is the Right Time for the both of us.

THE END.

Author's Note:

Wah. Punas luha. Tapos na siya! After ng ilang taon nga ba? Haha. Natapos na rin siya! Salamat sa mga nagtiyagang magbasa at magtiyatiyangang magbasa pa. Haha.

Maiksi lang talaga ang Epilogue. Sumasakit na ang ulo ko e. Special Chapter? Depende kung madami ang manghihingi. Hihi. :D

Wish ko sana may magbasa pa. I know maraming errors at medyo OA, pasensya na..di po kasi ako professional ih.

So yun. Salamat! :)

Kita tayo sa kwento ni Aiden at Thea! Sana suportahan niyo. Salamat. :*

Mr. & Mrs. Montemayor is finally signing off.

Bye!

JLY. :*
DDCA. 💕

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon