"Magmahal ka kasi iyon ang makakapag-pasaya sayo. Hindi dahil iyon ang kailangan mo."
#UNEDITEDDD!
Thunder's POV
MARAHAN kong pinagmamasdan ang asawa ko na masayang nakikipagkwentuhan kay Lindsy. Sabado ngayon at pagkagising namin kanina ay sinabi agad niyang gusto niyang puntahan ang bestfriend niya na di ko naman tinutulan.
I stared at her. Mula nang pag usapan namin kagabi ang topic ng dahilan ng pag alis niya noon ay di na niya muli pang inungkat iyon, na mabuti naman dahil ayoko na talagang isipin pa niya iyon, at ayoko nang isipin niya na kasalanan niya lahat.
Ayoko nang makakita nang kahit anong sakit mula sa mga mata niya. Tama na ang masasakit na salita at masasakit na bagay na nagawa ko sakanya.
For now, I just want her happy. Gusto kong tabunan lahat ng masasakit na nagawa ko at lahat ng masasakit na nangyari sa nakaraan.
"Masyado ka yatang seryoso?" Napabiling ako at nakita ko si Piere na nakatayo sa gilid ko habang tinitignan din ang tinitignan ko.
"Not really. Iniisip ko lang kung paano ako babawi sa asawa ko."
"Babawi para saan? Sa mga masasakit na nagawa mo o sa mga masasakit na salitang binitiwan mo?" He's not sarcastic, normal lang ang tono at tindig ng boses niya.
I sighed. Hanggang ngayon ramdam kong may kaunti pa ring galit sakin si P dahil sa nagawa ko kay R noon.
"Both." I answered. Natahimik na siya. Patuloy lang naming pinagmasdan ang mga asawa naming masayang nag uusap ngayon.
"I'm mad." Di ako lumingon, nakinig lang ako. "Kasi halos pagkabata kasama na kita, kilala na kita at halos alam ko na ang likaw ng bituka mo." He sighed. "Alam ko na di mo kayang manakit ng babae, pero nang sabihin mong namilit ka, F*ck! Ni hindi ko maatim na kahit kailan magagawa mo iyon!" Disbelief. Iyon ang mapapansin sa boses niya.
I sighed.
"I know. Kahit ako di ko akalaing magagawa ko iyon. Tuwing naiisip ko nga iyon, gusto kong patayin ang sarili ko." At totoo iyon.
Napailing siya. "Nagalit ako kasi, di manlang kita natulungan para di magawa iyon. Na hindi manlang kita napigilan, na wala manlang ako sa tabi mo nang mga panahong kailangan mo ko." He sighed. "Ni hindi ko manlang napigil ang pagbabago mo." Uyam na wika nito.
Naatahimik ako. Pero maya maya ay nagsalita ako.
"Okay lang, kasi ni sarili ko nga di ko natulungan diba? Di talaga maiiwasan ang pagbabago. Kasalanan ko naman lahat, nagpadalos dalos kasi ako tapos nagpakain pa ako sa selos." Lintanya ko.
"Gago ka kasi." Wika niya na sa halip magpainis sakin ay natawa na lamang ako.
"Alam ko at tanggap ko." Natatawang wika ko.
Narinig kong natawa nadin siya.
"Pasalamat ka di kita kayang itapon dahil isa ka sa dahilan kung bakit ako masaya ngayon." Masayang wika nito at tinignan si Lindsy.
I nodded. "Sabi ko nga." Ako at tinanaw muli ang dalawang babae. "Wag mo siyang sasaktan ha? Mahalin mo siya lalo pa at magkakababy na kayo."
BINABASA MO ANG
When Right Time Comes (UNEDITED!)
RomanceSYNOPSIS Nagmahal ka, pero sa maling pagkakataon at panahon. Ayaw mo siyang i give up, pero kailangan, wala kang magawa. Iniwan mo siya, then after 5 years bumalik ka, nagkita ulit kayo pero sa tuwing magtatama ang mga mata niyo ay galit at poot...