Chapter 27-The Cousin Part 1

6.5K 137 1
                                    

"Wala kang alam kaya wala kang karapatang saktan siya! Remember this, dadating ang araw na pag sisisihan mo lahat ng ginagawa mo! At pag dumating ang araw na iyon, sisiguraduhin kong mas gugustuhin mo pang mamamatay dahil sa dami ng ginawa mong pananakit sa kanya, dahil sinisiguro kong kakainin ka ng guilt sa bawat oras na nabubuhay ka!"
-
Chapter 27- The Cousin Part 1
Rain's POV
Bumangon akong masakit ang ulo kanina, pero dahil kailangan kong pumasok ay pumasok ako. Pilit ko pa ring inaalala kung paano ako naka uwi kagabi, wala naman akong matanungan sa bahay dahil mag isa lang naman ako dito.

Ang naalala ko lang ay may kuma usap saking lalaki kagabi, oo alam kong dapat matakot ako dahil baka siya rin ang nag uwi sakin kagabi, but think about it. Paano niyang nalaman ang bahay ko? At naalala ko na feeling ko kagabi nang yakapin niya ako ay nagkaroon ako ng kakampi, na parang ang tagal ko na siyang kilala at parang secured ako sakanya.

Inalala ko ang mukha niya pero si ko talaga matandaan. I sigh.

"What was that for?" Napalingon ako sa nagsalita. Di agad ako nakapag react, totoo ba siya?

I heard him chuckle. Nanlaki ang mga mata ko at agad tumayo, he's real! Agad akong tumakbo at yumakap sakanya.

"Ohh. I missed you princess." He said then he kissed my forehead.

I hugged him more tightly. Naramdaman kong tumulo na naman ang mga luha ko.

"I missed you too." Garalgal na wika ko.

Humiwalay siya sakin at pinahid ang luha ko.

"Hey, why are you crying?" Nag aalalang tanong niya.

I shook my head. "I just missed you kuya." I said then i hugged him again.

Yeah, Aiden Villegas. He's my cousin. Nakilala ko siya, at ang iba ko pang mga pinsan 5 years ago. Nung una alangan pa ko sakanila dahil baka di nila ako magustuhan, pero mali ako dahil sa halos limang taon siya at ang iba ko pang pinsan na puro lalaki ang tumayong mga kuya ko. Sa buong angkan namin ako lang ang nag iisang babae kaya ganun nalang kung pahalagahan nila ako.

"Miss na din kita. Kaya nga ako umuwi dito e." He said. "How's your head? Masakit ba? Bakit ka nagpaka lasing kagabi?"

Napaangat ako ng mukha sa sinabi niya. Paano niya nalaman?

Piningot niya ang ilong ko. "I know, dahil ako ang kasama mo kagabi at nag hatid sayo pauwi." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Siya yon? Kaya pala wala akong naramdamang takot.

"It's 12 noon. I'm hungry, have lunch with me?" Pa cute niyang sabi.

Natawa ako. Lumayo ako sakanya at kinuha ang mga gamit ko. Umabserte ako sa braso niya.

"Okay." I said. He smiled at sabay na kaming lumabas ng office ko.

Pansin kong pinag titinginan kami, pero I remained silent lang. Nag kwento si kuya habang hinihintay naming bumukas ang elevator, di ko mapigilang di ngumiti sa mga pinag sasabi niya. Sakto namang natawa ako ng biglang bumikas ang elevator, naptingin ako doon at nagsalubong ang paningin namin, natahimik ako bigla.

Pansin kong bumaba ang tingin niya sa kamay kong nasa braso ni kuya, tatanggalin ko sana iyon ng higpitan ni kuya iyon. Napatingin ako dito, pero nakangiti lang siya.

"Oh, Mr. Aiden V. right?" Wika ng kasama ni T sa elevator. Si na nakakapagtakang kilala nito si kuya dahil sikat na businessman din ang kuya.

"Yeah, Mr. Chua." Nakangiting sagot ni kuya at inilipat ang kamay niya sa baywang ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nag dilim ang mukha ni T. Anong problema niya?

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon