Chapter 31-The Bestfriend

6.4K 127 0
                                    


---
Chapter 31-The Bestfriend
Lindsy's POV

"You're spacing out." Sabi ko kay rain na kanina ko pa napapansing tulala.

Nandito ako ngayon sa office niya, wala akong magawa sa bahay kaya nagpasya akong dalawin siya, wala din kasi si piere, pumasok sa trabaho.

Napakurap ito at napatingin sakin.

"Huh? Ano iyon bhext?" Bigla ay tanong niya.

I sigh.

"Tulala ka. What's wrong? May problema ba?" I ask her.

She smiled a little, pero malungkot ang mga mata niya.

"Nothing. May naalala lang ako." She answered.

Kinuha ko ang isang kamay niya at tinitigan ang mukha niya.

"Tell me. I know meron." I said, alam kong may problema siya, nakabalatay iyon sa magandang mukha niya.

She shook her head.

"Wal-"

"I know you Rain. I know when you are lying and when you have a problem. I want to help, tell me." Pakukumbinsi ko.

Nag iwas siya ng tingin, maya maya ay yumuko na siya.

"I-I don't know what to do." Umpisa niya.

Tumayo ako at lumapit sa couch na kina uupuan niya. Tinabihan ko siya at inilagay ang ulo niya sa balikat ko.

" Tell me."

Tahimik lang siya, maya maya ay nagsalita na siya.

"I love him.. I really do."

"I know."

"I want to marry him..Yeah, we're getting married a few months from now..I should be happy right? Because I want that..But why? Why do I have this feeling? Why I am hurting?" Mabigat ang boses na sabi niya.

Hinipo ko ang buhok niya. Wala akong masabi, kahit ako nahihirapan para sakanya.

"I'm tired Linds, I'm tired.. I-I know this is my fault. Pero bakit naman ganito? Bakit ang sakit sakit?"

"Masakit kasi masyado mo siyang mahal. Kasi masyado mong pina ikot ang mundo mo sakanya. Di masamang mapagod bhext.. hindi.. lalo pa't sa tingin mo ay ikaw nalang mag isa ang lumalaban."

Ramdam ko ang malalim na paghinga niya.

"He talk to me..He want us to get married right away. He said, he want's me back.. gusto niyang ibalik yung datung kami..para daw mag work yung marriage.. But I can't.. Di ko na kayang ibalik yung dati..kasi pag binalik ko iyon babalik na naman yung dating rain..na walang ibang ginawa kundi mahalin lang siya." Mahina niyang sabi. "Ayoko nang ibalik yung dati, kasi alam ko pag ginawa ko iyon mas mamahalin ko lang siya at mas masasaktan ako pag umalis na siya."

Hinaplos ko ang likod niya, ramdam kong basa na ang balikat ko. Umiiyak na naman siya.

"Sshhh. Go, iiyak mo lahat iyan. I know masakit, pinagdaanan ko din iyan. Nasaktan din ako dahil kay piere.. inisip kong sumuko pero di ko nagawa." Niyakap ko siya. "Kasi ang inisip ko, pag sumuko ba ako magiging okay ako? Pag sumuko ba ako magiging masaya ako? Pag sumuko ba ako mabubuo ulit ang puso ko na dinurog ng minahal ko? Iyon iyong mga tanong na nabuo sa isip ko noon, na agad ko namang nasagot.. At alam mo ba ang naging sagot ko? Hindi. Hindi dapat ako sumuko, alam mo kung bakit?" Umiling siya. "Kasi kahit pa nasaktan ako, kahit pa sinaktan niya ako, inisip ko lang na di naman tayo perpekto, na kasama na talaga ang sakit pag nagmahal ka, na isa lang iyon sa mga pagsubok na di mo dapat sukuan. Kasi alam mo ba? Yung mismong taong nanakit sayo,siya din yung magpapasaya sayo, yung taong nang-wasak sayo siya din yung mismong taong bubuo sayo. Oo unfair, pero ganoon talaga. Nagmamahal ka? Masasaktan ka. Kasi kahit kailan, walang nagmahal na hindi nasaktan."

Tahimik lang siya.

"Di ko sinasabing wag kang sumuko. Na saiyo ang desisyon Rain. Higit sa lahat ikaw ang may karapatang timbangin kung ano nga ba talaga ang magiging desisyon mo. Basta lagi mo lang tatandaan na nandito lang ako.. At higit sa lahat, di kita iiwan..Bestfriend."

Niyakap niya ako ng mas mahigpit.

"Thank you.. Thankyou." She whispered.

Tumango lang ako. Naawa na ako sakanya, Oo alam kong wala dapat akong kampihan sakanila ng pinsan ko, pero di ko maiwasang di kampihan ang bestfriend ko..dahil sa mga nangyari siya ang higit na nasaktan..at dala lahat iyon ng maling sitwasyon.
---
Palabas na ako ng building ng makita ko si Thunder na papasok sa building. May dala itong bulaklak. Di siya nakatingin sa direksyon ko kaya di niya ako nakita.

Huminto ako at hinintay na makalapit siya. Nang malapit na siya ay nagtaas siya ng mukha at nagtama ang mga mata namin. Pansin ko ang pagkagulat niya, pero dagli ring nawala iyon at nilapitan ako.

"What are you doing here?" He asked me.

"I visit Rain. How about you? What are you doing here?" Balik tanong ko.

"Ah. I'm here for Rain also. I w-"

"T? As your cousin can you do me a favor? Please, don't hurt her too much. Just don't." I said then nilagpasan ko na siya at umalis na, di ko na siya hinintay magsalita. Natakot kasi ako na baka pag nagtagal pa ako, may masabi akong di dapat.
---

Thunder's POV

I got frozed for a moment. Napatingin nalang ako sa papalayong bulto ni Lindsy.

May alam din ba siya na di ko alam?

"Good Morning Sir." Tinanguan ko ang mga bumati sakin.

I'm so confused, bakit ba palagi nalang nilang pinaparamdam sakin na ako ang may kasalanan? Na ako ang mali? Na ako ang may problema at ako ang masama?

Tumalikod ako at bumalik kung saan nakaparada ang kotse ko. Di na ako tumuloy sa opisina ni Rain, saka na. Sa ngayon may aalamin muna ako. Kung ayaw nilang magsalita pwes, ako ang gagawa ng paraan para makahanap ng kahit na anong impormasyon.

Oo alam kong ginawa ko na iyon dati at walang nangyari,pero iba ngayon.. Gusto kong subukan ulit. Kung kinakailangang halungkatin ko ang mga nangyari five years ago gagawin ko, malaman ko lang ang totoo..malaman ko lang ang dahilan ng pag alis niya, at malaman ko lang ang dahilan kung bakit nila sinasabing kinailangan lang niyang mamili. Aalamin ko lahat, at gagawin ko lahat malaman ko lang ang totoo.
---

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon