Chapter 37-His Side

6.6K 123 1
                                    

"And then there was nothing. Nothing but the choice between LIVING and LEAVING."
-If I Stay

------------------------------------------------------------
UNEDITEDDD!!!

37.1 His Side

Rain's POV

I can't believe what was just happened. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwalang kasal na ako sa lalaking mahal na mahal ko.

I didn't expect it. Ni wala akong ideya na sa kasal pala mauuwi ang sinasabi niyang surprise para sakin.

I admit na nagulat talaga ako, pero walang tutumbas sa saya na nararamdaman ko. Muli ay napatingin ako sa singsing sa daliri ko. I married him.

"What are you thinking wifey? Ako ba yan?" Napalingon ako sa asawa ko. Yeah asawa, ang sarap sabihin. Kasalukuyan siyang nagda-drive papunta sa bahay nila para daw ipaalam kila tita ang maganda niyang balita.

Agad na rin naman kasi kaming umalis matapos umalis ng mga nakilala kong kaibigan niya.

I smiled at him. "Yeah?" I answered na patanong.

Kumunot ang noo niya. "Not sure?" Sabay simangot niya na nakapag patawa ng bahagya sa akin.

Hinawakan ko ang pisngi niya at ninakawan siya ng halik.

"Just joking. It was you I'm thinking of." Amin ko na.

Napangiti naman siya, at hinawakan ang kamay ko kung nasaan ang singsing ko. He stared at it and smiled.

"We are married. You are mine, we are one and I'm so happy for that." He said then kissed my hand. Tumingin siya sakin. "It fits perfectly, like we are fits together perfectly." Masayang wika niya at kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal.

Hindi maiwasang mangilid ang mga luha ko.

I nod at him. "Yeah. And thank you hubby. Thank you for giving me second chance, thank you for making me this happy, and thankyou, for loving me this much." Di ko mapigil maging emosyonal kaya naman tumulo na ang mga luha ko.

Mabilis naman niyang iginilid ang sasakyan at pinatay ang makina. Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinitigan niya ako at pinahid ang mga luha ko.

"I told you I don't want to see you crying." He seriously said.

"Can't help it." I answered.

He shook his head and smiled. Tinitigan niya muli ako. "I love you." He started. "Maybe nagalit ako sayo dahil iniwan mo ako noon. Naghiganti ako, sinaktan kita pabalik. Naging miserable ka dahil sakin." Napailing ako. What is he saying?

"He--"

"Let me finish wifey." He said. Pansin ko ang pagpula ng mga mata niya. "I was so stupid to hurt you.. to make you miserable R." Napailing ako. "Mahal kita pero tinrato kitang iba. Mahal mo ako at sinamantala ko iyon.." Nanatili ang pagtitig niya sakin at tuluyan nang pumatak ang luha sa mga mata niya. Agad ko iyong pinahid. "I was badly hurt then R. Mahal na mahal kasi kita. Okay tayo, and then bigla ka malang nawala? Ni wala kahit ano, ni salita o paliwanag wala."

May tumulo na ring luha sa mga mata ko.

"Minsan lang ako nagmahal tapos iniwan mo pa ako. Mahal kita kaya ganoon na lang ang pagnagsak ng buhay ko ng umalis ka." Ramdam kong pinahid niya ang mga luha ko. "Then, pinilit kong mawala ka sa sistema ko. Bumalik ako sa dating ako, yung cold, playboy.. unti unti ko nang tinatanggap na wala ka na, na di ka babalik...pero bumalik ka..at bumalik lahat ng galit ko kaya naghiganti ako.", He breathe hard. "Gumanti ako. Gumanti ako kasi gusto kong maranasan mo yung sakit na maranasan ko noon. Pero may pakiramdam kang pinalabas sakin.. bakit nasasaktan ako sa kaalamang nasasaktan kita?, and then realization hit me.. na natibag mo ang harang na ginawa ko para di kana makapasok sa buhay ko.. giniba mo at doon minahal na naman kita."

Wala akong masabi. Tuloy lang sa pag agos ang luha ko.

"Minahal na naman kita at natakot ako.. kaya ipinagtabuyan ulit kita. You see, natatakot na kong masaktan ulit e, kaya pinigil ko.. but then i can't, nakita pa lang kitang kasama ng ibang lalaki naiinis na ako. Nagseselos na ako." Lumamlam ang mga mata niya. "Kaya sumugal ako..kinuha ulit kita.. kasi di ko kayang makita kang hawak ng iba.. Sumugal ako ulit, kasi mahal na mahal kita."

Tumango ako at hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko.

"Mahal kita to the point na ayos lang na masaktan ako ulit."

"I love you too T."

He smiled. "I know." He said. "Mahal kita at pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko sayo. I'm sorry R. Forgive me. I promise na iyon na ang huling bagay na makakapagpasakit sa damdamin mo."

Pinagdikit niya ang mga noo namin.

"Coz I promise you, na pasasayahin kita sa abot ng makakaya ko. So stay akay? Just stay with me till your last breathe and I will stay too till my last breathe."

Napatango ako at niyakap siya. How i love him.

"You don't have to say sorry. Ako dapat yung nagso sorry. I-m sorry kasi ako yung dah--"

Kumalas siya at nilagay ang hintuturo niya sa labi ko.

"I told you, don't blame yourself.. don't force yourself for this issue okay?"

Tinitigan ko siya, at napatango na lang. Niyakap niya ko.

"Don't think something. Let's enjoy our first day" i nod. I love you." He said.

"I love you too." Then he smiled and kissed me fully on my lips.

Shaka ko na aaminin sakanya ang nangyari noon. I'll just enjoy this day. And I will be happy, with this man next to me.
---
Thunder's POV

Ilang minuto pa at narating na namin ang bahay nila Mommy. At nasa labas palang kami ay kita ko na agad ang masaya nilang aura habang naghihintay sa labas.

Umikot ako para pagbukasan ng pinto si R. Magkahawak kaming naglakad at agad naman kaming sinalubong nila Mommy. Agad nila kaming hinila sa loob, at nagsimula na silang magtanong ng magtanong na maayos naman naming sinagot ni R.

Ilan lang sila doon, nandoon din si L na masaya rin para samin, tinakot pa nga niya ako na ilalayo daw niya si R once na saktan ko. Pero asa siya, di niya nailalayo sakin si R dahil di ko siya sasaktan.

Ilang oras pang kwentuhan at asaran. Binalita na rin namin kay Tito Rex na kasal na kami at masaya naman nito kaming binati. Gusto ko pa nga sanang makausap si Tita Iris para humingi ng tawad dahil nasaktan ko si R, pero natahimik lang si Tito sa kabilang linya at sinabing nagpapahinga na si Tita. He once again congratulate us bago ibinaba ang tawag.

Ilang sandali pa ay gabi na at nagpaalam na kaming uuwi na.

"Ingat mga anak!" Wika ni mommy ng ihatid nila kaming lahat sa sasakyan.

Natatawang tumango na lamang kami matapos humalik sa pisngi nila ni Dad. Yeah, okay na rin kami ni Dad.

Tinanguan na lamang namin sila then pinaharurot ko na ang kotse pauwi sa bahay namin ni Rain.

To be continue.

A/N:
Yan ang update. :) Tnx for reading. GodBless. GoodMorNight! :*
--
Next update is, I dunno pa.



When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon