"We are really meant to be."
41-Picture Perfect#Maikling Update!
#UNEDITEDDD!!!
Rain's POV
IT'S been two weeks mula nang sagutin ko ang proposal ni T. Two weeks na sobrang saya. Two weeks na wala kaming ibang ginawa kundi maglibot at mag enjoy.
Ngayon pa lamang ay sinisimulan na naming palanuhin ang lahat. Atat kasi si T, gusto next month makasal na kami para wala na raw akong kawala. As if naman kasi na pakakawalan ko pa siya diba?
Nakatanaw ako sa labas mula dito sa balcony ng kwarto namin. Well, nandito kami sa batangas, sa isa sa mga resort ni T. Inaya niya ako dito dahil gusto daw niya akong masolo. As if namang di niya ako nasolo mula nang magkabati kami. Di na nga kami pumapasok sa office dahil nakaleave kami, mgadadalawang linggo na.
Ninamnam ko ang sariwang hangin at hinayaan kong tangayin nito a
ang mahaba kong buhok. Doon biglang may yumakap mula sa likuran ko. I smiled."I love you." He whispered.
My smile widened. Hinawak ko ang mga braso niyang nasa baywang ko.
"I love you more." Sabi ko. Humigpit ang yakap niya mula sa likuran ko.
"Are you happy?" Maya maya ay tanong niya.
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin matapos ay hinarap ko siya. I stared at his eyes, ganoon din ang ginawa niya.
"Yes. Sobra." Then i smiled.
Tinaas niya ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko. He smiled, kahit ang mga mata niya ay nakangiti.
"I'm glad. I love you." Wika niya at tinawid ang distansiya ng mga labi namin.
---At Studio.
Still Rain's POV
"AYAN tapos na. Gravity you're so pretty naa!!" Wika nang bakla na nag aayos sa akin.
Nandito kami sa IN'Studio para sa pictorial namin ni T para sa nalalapit naming kasal.
Arti no? Sisihin niyo ni Kulog, sinabi ko na ngang gusto ko ng simpleng kasal lang, kaya lang ayaw pumayag ng loko. Idinahilan pa sa aking first ko daw ikakasal kaya gusto niya engrande. Sa pangawalang pagpapakasal nalang daw namin gawing simple, abno talaga.
"Ang pretty pretty mo. Kakainggit ka."
Nagbalik ang atensyon ko sa bakla na nag aayos sakin. Nilingon ko ang sarili ko sa malaking salamin sa harap ko at maging ako ay nagulat.
Ako ba talaga to? Iba kasi ang aura ko. Parang di ako. Parang masyado yata akong maganda?
"Ganda mo no? Sa totoo lang, kahit di ka naman ayusan pretty ka na e. Light nga lang ang pinahid kong make up sayo, pero look oh. So pretty, parang diyosa." Maarte pero nakangiting wika nito sakin.
Nginitian ko siya pabalik.
"Salamat." I said.
Tinitigan niya ako.
"Know what? Halatang halata na mahal na mahal mo yung fiancee mo." He stated.
Napaayos ako ng upo.
"How can you say so?" I ask him.
"It's too obvious. Sa aura, sa mukha sa buong pagkatao mo halatang halata." Then he smiled. "Congrats ha? Best wishes!" Sabi pa niya.
I gave him a small smile. Tumayo ako tapos ay niyakap siya. "Thank you." I whispered.
He hugged me back. "Welcome."
"Invited ka sa kasal ko ha?" I even said.
Humiwalay naman siya ng yakap sakin. "Totoo?" He ask. I nod. Natutuwang nagpapapalakpak naman siya.
"Ay! Bet ko yan!" Wika niya na ikinatawa ko.
---
Thunder's POV"WHERE is she?" I ask the coordinator of our pictorial.
"Nandiyan na siya Sir. Wait a minute lang po." Magalang na wika nito na tinaguan ko na lamang.
I'm so excited to see her. I want to see her wearing her wedding dress.
I smiled. I'm so lucky to have her. Masaya rin ako na sa wakas, konti nalang maihaharap ko na siya sa altar. Maihaharap ko na ang nag iisang babaeng mamahalin ko hanggang humihinga ako.
"T?" Wika nang malambing na boses.
Napangiti naman ako at dahan dahang lumingon. At sa paglingon ko, ganoon na lamang ang paghanga ko.
There, I saw the woman I love wearing that white dress. My eyes glue at her. She looks so gorgeous on her gown!
Slowly she walk towards me. I don't know pero daig ko pa ang ipinako sa kinatatayuan ko. Di ako makagalaw. I was just looking at her, like she's an angel. My own angel.
"Ahm.." she look at me. May nakita akong emosyon sa mata niya. "Bagay ba Hubby?" She ask shyly.
Di ko alam pero napangiti ako. Kinuha ko ang kanang kamay niya at gaya noong 4th year college kami noong gabi ng graduation ball, iniikot ko siya at saktong paghinto niya ay hinapit ko siya palapit sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang pagmamahal sa mga mata niya kasabay nang saya.
"Perfect!" I told her. She blushed. Natawa naman ako nang bahagya. Inipit ko sa gilid ng tainga niya ang kumawalang buhok niya, then I looked straight on her eyes. "I love you Wifey." Then I stared at her lovingly.
She cupped my face, then she smiled widely. And with her sparkling eyes she said those words, yung mga katagang kahit kailan di ko pagsasawaang marinig.
"I love you more." She said. I gave her a smiled then bumaba ang mukha ko at inangkin ang mga labi niya. I kissed her with full of love na agad naman niyang tinugon.
Wala pa sana akong balak na tumigil kung di lang ako nakarinig ng pag click ng camera.
"What a lovely perfect couple." Nakangiting wika ng photographer na natutuwang nakatingin samin.
Napangiti na lamang din ako at tinignan si Rain na kahit namumula ay bakas ang tuwa sa mukha.
Kinuha ko na ang kamay niya at hinatak na siya papunta sa set kung saan kami magpi-pictorial.
Gusto ko nang matapos agad to. Gusto ko nang umuwi para masolo ang asawa ko.
------
A/N: BASAHINNN!
OKAY! Pumapasok na po ako at BUSY po talaga ang ate niyo. Kaya pasensya na sa napakatagal na update! Sana po maintindihan, at dahil totoong busy ako sa sch. ang update ay magiging depende sa sched. ko. Meaning, makakapag-update na lamang po ako pag may libreng oras ako. Mag uupdate pa naman ako dahil tatapusin ko ang story na ito, yun nga lang depende na lang sa oras ko. Okie? Sana maintindihan.Salamat sa lahat nang nagbabasa at magbabasa pa! Sana naman mag vote na kayo. :)
Ingat peopleletz! :D
GodSpeed! :*#N.
BINABASA MO ANG
When Right Time Comes (UNEDITED!)
RomanceSYNOPSIS Nagmahal ka, pero sa maling pagkakataon at panahon. Ayaw mo siyang i give up, pero kailangan, wala kang magawa. Iniwan mo siya, then after 5 years bumalik ka, nagkita ulit kayo pero sa tuwing magtatama ang mga mata niyo ay galit at poot...