Chapter 29-Changes?

6.7K 143 0
                                    

"Ang pagbabago ay hindi masama,lalo na kung ito lang yung natatanging paraan na alam mo para maging maayos at maging masaya ka ulit."
--♡
Chapter 29-Changes?

Rain's POV
Isang linggo na ang lumipas nung muli ko siyang iniyakan at isang linggo na rin ang lumipas mula ng malaman kong nag away sila ni kuya.

I sigh. Isang linggo ko na rin siyang iniiwasan, mas mabuti to para naman di na kami magksakitan pa.

Itunuon ko na ang pansin sa mga paperworks ko, inayos ko na din yung mga reports na kailangan niya sa meeting mamaya.

Tok tok!

"Come in."

Nakita kong papalapit sakin si Daphne,nginitian ko siya.

"Good Morning Maam. Ii-inform ko lang po kayo na 10 mins. from now ay magsisimula na po ang meeting, at kailangan po kayo sa conference room."

Napakunot noo ako.

"Bakit napa aga? 10 palang ah? Dapat mamaya pa iyong 12."

"Di ko din po alam eh. Iyon po ang utos ni boss." Wika nito, napatango nalang ako. Nagpaalam na ito paalis.

Napasandal ako sa swivel chair. Bakit kailangan nandoon pa ako? Dati pa naman akong di umaattend don ah? Bakit ngayon obligado? Ngayong di ako handa na makita siya. I sigh.

Inihanda ko na lahat ng gamit, at pumunta na sa Conference Room. Naabutan ko ang mga board members doon, pero nakakapag takang karamihan sa iba ay di ko kilala at ang mas lalong nakakapag taka ay nandoon ang tito Xander.

Nang makita ako nito ay nilapitan niya ako at niyakap, na ginantihan ko na lang. Naupo na ko, nilinga ko ang paningin, wala pa siya.

"Tito, what is this all about? Why do I need to be here?" I told him.

He smiled at me, magkatabi kasi kami at may bakante pang upuan sa gilid ko.

"It was thunder who can answered that." Sagot niya.

Bigla ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalan niya. Maya maya ay may tumabi sakin at ng tignan ko iyon ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Tumayo si tito pumunta sa gita na may stage,lumapit siya sa mic. at nagsalita na.

"So we are complete. GoodMorning Everyone." Tumango lang kami, di ko matingnan ang katabi ko, naiilang ako. "Nagtataka siguro ang iba kumg bakit pinatawag ko kayong lahat." Sumang ayon ang iba. "Well, my son have an important announcement to make kaya kayo nandito lahat."

Di ko alam pero parang may mali. Kinabahan ako.

"Son?" Ramdam kong tumayo si thunder sa tabi ko, pero ang ikinagulat ko ay nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin din patayo. Napatingin ako sakanya at nakita kong nakatingin din siya sakin ng malamlam at wala akong mabakas na galit sa mga mata niya.

Nakarinig ako ng pagsinghap at bulungan, pero di ko iyon napag tuunan ng pansin. Ang buong pansin ko ay nakatuon sa lalaking ngayon ay nakahawak na sa baywang ko habang inaakay ako papunta kay tito.

Inabot ako ni Tito at nginitian. Naguguluhan na ko, anong nangyayari?

Humarap siya sa mga board members at hinapit ako palapit sakanya. Kita ko angpagka gulat sa mukha ng iba lalo na ng mga board members na babae pati na rin ni Daphne.

"Morning Everyone. Actually ako talaga ang nag patawag ng meeting." Simula niya, nanginginig ako sa kaba. Ano bang ginagawa niya? "Well I just want to announce that I'm getting married." Kasabay ng pangsinghap ng iba ay ang panlalaki ng mga mata ko. Anong sinasabi niya? Akala ko ba ayaw niyang may makaalam non? Tinignan niya ako at dumausdos ang kamay niya sa kamay ko, humarap siya sakin at sinuotan ako ng singsing, naguguluhang tinignan ko siya pero seryoso lang ang mukha niya. Maya maya ay tinaas na niya ang kamay ko na hawak niya. "And this girl, Rain Villegas is my fiancee..the only girl I want to marry." Ngayon nagsi-sink in na sakin ang lahat, na ginagawa niya ito para sa kompanya, para.sa pagme-merged and again nasasaktan na naman ako. "I want to invite all of you, and to those guy's that I always caught staring at my fiancee, know your place."

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon