WRTC-1

20.1K 299 3
                                    

Author's Note:
Before anything else, PLEASE READ THIS!

This story is currently revising. Ire-revise ko po. Di araw araw kundi pag may time lang. I just want to say na maaaring (MAAARING) may magbago sa story. Pwedeng may madagdag or mabawas sa chapter, pero wala namang masyadong maiiba..ganon pa rin naman yung plot.. kumbaga aayusin ko lang.

Please bear with it okay? This is my very FIRST story here in watty world.. Di po ako professional at di din ako ganoon kagaling.. So please, kindly understand my grammars and wordings no?

Currently Editing siya. I'll try my best para mas maayos yung mga sobrang OA na words.. sorry naman po, high school ko pa kasi ito inumpisahang gawin kaya mejj, OA pa. Haha.

So here! Start na ng editing! Salamat sa 25k+ na reads! From nothing to 25k! Salamat sainyo! Nawa'y madagdagan pa kayong mga nagbabasa/ magbabasa. Hihi. Labyou! Salamaaattt! :*

Follow me on Instagram/ 😘
iamiyannuricko

---
Edited. (Medyo)

1.

Rain's POV

NAGMAMADALI akong gumayak, tiyak kasi na male-late na naman ako pag nagbagal ako. Mabilis akong naligo at bumaba na ko nang matapos.

"Oh hija tapos kana? Pumarine kana at kumain na." Nilapitan ko si mama at humalik sa pisngi niya.

"Morning Ma. Sa school na po ako kakain, late na po kasi eh." Sabi ko sabay bitbit ng mga gamit ko.

"Ganoon ba? Osige, halika na't ihahatid na kita sa labas." Aya sakin ni mama at inakay na ko palabas.

Im Rain Villegas, 19 y/o ,4th year college sa kursong Business Ad. Di ako mayaman katulad ng mga nakakasalamuha ko sa eskwelahan na pinapasukan ko, pero di din naman ako mahirap sakto lang.

Lumaki akong mama ko lang ang nagtaguyod sakin, di ko kilala ang papa ko.. mula kasi pagkabata ay di ko siya nakita maski ang litrato niya. Minsan ko nang naitanong kay Mama kung nasaan ang Papa pero isa lang ang palaging isinasagot niya sakin 'Makikilala mo rin siya sa tamang panahon.' Noong una di ko maintindihan kung bakit ganoon. Bakit may tamang panahon pa para makilalala ko siya diba? Pero nung maglaon ay natanggap ko narin, siguro nga may tamang panahon para makilala ko siya at hindi pa ngayon iyon.

"Eto na ang gamit mo Anak, mag iingat ha?" Wika ni Mama na nakapagpabalik sakin sa kasalukuyan.

Tinignan ko siya at nginitian.

"Opo, kayo rin po ingat sa work ha ma?" I said as I hugged her tightly then I kissed her cheeks.

"Opo, oh ayan na yung tricycle sumakay kana." She said.

Tumango ako then waved my hand as a sign of goodbye.

--

At School

Kriing! Kriing! (Bell Rings.)

HUDYAT na magsisimula na ang klase. Agad akong tumakbo para makaabot, wala pa kasi ako sa room eh, nasa hallway pa lang ako.

Takbo, yan ang ginagawa ko at pag minamalas ka nga naman ay may nakabungguan pa ako. Napaupo ako sa lakas ng impact.

"Ouch." Ang tanging nasabi ko ng tumama ang pwet ko sa sahig. Buti nalang walang mga estudyante kaya walang nakakita sakin.

"Tss, haharang harang kasi." Wika ng isang lalaki.

Agad akong napatingin sa kanya, sa nakabungguan ko. Tssk! Sa lahat naman ng makakabunggo ko bakit ang impaktong playboy na to pa?

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon