WRTC-4

7.9K 192 0
                                    

Edited.

4.

Thunder's POV

NATAHIMIK ang paligid, nilingon ko si Rain at nakita kong nakatulog na pala siya. "Kaya pala tahimik na.'

Tinuloy ko na lang yung pagda-drive. 9 pm na kami nakarating sa bahay niya dala na rin ng traffic. Yeah, alam ko kung saan yung mismong bahay niya. Tss para saan pa ang connection kung di yon gagamitin.

Nilingon ko siya at akmang gigisingin nang matigilan ako.. Tinitigan ko yung mukha niya. 'She's still beautiful kahit tulog siya." My mind said.

Di ko alam kung ano yung nagtulak sakin na hawakan yung pisngi niya. Pero ganoon nalang ang gulat ko ng mahawakan ko siya. Damn she's hot! I mean mainit talaga siya. Inaapoy siya ng lagnat! Di ko alam pero bigla akong nag alala.

Dahan dahan ko siyang niyugyog..

"Rain? Rain wake up."  Mahinang sabi ko.

"Hmmm?" Ungol niya at dahan dahang binuksan yung mga mata niya.

"Where's your house key? Give it to me. Kailangan mo agad makapasok sa loob at makapag palit. You have a fever." Nag aalalang paliwanag ko.

Nakatitig lang siya sakin at maya maya ay pumikit ulit. Nagpanic na ako. What to do? What to do?

Binuklat ko yung bag niya at hinanap ang susi. Nang makita ay agad akong bumaba at binuksan yung gate, bumalik ako sa sasakyan at ipinasok ito. Maya maya pa ay ang pinto naman ng bahay yung binuksan ko. Dilim ang sumalubong sakin.. Walang tao?

Di ko na yon napag tuunan ng pansin. Binuksan ko ang passenger seat ng kotse at binuhat siya papasok sa loob. Binuksan ko yung ilaw at napansin ko na dalawa ang kwarto, napagpasyahan kong sa bandang kaliwa nalang siya dalhin and thank God, ito ang kwarto niya base sa mga gamit na naroroon.

Umungol siya ng ibinaba ko siya sa kama.

"Mm-Ma." Mahinang wika niya.

Hinawakan ko ang noo niya at nahipo kong mainit pa rin iyon. Bababa na sana ako para kumuha ng gamot nang mapansin ko yung suot niya.

"Shit! Basa nga pala yung damit niya. Anong gagawin ko? Di siya pwedeng matulog ng ganyan!" Mahinang bulong ko sa kawalan.

Ilang minuto rin akong nakatayo at nakatingin sakanya habang iniisip kung ano ang gagawin. Parit- parito ako.. Oo pwede ko siyang bihisan pero ayoko! Baka isipin niyang mapag samantala pa ako.

Tinignan ko ang labas at nakita kong umaambon nalang.. Inikot ko ang tingin ko sa buong kwarto niya ng may mahagip yung mga mata ko..

"Tama! Bakit di ko agad naisip iyon?" Muling bulong ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko then I dialed her number. Nag ring iyon, maya maya ay may sumagot na.

"Hey Couz?" Agad na bati niya.

"Hey. Where are you?" Tanong ko agad.

"House. Why?" Maiksing sagot niya.

I sighed.

"Nandito ko sa bahay ni Rain, gu-"

"Whaaaaaattt?" Agad kong nailayo ang cellphone ko sa tenga ko sa biglaang pagsigaw niya.

"Hey b-"

"Anong ginagawa mo diyan? What did you do to her? Shit! Its 9 in the evening! Anong ginagawa mo diyan ngayong wala pa diyan si Tita?" Nagpa-panic na ang boses na tanong nito.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon