Edited.
Maiikli lang po talaga ang UD ko ha? Ty.
6.
Thunder's POV
NAKAUPO ako sa gym, last day na kasi ng practice para sa gaganaping pageant next week.
Nakatingin lang ako kay Rain habang nasa kabilang panig siya ng gym at nakikipagtawanan kay Lindsy.
Napabuntung-hininga ako nang maalala ko na ang huli pa naming pag uusap ay nung tanungin ko siya kung may pag asa ba ko.
Mula kasi noong araw na iyon ay iniwasan na niya ako, iwas na akala mong may nakakahawang sakit ako? Di na din niya ko kinikibo, tanging tango at iling lang siya palagi. I sighed again.
"Ang lalim non ah." Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Piere.
"Ginagawa mo dito?" Walang pakialam na tanong ko.
"Manunuod sana ng practice, wala kaming klase kaya kaysa tumanga ko dun eh di manunuod nalang ako, makakakita pa ko ng magaganda." Nakangising wika nito.
Binatukan ko siya.
"Gago, babaero nito."
Napatingin siya sakin.
"Nagsalita ang hindi." Sarkastikong sabi niya tapos natawa siya, natawa na rin ako.
Ilang minutong katahimikan.
"So, ano napaamo mo na ba?" Tanong niya, kilala ko ang tinutukoy niya.
Umiling ako.
"Iniiwasan niya ko." Mahinang sagot ko.
"Why?" Nagtatakang tanong niya.
I shrugged my shoulder.
"Tinanong ko kasi siya na kung manliligaw ba ko may pag asa ba ako sakanya, and then after that..she seriously told me na wala siyang panahon sa mga laro ko." Nakabusangot na sabi ko.
Napahagalpak naman si P ng tawa. Tinignan ko siya ng masama.
"Anong nakakatawa?" Asar na tanong ko.
Nakita kong pinahid niya pa yung konting luha sa mga mata niya dahil sa pagtawa niya kanina.
"Ikaw. Ikaw ang nakakatawa." Then tumawa na naman siya.
Napakunot noo ako.
"Ngayon lang kasi kita nakitang ganyan, na magmukmok dahil sa isang babae. Tell me Pre, are you already falling for her?" Nakangising tanong niya.
Nagulat ako sa tanong niya. Di agad ako nakasagot.
I'am already falling for her? Tanong ko sa sarili ko.
"I told you she's your karma." Ani niya at ngumiti. Tumayo na siya at tinapik ang balikat ko. "Wag kang magmukmok diyan, para saan pa at naging si Thunder Montemayor ka?"
Then umalis na siya.
Nakalayo na siya nang mag-sink ang mga sinabi niya. I smiled, yeah he's right para saan pa at naging Thunder Montemayor ako? I'm not a Montemayor for nothing. All I want, is all I get. And now I want you. And you are going to be mine. Wika ko sa sarili ko habang nakatingin parin kay Rain.
-
Rain's POV
"Di ka pa ba lusaw Bhext?" napakunot noo ako kay Lindsy dahil sa tanong niya.
"Hindi. Bakit naman ako malulusaw?" Nagtatakang tanong ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Kanina ka pa kasi tinititigan ni couz eh." Sagot niya at kumindat pa ang loka.
Tinignan ko ang nasa likuran ko and she's right, nakatingin nga sa gawi namin si Thunder.
"Dont mind him. Naa-abno lang iyon." Wika ko na ikinatawa niya.
"Know what? Ikaw lang ang may kakayahang bansangan siya ng mga ganyan. Bagay talaga kayo, isang playboy na mayabang at isang masungit na gaya mo." Natatawang sabi nito.
Binatukan ko siya.
"Manahimik ka. Kung anu anong pinagsasabi mo." Nakasimangot na sabi ko.
Naka-pout na himimas niya yung batok niya.
"Ang brutal talaga." Sabi niya na di ko nalang pinansin.
"Pero, why do I have this feeling na iniiwasan mo siya? May nangyari ba?" Maya maya ay tanong niya.
Natigilan ako. Anong isasagot ko? Sasabihin ko ba yung naging pag uusap namin ni Thunder?
"I knew it! Mayroon nga. So what is it? Tell me." Siya at umuyos pa ng upo at tinitigan ako.
I sighed. Pagka ganyan wala na kong kawala.
"Tinanong niya kasi ako na kung liligawan ba niya ako, may pag-asa raw ba siya." Mahinang sabi ko.
"Really??" Malakas na wika niya. Agad kong tinakpan yung bibig niya. Ang babaeng to talaga kahit kailan ang bunganga.
Tinanggal naman niya ang kamay ko.
"So anong isinagot mo?" Nagniningning ang mga matang tanong nito. Iniwas ko ang tingin ko sakanya.
"I told him na wala akong time makipaglaro sakanya." Sagot ko.
Natahimik siya.
"Why? Bakit yun yung sinabi mo?" She asked dissapointed.
Tinignan ko siya and I saw how disappointed she was.
"Alam mo namang playboy yang pinsan mo diba? Ayokong masaktan just in case no." I answered.
She sighed.
"He won't hurt you." Wika niya kaya napatingin ako sakanya.
"How can you say so?" Tanong ko.
She smiled.
"Because he is my cousin. Close kami at halos lahat alam ko na tungkol sakanya, kahit mga simpleng ngiti at pagkilos niya. At sa nakikita ko sakanya lately, I know that he is serious about you. I can see it, dahil ngayon ko lang siya nakitang ganyan." She said. Napatahimik ako. Tumayo na siya.
"Gotta go, may pupuntahan pa ko Bhext eh. Ingat ka ha? And pag isipan mo yung nga sinabi ko. Bye, see you tom. And by the way, I just want to say that.." She looked at me straight from the eyes. "A Montemayor is a Montemayor. All they want, they get, and if Couz want you, he'll get you." Then she winked at me.
Naiwan akong nakanganga. Is she serious?
--
Piere's POV
"Hey." Tawag ko sakanya.
"What is it again?" Mataray na turan nito. Ang sungit talaga mana kay Rain.
"Hatid na kita?" Alok ko at sinabayan siyang maglakad.
Huminto siya at tinaasan ako ng kilay.
"No need. I have my car with me." She said, then tuluyan nang umalis.
Napakamot ako sa batok.
One day, you'll going to be mine and I swear that Lindsy M. Cordova. Then I smirked.
-
BINABASA MO ANG
When Right Time Comes (UNEDITED!)
RomansSYNOPSIS Nagmahal ka, pero sa maling pagkakataon at panahon. Ayaw mo siyang i give up, pero kailangan, wala kang magawa. Iniwan mo siya, then after 5 years bumalik ka, nagkita ulit kayo pero sa tuwing magtatama ang mga mata niyo ay galit at poot...