Chapter 36-When a Montemayor Falls Inlove

7.1K 136 1
                                    

"Dad once said, na ang mga katulad namin sa lahi ng Montemayor ay isang beses lang magmamahal, nagiging mapag angkin kami lalo na pag mahal na namin. Sinabi niya na sa isang babae lang titibok ang puso ko kagaya ng nangyari sakanya nang makilala niya ang mama. Isang beses lang kami magmamahal, at sa isang beses na iyon..sumugal ako, at minahal kita. Oo, sa lahat ng ginawa ko may karapatan ka nang sumuko, pero ako wala. And mind you Rain, di ako susuko, di kita isusuko. Pag akin, akin lang at dahil akin ka, walang pwedeng umagaw sayo. Ngayon ipapakita ko sayo kung paano mang-angkin ang isang Montemayor na gaya ko."
--

#Unedited!!

36. When a Montemayor Falls Inlove.

Rain's POV
Isang linggo ang matuling lumipas. Isang linggo na rin mula noong pumunta ako sa bahay nila Tito at hiniling na wag nang ituloy ang kasal. Hanggang ngayon di pa rin ako lumalabas ng bahay,di na rin ako pumapasok sa opisina. I even resigned.

Ayoko na. Di naman ako nagmumukmok nang dahil may nangyari samin ni T. It's just that. Pagod na ako, pagod na kong masaktan, pagod na akong umiyak, pagod na akong ipakita sa lahat ng tao na okay ako kahit hindi naman talaga. Nakakapagod magmahal at nakakapagod masaktan,nakakapagod ipilit yung sarili mo sa isang tao para lang mahalin o patawarin ka niya. Nakakapagod.

Nagtalukbong ako ng kumot. Ayokong umiyak. Ayoko. Dapat tapos na ako sa stage na iyon diba? Kasi sumuko na ako, kasi sinuko ko na siya. Dapat okay na ako kasi alam kong magiging okay siya sa desisyong ginawa ko. Pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko nawalan na ako ng ganang mabuhay sa kaalamang wala na akong pwedeng panghawakan para maging akin siya? Na wala na akong karapatan sakanya? Na wala na akong pwedeng maging rason para makita pa siya?

Doon biglang bumalik ang mga sakit na nararamdaman ko. At bigla ay tumulo na naman ang mga luha kong akala ko ay naubos na. Masakit pa din. Masakit na masakit.

Iniyak ko lahat,gusto kong ilabas lahat para kahit papaano mabawasan ang bigat ng dibdib ko. Iiyak ko na lahat. Oh no, di ko maaring sabihin na iiyak ko na lahat ngayon, dahil alam ko naman sa sarili ko na hanggang di pa ako nakaka-moved on sakanya-di pa ako magiging okay at di matatapos ang pagbagsak ng mga luha ko.
--
Nagising ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sakin. Nagmulat ako ng mga mata at ang madilim na labas ng bintana ang nakita ko.

"Hey. Maam? Wake up. Are you okay?" Napalingon ako sa nagsalita then nakita ko ang secretary ko na si Dane na may nag aalalang mukha.

Napabangon ako at napangiwi nang maramdaman kong napakasakit ng ulo ko.

"Maam?" Panic is written over her face.

"Im fine. Why are you here?" I ask her.

"I'm just checking you Maam. Nag aalala po ako sainyo. Isa pa po inutusan ako ni Sir Xander na puntahan at tignan kayo." Napatango na lang ako. akala ko siya ang nag aalala para sakin. I shook my head. Bakit ko pa ba siya iniisip?

"Maam. Napakataas po ng lagnat niyo. Gusto niyo po bang dalhin ko kayo sa ospital?" Napatingin ako sakanya and smiled before umiling.

"Im fine really. Kaya ko na to. Thanks for looking at me and for being worried. You may go. And tell Tito I'm okay."i said.

"But Maa--"

"Okay lang talaga ako. Go, 8 na pala. Hinihintay kana ng family mo. Sige na." She sigh at tumayo na.

"Nagluto po ako. Nasa ibaba po. Sige po aalis na ako."she said.

Nginitian ko siya.

"Thank you Dane. Sa lahat." Then i hugged her. Naging kaibigan ko na rin kasi siya. Ramdam kong niyakap niya ako pabalik.

"Mamimiss po kita Maam."

"Ako din."i said. Hinatid ko na siya sa pinto at maya maya ay wala na siya. Bumalik na ako sa loob.

Tinignan ko ang niluto niya at nagsimulang kumain. Pero dahil may sakit ako, mapait ang panlasa ko kung kaya't naglinis nalang ako at nahiga na ulit. Ramdam ko ang pangiginig ko, nilamamig kasi ako kahit na patay na ang aircon.

Pumikit ako. Ilang minuto na akong nakpikit nang may maramdaman akong humawak sa pisngi ko.

"Sh*t!" Rinig ko pang wika nito. Unti unti ay dinilat ko ang mga mata ko. Di ko alam kung dinadaya lang ba ako ng paningin ko o siya talaga ang nakikita ko.

"Mataas ang lagnat mo. Are you okay?" Hinaplos niya ang pisngi ko at doon na tumulo ang luha ko. Tumulo iyon dahil alam ko,ramdam ko na si siya ilusyon lang, na nandito talaga siya.

"F*ck! W-why are you crying? Ano ang masakit? Dadalhin na kita sa ospital." Akmang bubuhatin niya ako ng pigilan ko siya. Napatingin siya sakin. Pinahid niya ang mga luha ko. Ngayon,sabihin niyo sakin, paano ako magtatanim ng galit sakanya? Bakit di ko magawang magalit sakanya sa kabila ng mga ginawa niya? Dahil Mahal na mahal ko siya.

"Rain, tell me what's hurt. Don't scare me like that. Anong masakit?" panic was written over his eyes.

Tuloy tuloy na tumulo ang mga luha ko. Tinaas ko ang kamay ko. Sinundan niya iyon ng tingin, tinuro ko ang dibdib ko.

"Dito. Ito..yung masakit T.. Ito yung masakit na masakit." Nanlabo ang mata ko dala ng luha.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya.

"Ang sakit T. Gusto ko..gustong gusto kong..magalit sayo kasi..kasi palagi mo nalang akong sinasaktan." Tuloy tuloy sa pagpatak ang luha ko. "Gusto kitang..saktan..sumbatan..gustong gusto kong..magalit pero hindi ko magawa.."

"Sshh. I'm sorry. I'm so sorry." Then pinahid niya ang mga luha ko.

"Di..ko magawa kasi Mahal na mahal kita."

"I know. I know. And I'm sorry." He said.

Pinikit ko ang mga mata ko.

"I'm tired T. Pagod na ko. Let's stop this. Tama na." I said while sobbing.

Naramdaman kong niyakap niya ako.

"Let's talk about this tomorrow. Go sleep. I'm not going anywhere." Then he kissed my forehead. Di na ko kumibo. Niyakap ko siya, kahit ngayon lang, gusto ko munang makasama siya bago ako umalis.
---

Thunder's POV

Marahan akong nakatitig sa magandang mukha niya. Kanina pa siya tulog. Medyo bumaba na ang lagnat niya. Todo ang pasasalamat ko kay Dane nang malaman ko sakanyang may sakit si Rain kaya agad akong nakapunta sakanya.

Nag panic pa nga ako dahil mataas masyado ang lagnat niya at dahil umiiyak siya. Dadalhin ko na sana siya sa ospital pero ayaw niya. At ang ikinabigla ko ay ang pagsasabi niya ng sakit na nararamdaman niya.

Dito. Ito..yung masakit T.. Ito yung masakit na masakit.

Ang sakit T. Gusto ko..gustong gusto kong..magalit sayo kasi..kasi palagi mo nalang akong sinasaktan.

Napapikit ako nang maala ang luhaang mukha niya. Ang dami dami ko nang kagaguhang ginawa sakanya and Yet, mahal pa rin niya ako. Napakatanga ko! Tama si Dad, napakagago ko dahil sinaktan ko ang isang gaya niya na handang gawin ang lahat para sakin.

Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Niyakap ko si Rain ng mahigpit.

"I'm sorry Wifey. I'm so sorry." I said. "Promise, aayusin ko na lahat ng mali ko. Just please, don't give up now, just don't and don't get tired." I said then I kissed her forehead.

I can't lose her. I love her so much. At di ko kakayanin pag iniwan niya ako ulit.

To be continue.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon