WRTC-11

5.7K 153 0
                                    

Edited.

11.

Rain's POV

7:30 na, kanina pa ako dito sa labas ng bahay para pumara ng taxi, kaya lang mailap yata ang mga taxi ngayon kasi wala pang dumadaan! God! Late na ako ng 30 mins sa usapan namin ni France!

Yeah, si France. Tinanggap ko kasi yung paanyaya niyang lumabas, isa pa I want to meet his girlfriend.

Papara na sana ako ng taxi nang may biglang humawak sa kamay ako. He's here. Wika ng isip ko, alam kong siya yun, base sa kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ako.

"What are you doing here?" tanong ko. Nagtatampo parin ako sa di niya pagpansin sakin ng two weeks.

"Where are you going?" sinagot niya ng tanong ang tanong ko.

Tinignan ko ang mukha niya, kahit madilim ay naaaninag ko siya.

"Magkikita kami ni France a-"

Ramdam kong humigpit ang hawak niya sakin.

"No. You're not going." he said then hinila ako papasok sa gate.

"Wait, di pwed-" tutol ko pero di siya nakinig. Huminto kami sa tapat ng pinto.

"Open the door." sabi niya. Kakaiba ang aura niya. Tinignan niya ako. "Open the door o sisirain ko?"banta niya.

Nangunot ang noo ko. Naiinis na ko, padabog kong kinuha ang susi at binuksan ang pinto. Pagkabukas ay derederetso siyang pumasok. Napamaang ako. Ang kapal. Ngitngit ko.

Nanatili ako sa pinto habang nililibot niya ang paningin sa loob.

"Ano? Tapos ka na bang inspeksiyonin ang bahay ko?" Sarcastic kong tanong.

Lumipad ang tingin niya sakin.

"Yeah. It's unique." Sagot niya na lalong nagpa inis sakin. Inis na nilapitan ko siya at hinawakan sa braso.

"Get out." I said.

He stared at me.

"Why?"

"Just get out!" I said then hinila pa siya. Pero sadyang malakas yata siya kaya imbes na mahila ko siya ay ako ang nahila niya. Napaupo siya sa sofa at ako sa kandungan niya.

Namula ako. Tinignan ko siya at nakita kong nakatitig siya sakin at nakangisi. Tatayo na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang baywang ko. Napaigtad ako.

"W-what are you doing?" Nauutal na tanong ko.

Ngumiti siya.

"Nothing." He answered then he smiled.

Tinulak ko siya dahilan para mapabitaw siya sakin. Tumayo na ko.

"Go home." I told him. Tinignan ko yung relo ko and it say na it's already 7:45 pm. Ay shit! Masyado na akong late. Tsk, bahala na nga, itetext ko nalang si France mamaya.

"Bakit ba kanina mo pa ako pinapauwi?" Medyo irita nang tanong nito.

I glared at him.

"Bakit? Anong gagawin mo dito kung mags-stay ka? At shaka may lakad ak-"

"So that's it? Pinapaalis mo ako dahil may date kayo ng france na iyon?" Madilim na ang mukhang wika nito.

Teka teka? Paano niyang nalaman? At anong date ang pinagsasabi niya?

"Oo pero hindi iyon date-" He cut me off.

"F*ck!" At inis na napasabunot ito sa buhok. "Then you are not going anywhere!" Sigaw niya sakin.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon