WRTC-12

6.1K 138 0
                                    

"You can fool yourself but you can't fool love."

12.

Edited.

Thunder's POV

ILANG BUWAN narin ang nakakalipas mula noong sagutin ako ni Rain at inaamin kong masaya ako sa mga pangyayari.

Masaya kami, siyempre nag aaway kami, in fact madalas. Pero di ko naman pinapaabot ng matagal dahil sinusuyo ko naman agad siya. Marami ang natuwa nang malamang kami na, unang una na sa mga iyon sina Piere at Lindsy.

Naalala ko na naman yung mismong araw na naging kami, yung nag I loveyou siya, sa sobrang saya ko ay napatalon pa ako at nagsisigaw sa loob ng bahay nila na parang tanga.

Ilang kurot nga ang natanggap ko sa tagiliran pero wala akong pakialam that time, basta ang alam ko lang kami na at mahal din niya ako.

"Oh, Hijo nandito kana pala. Pasok ka." Nakangiting bati sakin ni Tita Iris, Mommy ni Rain.

Nandito ako kila Rain ngayon para sunduin siya, ipapakilala ko kasi siya sa parents ko. Bilis ba? Naman! Seryoso kasi talaga ako sakanya kung kaya't gusto ko ay legal kami.

Legal na kami sa Mom niya so it's about time na maging legal na din siya sa family ko.

"Maupo ka muna at tatawagin ko na si Rain." Nakangiting wika nito.

"Sige po. Salamat po." Nakangiting sagot ko.

Napatitig ako kay Tita Iris, bakit parang ang laki yata ng ipinayat niya? Di naman siya ganoon kapayat nung last time na nakita ko siya during noong mga naunang buwan.

"Tara na?" Nabaling ang atensyon ko sa nagsalita and then my jaw dropped when I saw her with that simple floral dress.

She looks stunning. Kahit polbo at lipstick lang ang nakapahid sa mukha niya.

"You look so gorgeous." Di napigilang wika ko.

I saw her blushed. I chuckled.

"Wag mo kong bolahin, kinakabahan na nga ako eh." She said nervously.

I grabbed her hand and kissed it.

"Di ako nambobola, nagsasabi lang ako ng totoo and don't be nervous, my parents will surely like you." I told her then smiled.

She gave me a small smile. "I grabbed her waist and hugged her.

"Ang sweet talaga. Oh sya, mamaya na yan at baka hinihintay na kayo doon." Pukaw samin ni Tita. Mabilis naman kaming naghiwalay.

Napakamot ako sa batok at nakita kong namumula na naman si Rain.

"Sus, mga nahiya pa." Then Tita laughed.

"Mom!?" Mas namumulang wika na ni Rain.

"Why? Go, anong oras na oh?" Pang aasar pa ni Tita.

Agad naman akong tinignan ni Rain.

"Wait me here. Kunin ko lang yung bag ko." She said, I just nodded. Tinignan ko lang siya habang umaakyat sa hagdan pataas..

"Kahit kailan di ko nakitang nagning ning sa saya yung mga mata niya noon. Thank you hijo, dahil I know ikaw ang nagpapasaya sakanya ngayon." Malumanay na wika ni Tita.

Napatingin ako kay Tita at nakita kong nakatingin siya sa dinaanan ni Rain kanina.

"It's my pleasure to make her happy Tita." Masuyong wika ko.

"Mommy Hijo, call me Mommy." She said then looked at me. "Promise me na kahit anong mangyari kayo pa din hanggang dulo, kahit  may humadlang pa. Promise me na you won't hurt her, and love her as always Anak. Always make her feel na di siya nag-iisa, na may kasama siya.. Take care of her no matter what.. Can you promise me that?" Hopeful na wika nito.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon