Chapter 23-Hate this feeling

6.7K 143 0
                                    

Unedited.
Chapter 23

Rain's POV

"What did you just say dad!?" Dumagundong ang galit niyang boses sa apat na sulok ng conference room.

Ako man ay natulala sa sinabi ni Tito xander. Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang bumalik ako at ngayon ganito nalang bigla ang bubungad sakin.

"Kailangan mag-merged ang kompanya natin at nila Rain. May malaking kompanya na bumabangga satin at di kakayin iyon ng kompanya lang natin, so we needs Rain's company." Tito.

"At ang magiging kalapit ng pagme-merged ay ang magpakasal kame ganoon ba!?" Nangangalaiting wika niya.

Napayuko ako, di ako makakibo. Nasasaktan pa ako.

"Pwede ba kumalma ka ha thunder? Of course kailangan niyong ikasal para maitupad natin ang pagme-merged." Kalmado paring sagot ni tito.

Nakita ko sa gilid ng mga mata kong napahilamos sa mukha si T.

"How can I calm down dad? Gusto niyong pakasalan ko ang ex ko! Ang babaeng nanakit at nang iwan sakin kaya naging miserable ang buhay ko!"

Napapikit ako sa mga sinabi niya. God ang sakit. Di ko idinilat ang mga mata ko dahil alam kong pag ginawa ko yun ay tutulo ang mga luha ko.

"Shut up Thunder. Watch your words." May bahid na ng galit ang tinig ni tito.

"Bakit dad? Totoo naman ah? Nang iwan naman talaga siya! Wala siyang isang salita! Sinungaling!" Galit na sabi pa niya.

Di ko na kinaya. Tumayo na ko at mabilis na lumabas ng kwartong iyon. Di ko na pinansin ang pagtawag sakin ni tito. Shit! I hate this feeling. Ang sakit sakit,naninikip na ang dibdib ko sa sobrang sakit.

Derederetso ako sa office ko at pagkapasok na pagkapasok ko ay napaupo ako saka humagulgol.

Ang sakit palang sakanya mismo marinig ang mga iyon. Dumukdok ako sa mga hita ko. Umiyak lang ako ng umiyak. Hanggang sa pabalyang bumukas ang isa pang pinto na nagkokonekta sa office ko at office niya.

Napatingin ako sakanya at nakita ko ang galit na galit na ekspresyon niya. Agad niya akong nilapitan at hinaklit sa braso, di ko pinansin ang sakit ng pag hiklat niya, kasi mas masakit ang nararamdaman ko.

"You plan this huh?" galit ana sabi niya.

Umiling ako, dahil hindi naman talaga.

Pagak siyang tumawa. "Yeah of course sasabihin mong hindi kahit oo."

"H-hindi nga..w-wala akong alam." Nanginginig na sagot ko.

Humigpit ang kamay niya sa braso ko. "Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Ha dream on rain. Minsan na kitang pinag katiwalaan at sinira mo lang iyon! Diba sabi ko wag kang gagawa ng bagay na makapag papagulo? Ano to!?? At kasal pa talaga ha!?" Galit na galit niyang sabi. Halos manginig na ako sa takot.

"Wala nga-"

"Stop lying! Hinding hindi na ulit ako maniniwala sayo! Humanda ka Rain, ikaw ang nagsimula nito..at sisiguraduhin kong ikaw din ang magmama-kaawang matapos to. I will make me revenge rain. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mong bumalik ka pa!" Sabi niya at marahas akong binitiwan at galit na lumabas ng office ko.

Nauupos na naman akong napa-upo sa sahig. Walang tigil sa pag agos ang luha ko. Di ko na alma ng gagawin ko.. ang sakit sakit, kailan ba to mawawala?

Sa nanginginig na kamay ay kinuha ko ang susi ng kotse ko. Good thing at gabi na kaya wala nang masyadong tao sa labas. Nagmamadali akong lumabas at sumakay ng sasakyan.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon