"Stop it baby, stop being like that, like this. Stop being like a pathetic girl, go let go..He doesen't deserve your tears, he doesen't deserve you.. You are my princess, you deserve to be happy to be treat like a lady..not to be hurt like this..not this."
--
#Unedited.
Chapter 28-The Cousin Part 2
Thunder's POV
Inis ako hanggang hapon. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas ng office, sakto namang paglabas ko ay paglabas din ni Rain. Nagdilim ang paningin ko, nilapitan ko siya at hinaklit ang braso niya, alam kong nagulat siya sinamantala ko iyon at hinila siya papasok sa opisina ko.Pagkapasok ay isinandal ko siya sa kasasarang pinto, napaigik siya. Nagtama ang mga mata namin, bumalik na naman ang galit ko.
"What are you doing?" Malamlam niyang tanong, pero bakas ang takot sa mata niya.
"You." Madilim kong sabi sabay ng paghigpit ng kamay ko sa balikat niya.
"N-nasasaktan ako." Nanginginig nang wika niya.
"I don't care. Maganda nga iyon, nang maramdaman mo rin yung naramdaman ko noon."
Nakita ko ang pagdaan ng kung ano sa mga mata niya.
"D-Di mo na kailangang iparamdam sakin iyon, dahil sa loob ng halos na limang taon, naramdaman ko na iyon." Napahinto ako sa sinabi niya. Pero saglit lang iyon dahil bumalik na naman ang galit ko.
"Liar. At bakit ka masasaktan? Ikaw ang nag iwan, wala kang isang salita.. Iniwan mo ako ng wala ni kahit anong dahilan, ng kahit anong rason..ni hindi ka manlang nag paalam, ni di mo manlang inisip kung mag aalala ba ako,kung masasaktan ako, kung anong mararamdaman ko." Humigpit pa lalo ang pagkakahawak ko sakanya, nakatingin kami sa isat isa kaya kitang kita ko ang pagtulo ng luha niya, bit i don't care dahil bumalik na naman yung sakit na naramdaman ko noon. "Wala kang karapatang sabihin na nasaktan ka din, dahil sating dalawa ikaw ang nang iwan at ang tanging nanakit."
Napayuko siya at umiling.
"Wala kang alam thunder, wala." She said.
Niyugyog ko siya.
"Then tell me! Anong dapat kong malaman!? Ano!?" Di ko na mapigil ang sarili kong magalit ng sobra.
"You don't.. You don't have to know..not now." She said while sobbing.
Napalayo ako sakanya at hinawi ang matapatan ko.
"Then kailan pwede? Damn it Rain! Just damn it!!" Binalibag ko ang vase na nahawakan ko, nakita ko ang pagka gulat niya. Humagulgol siya.
"I-I'm sorry." She said.
Napailing ako.
"Galit ako Rain, galit na galit ako sayo! Sa buong buhay ko ikaw lang ang minahal ko! Pero sinaktan mo ko! Iniwan mo ko, sinira mo ako! Galit na galit ako rain, pinilit ko yung sarili kong kalimutan ka at nagtatagumpay na ko, pero bumalik ka na naman! Tapos ngayon ikakasal ka pa sakin? Paano na naman ako Rain? Masasaktan na naman ako, kasi kahit naglagay na ako ng harang para di ka ulit makapasok sa buhay ko, unti unti mo namang ginigiba iyon. Ayoko na Rain, ayoko nang mahalin ka ulit, ayoko nang masaktan ulit." Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko.
Nakita ko ang pagkagulat at sakit na bumadha sa mga mata niya. Dahan dahan ay nilapitan niya ako, tinaas niya ang kamay niya at pinahid ang mga luha ko, hinayaan ko lang siya.
Napahikbi ulit siya.
"I-Im sorry. Im so sorry." Wika niya.
Napatingin lang ako sakanya.
"I'm sorry kung..dahil sakin nasaktan ka, Im sorry." Iyak niya, nakatitig lang ako sakanya, parang tinutusok ang dibdib ko sa nakikita ko, dapat galit lang ako pero hindi, dahil nasasakatan din ako dahil sakanya, dahil sa nakikita ko.
BINABASA MO ANG
When Right Time Comes (UNEDITED!)
RomansSYNOPSIS Nagmahal ka, pero sa maling pagkakataon at panahon. Ayaw mo siyang i give up, pero kailangan, wala kang magawa. Iniwan mo siya, then after 5 years bumalik ka, nagkita ulit kayo pero sa tuwing magtatama ang mga mata niyo ay galit at poot...