"I hate it. I hate the fact na nandito na naman ako sa sitwasyong ito. I hate the fact that I need to choose again."
Edited.
II:46
Rain's POV
"Hey Mama." Naupo ako upuan na nasa gilid ng kama ni Mama. She's still in ICU at ganoon pa rin.. coma. Kanina lang ako dumating, matapos kong lumabas ng bahay ni T, dumeretso agad ako sa airport kung san kasalukuyang hinihintay pala ako ni D. Doon di na ko nagdalawang isip pang lisanin ang pilipinas.
Pinagmasdan ko si Mama. Pumayat siya pero sa kabila non ay di nawala yung angking ganda niya.
Ngumiti ako kahit di niya ako nakikita. Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit at inilapat sa pisngi ko. Nangilid yung mga luha ko. I need her but I also need to let her go.
"Mmy?" Tawag ko kahit alam kong di naman siya sasagot. "Me and Thunder broke up." Oo, magkukwento ako kasi pag di ko inilabas to baka di ko na kayanin. "You know Mmy. I did.. I did what you said. Naging masaya ko Mmy..sobra..kaya lang ganoon yata talaga e..di yata talaga kami para sa isat isa." Pumatak yung luha ko pero agad ko rin yong pinahid. I let out a sad smile. "Sorry Mmy. Di dapat ako umiiyak kasi malulungkot ka na naman." I smiled.
Pinaglaruan ko yung daliri niya.
"Masaya naman kami Mmy e. Kaya lang, isang araw umuwi siya na parang di na ako kilala." Parang tinutusok na naman yung dibdib ko sa sakit. "Okay kami tapos biglang di na ulit. Until yesterday, hinusgahan niya ko. May kabit daw ako Mmy and know what? Sinabi niyang si Dion pa iyon." Tumawa ako, pilit. "Nakakainis siya Mmy, sa ilang araw na ni hindi niya ako kinibo, sa ilang araw na halos di na siya umuuwi..di ko siya hinusgahan..pero siya..bakit ganoon siya Mmy? Bakit siya ang dali sakanyang husgahan ako?" Muling tumulo yung mga luha ko. I need Mmy, sa mga ganitong sitwasyon kasi siya yung karamay ko.
"Mahal ko siya Mmy, sobra..pero napapagod din po ako. Wala siyang tiwala sa akin." Then I smiled bitterly.
Tinitigan ko si Mama na payapang nakahiga.
Hinaplos ko ang kamay niya na nasa pisngi ko.
"Are you tired Mmy?" I asked her. Nangilid muli yung luha ko. "I'm sorry kasi alam kong ako yung rason kung bakit hanggang ngayon di ka pa rin makabitiw." I breathe heavily. "Di ko kasi alam Mmy e. Di ko alam kung kakayanin kong wala ka, ngayon pa na pati si Dad pasuko na rin." Then nagsimula na akong humagulgol.
Kanina lang ay naaksidente si Dad, at hanggang ngayon nasa ER pa rin. Malubha. The doctor said he is not fighting to live.
"Di ko alam kung paano ako magsisimula pag nawala kayo. Kayo na nalang ang mayroon ako Mmy.. pero mukhang iiwan niyo na rin po ako." Nanginig na ko dala ng pag iyak. "Ayoko Mmy..pero mas ayokong nakikita kang mas nasasaktan." Mahal na mahal ko ang mommy, gayundin si Dad. "Di ko alam kung paano magsisimula, pero Mmy.." I smiled, a true one. "I'm ready." Then I kissed her hand. "Kahit mahirap, kahit masakit. I'm letting you go Mmy. Mmy..alis na.. Mmy..pinapakawalan na po kita." Then my tears continously fall.
Then I heard a sound. A sound na kahit kailan di ko pinangarap na marinig sa buong buhay ko.
Flat line. Mommy's gone.
Tumayo ako at hinalikan siya sa pisngi, sa buhok sa noo sa lahat ng parte ng mukha niya. Then I whispered to her ear.
"I love you so much Mmy. No one will ever replace you in my heart. I will never forget you. You will be forever in my heart. I will be okay Mmy. I love you. I love you." Then niyakap ko siya, nang mahigpit kasabay nang muling pagtulo ng luha kong di na yata mauubos pa.
BINABASA MO ANG
When Right Time Comes (UNEDITED!)
RomanceSYNOPSIS Nagmahal ka, pero sa maling pagkakataon at panahon. Ayaw mo siyang i give up, pero kailangan, wala kang magawa. Iniwan mo siya, then after 5 years bumalik ka, nagkita ulit kayo pero sa tuwing magtatama ang mga mata niyo ay galit at poot...