WRTC-8

7K 159 0
                                    

Edited.

8.

Thunder's POV

IT'S BEEN A WEEK simula nung nanalo kami sa pageant at halos isang linggo na rin akong nanliligaw kay Rain.

Yeah, I'm courting her. Mukha bang imposible? Well to tell you maniwala kana dahil ang tinaguriang Thunder the Playboy ay nagseryoso na at nahanap na ang 'Karma' niya, pero yung tipo ng karmang makakabuti at hindi mapapasama.

Tinignan ko ang relo ko and it's say na it's 7:00 am, tamang tama lang para masundo ko siya. Napalingon ako sa bahay niya nang marinig kong bumukas yung pinto. Lumabas doon ang nasa mid 40's na babae.

Maybe it's her mom. Ani ng isip ko.

Napatingin ito sa gawi ko at napakunot noo. Lumapit ito at binuksan yung gate.

"May hinahanap ka ba hijo?" Malumanay na tanong nito.

I smiled.

"Ahm, GoodMorning po. Yes po, tanong ko lang po kung nandiyan pa si Rain?" Magalang na tanong ko.

Tinignan niya ako at ngumiti.

"Oo, nasa loob pa siya. May kailangan ka ba sakanya hijo?" Muli ay tanong nito.

I shook my head.

"Wala naman po. Hinihintay ko lang po siya. Isasabay ko po kasi siyang pumasok." Muli ay magalang na sagot ko.

Napatango ito.

"Mag-ano kayo?" Curious na tanong nito.

Bigla ay parang nahiya ako.

"Ahm, manliligaw niya po ako." Sagot ko. Nakita kong napakunot noo siya. Patay, mukhang galit yata siya.

Bigla ay napayuko ako.

"Ahm, Maam. Pasensya na po kung di ako nakapag paalam ng mas maaga na ligawan siya, medyo busy po kasi lately eh. Pero promise po seryoso ako sakanya, and I can assure you po na I won't hurt her. Kaya po sana..please bigyan niyo po ako ng chance na pumasok sa buhay ng anak niyo." Sunod-sunod na wika ko.

Natahimik ang kausap ko, tinaas ko ang tingin ko at nakita kong nakatitig siya sakin habang nakangiti. Ginulo pa niya yung buhok ko.

"Hay naku hijo, nakakagulat ka naman. Alam mo ba na first time may lumapit sakin para hingin ang permiso ko to court her? And I'm impressed." She smiled, napahinga ako ng maluwag. "Biruin mo na sa suplada at taray ng anak ko nagustuhan mo siya?" Biro pa nito na nakapag pangiti sakin. "Oh siya, hindi kita hinahadlangan sa gusto mo, pero gusto ko lang sabihin na si Rain yung tipo ng tao na hindi basta basta nagpapa-pasok ng kung sino sino sa buhay niya. Kaya kung talagang seryoso ka, then prove it to her, prove it to me na deserving kang maging parte ng buhay ng anak ko." Wika nito.

Tumango ako.

"I will Maam, patutunayan ko po iyan." Determinadong wika ko.

She nod and smiled. She started to walk away nang bigla ay tumigil siya.

"By the way call me Tita. Palabas na si Rain kaya di na kita aayaing pumasok sa loob. Drive safely okay?" Marahang wika nito.

I nodded.

"Opo." Then tumalikod na siya, pero nakakailang hakbang palang siyang ay muntik na siyang tumumba. Nag aalalang nilapitan ko siya at inalalayan, nakita kong namumutla siya.

"Tita are you okay?" Nag aalalang tanong ko.

She closed her eyes for a while then she opened it. She gave me a warm smile.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon