Edited.
II:49
Thunder's POV
HAWAK ko yung kamay ng asawa ko. Nang himatayin siya kanina ay agad ko siyang isinugod sa ospital.
Naobserbahan na siya, pero di ko pa nakakausap yung doctor niya. May ilang test kasing ginawa sakanya at mamaya pa malalaman ang resulta.
Pinisil ko ang kamay niyang hawak ko. Inilapit ko yon sa labi ko at hinalikan.
I'm so stupid. Kasalanan ko lahat to. Kasalanan ko kung bakit siya nandito sa ospital ngayon. Kung sana nakinig lang ako sakanya, kung sana di ko pinairal ang selos ko edi sana okay kami at di niya ininda lahat ng sakit ng mag isa.
Tinitigan ko ang mukha niya at nakita kong maputla yon. Pansin ko din yung pagpayat niya. Di ko napigilan at namuo na naman yung luha sa mga mata ko. Di ko alam, matapang akong tao, pero pagdating kay Rain talagang nagiging mahina ako.
Hinaplos ko ang pisngi niya.
"I'm sorry Wifey. I'm so sorry." Then I kissed her forehead.
Alam kong sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Dalawang napakahalagang tao ang nawala sa buhay niya at napakasakit non. Isama pang nasa-coma pa rin ang pinsan niya.
"Mr. Montemayor?" Napalingon ako sa nagsalita. I saw a nurse holding a phone. "Mr. Xander Montemayor wants to talk to you." She said politely.
Nilingon ko si R at muling hinalikan ang noo niya.
"Wait for me Wifey, I'll just take Dad's call." Then kinuha ko yung phone sa nurse at lumabas ng kwarto niya.
---
May 10 minuto rin siguro akong nawala. Nangamusta lang si Dad at binalitaan ako sa pag iimbestiga sa nangyaring aksidente ni Tito Rex. Wala namang nagsabutahe gaya ng tsismis ng iba, it's a pure accident.
Naglakad na ko papunta sa room ni R nang makita kong palabas na yung Doctor. Agad akong lumapit sakanya.
"Oh, there you are Mr. Montemayor." She smiled. I just nod at her.
"How's my wife Doc?" Nag aalalang tanong ko.
"Nothing to worry about. Stress lang siya, walang proper na tulog kaya siya hinimatay." Napahinga ako ng maluwag sa narinig. "But you need to take care of her now, I mean mas alagaan mo siyang mabuti. She needs to eat healthly foods at pabawiin mo din siya ng tulog."
I nodded at her. Kahit di naman niya sabihin aalagaan ko naman talaga ang asawa ko.
"Thankyou Doc." She nodded.
She turned her back on me. Naglakad na ko para pumasok sana sa loob ng tawagin niya ko.
"By the way Mr. Montemayor?"
Nilingon ko siya. I saw her smiled.
"She's pregnant. Marahil di pa niya alam kaya nakagagawa siya ng makakapagpa-stress sakanya. And I confirmed it earlier when I told her the news. Kaya kailangan niya ng ibayong pag iingat ok? Maselan kasi ang pagbubuntis niya. You may see her now. Congratulations." Then she walk away leaving me speechless.
Rain-My wife is pregnant? I'm going to be a Dad? Di ko alam pero naiiyak na naman ako, dahil sa sobrang saya.
But then the doctor words " And I confirmed it earlier when I told her the news. It made me worried. Gising na siya. At tatanggapin ba niya ako?
Dahan dahan ay binuksan ko yung pinto ng silid niya, and my heart broke when I saw her crying while holding her still flat tummy.
Di niya ako napansin, dahan dahan akong tumungo sakanya at nang nasa gilid na ko ng kama ay shaka siya nagtaas ng mukha. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita ako.
BINABASA MO ANG
When Right Time Comes (UNEDITED!)
Lãng mạnSYNOPSIS Nagmahal ka, pero sa maling pagkakataon at panahon. Ayaw mo siyang i give up, pero kailangan, wala kang magawa. Iniwan mo siya, then after 5 years bumalik ka, nagkita ulit kayo pero sa tuwing magtatama ang mga mata niyo ay galit at poot...