Chapter 33-Forced

7.2K 140 6
                                    

"Sa love hindi puro happy ending, minsan tradegy din. Pero let me say na hindi porket nasaktan ka susuko kana, at hindi porket sumuko ka hindi ka na susubok ulit."
-From My First and Last Love.

# A/N.-Medyo SPG!

Chapter 33-Forced.

Still.
Rain's POV
Nagpapalitan pa ri kami ng masamang tingin hanggang ngayon. Nakalabas na kami ng bar at kasalukuyang nakatayo sa harap ng kotse niya.

"Sasakay ka ba o pipilitin mo akong isakay ka ng kusa?" Madiin niyang wika.

Oo nakaramdam ako ng takot sa aura niya, pero pinanaig ko ang pride ko, ayoko nang maging duwag.

"Di ako sasakay diyan. Ano ba kasing problema mo?" Inis na sabi ko. Siguro nakatulong din ang konting nainom ko para makaharap ako sakanya ng ganito.

Tumiim lalo ang anyo niya.

"Ikaw ang problema ko! How many times do I have to tell you na tigilan mo na ang pakikipag kita sa lalaking iyon!?" Napaatras ako sa lakas ng boses niya.

Pero di ako padadaig. Kahit ngayon lang gusto kong maging matapang.

"At ilang beses ko rin bang sasabihin sayo na ayoko at hindi pwede?" I calmly said.

Bigla ay hinaklit niya ako. Masakit Oo, pero di ako kumibo.

"At bakit hindi? Mas mayaman naman ako sakanya, at bakit ayaw mo? Bakit magaling ba siya ha? Magaling ba siya kaya di mo siya maiwan iwan!?"

Nasampal ko siya sa sinabi niya, kita ko ang pagbiling ng mukha niya sa lakas ng sampal ko, at di ako na guilty sa ginawa ko. How dare him to accused me that way? Bigla ay nawala ang tapang na mayroon ako. Napalitan iyon ng sakit.

Dahan dahan ay bumaling siya sakin, pansin ko na sobrang dilim na talaga ng mukha niya.

"Sakay." Sabi niya.

Umiling ako. Gusto kong umiyak. Bakit ba siya ganyan?

"Sabi.ko.sakay." mas madiin pa niyang wika.

"Ay-"

Nagulat na lang ako ng bigla ay hiklatin niya ako at pinasok sa loob ng sasakyan niya. Agad niyang isinara ang pinto at ini-lock iyon.

Sinubukan kong buksan pero ayaw magbukas. Agad siyang umikot at pumasok sa passsenger seat. Nilingon ko siya.

"Open this door. Bababa ako." Sabi ko.

Pero parang wala siyang narinig. Binuhay niya ang sasakyan at pinaharurot iyon.

"Ang sabi ko b-"

"Just shut the f*ck up." Natahimik ako bigla. Bigla rin ay nakaramdam ako ng takot, ni minsan di ko pa siya nakitang ganoon..kagalit.

Ilang minuto rin ang lumipas at maya maya ay huminto kami. Bumaba na siya at napansin kong nandoon kami sa bahay niya. Nagulat nalang ako ng bumukas ang pinto sa harap ko.

"Labas." He said.

Umiling ako. Natatakot ako sakanya, natatakot ako sa pwede niyang gawin.

"Sabi ko LABAS!" Sabi niya ulit.

Di ko na napigilan ang luha ko, natatakot na talaga ako.

Nagulat ako ng bigla ay hiklatin na naman niya ako at binuhat niya ako parang sako ng bigas.

Nagpumiglas ako.

"T, what are you doing? Put me down!" I told him.

Pero nagderetso lang siya. Mas lalo akong natakot ng pumasok kami ng bahay ay walang katao tao, at mas lalo akong mas natakot ng dalhin niya ako sa isang kwarto at ihagis sa kama doon.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon