Chapter 20
Thunder's POVGraduation Day.
Lahat kami ay masaya dahil sa wakas magtatapos na kami. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at masasayang mukha ng mga magulang at kamag aral ko ang tanging makikita.
Nandito ako sa may gate, hinihintay ko pa kasi si Rain.
"Hey Big boy. Di pa ba tayo papasok sa loob?" mommy.
I smiled at her. "Mauna na po kayo ni dad mmy. Hintayin ko pa po si rain.
Di ko alam kung namamalikmata lang ba ako o may nakita akong lungkot na dumaan sa mga mata ni mommy.
"Oh, they here." Pukaw ni dad samin kaya agad akong napalingon. Agad akong lumapit sa sakanila at hinalikan si tita Iris sa pisngi at si Rain sa noo. Manly hug naman samin ni tito.
Nauna na silang pumasok sa loob. Magkasabay naman kaming naglalakad ni Rain.
"Congats wifey." I told her.
She smiled, kagaya ng dati. Di yon umabot sa mga mata niya. Pansin ko ring parang ang tamlay niya.
"Thankyou hubby." Then she kissed me on my lips. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Di ko yon expected, kahit smack lang iyon. Di naman kasi siya ganun dati, ayaw na ayw niya ngang siya ang nag iinitiate eh.
"Tara na? Baka nagsisimula na." Wika niya na nakapag pabalik sakin sa katinuan.
"Okay." I said.
She smiled at ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. At kung gaano kalamig ang kamay niya, ganun kahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang ayaw na niya akong pakawalan.
--
Nagsimula na ang ceremony, magkatabi kami ni Rain dahil pareho kaming may award. Magkahawak ang kamay namin."Iloveyou Hubby." bigla ay wika niya. Napatingin ako sakanya at nakita kong sa stage siya nakatingin.
Pinisil ko ang kamay niya.
"Iloveyoumore.".
--"Let's welcome our summa cumlaude for this year! Rain Villegas! Let's give her a round of applause!"
Napatayo pa ako ng tawagin siya. Masaya ako at lahat ng pinaghirapan niya ay nauwi sa maganda.
Nilingon ko ang parents niya at kita ang galak at pagka proud sa mukha nila.
"GoodMorning to all of you." She cleared her throat. "I just want to say that, hey guy's we made it!" sabi niya na nakapag pasigaw sa mga kapwa mag aaral namin. "Tapos na.. Lahat ng hirap, sacrifices at pagpupuyat natin.." tumawa ang iba sa sinabi niya. "Pero worth it naman lahat ng hirap diba? Kasi look, were here in front of our parents to made them proud, kasi kahit nahirapan tayo..we became strong and fulfill our obligation as a daughter/son. Natupad na natin ang isa sa mga pangarap nila para satin." She smiled. "I know na hindi pa dito nagtatapos ang lahat dahil ang totoo, alam nating magsisimula palang tayo. Tatahakin na naman natin ang ibang direksiyon na magbibigay satin ng panibagong pag asa, paghihirap at fulfillment.. panibagong bagay na magpapatunay kung ano ba talaga ang purpose natin dito sa mundo.. Kaya sana, kahit na anong mangyari, stay the same lang kayo ha? Wag susuko agad.. fight lang palagi, kasi kung hindi tayo lalaban, anong mararating natin diba? So ayun. I just want to say Thankyou po sa parents ko at sa lahat ng parents na nandito.. I just want to say, na para sainyo po ang araw na to,dahil para samin kayo po ang dapat tumanggap ng diploma dahil katulad namin di niyo rin po kami sinukuan. " nakita kong ang ibang magulang ay umiiyak na. "Thankyou po sa lahat.. Guy's! Kita kit's soon. At sana pag nagkita kita ulit tayo, we are one of the most successful people in this country, or even in this world! That's all, I will miss you guys!" Nagpalakpakan ang lahat matapos ang speech niya.
BINABASA MO ANG
When Right Time Comes (UNEDITED!)
RomansSYNOPSIS Nagmahal ka, pero sa maling pagkakataon at panahon. Ayaw mo siyang i give up, pero kailangan, wala kang magawa. Iniwan mo siya, then after 5 years bumalik ka, nagkita ulit kayo pero sa tuwing magtatama ang mga mata niyo ay galit at poot...