WRTC-10

6.6K 153 1
                                    

Edited.

10.

Rain's POV

NAKITA KO ang pagkagulat sa mukha ni Lindsy.

"D-did I heard it right?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito.

I nodded then I sighed.

Nagulat na lamang ako ng bigla itong tumayo at nagtatalon. Napatingin ako sa paligid at nakita kong pinagtitinginan kami. For God's sake! Nasa canteen kaya kami!

Mabilis akong tumayo at pinigilan siya, sapilitan ko siyang iniupo at naupo narin.

"What the! My God Lindsy, ano bang ginagawa mo ha!?" Sermon ko sakanya. Pero sa halip na tumigil ay hinawakan lang niya yung mga kamay ko at ngiting ngiting tinignan ako.

"Welcome to the family Bhext!" Nakangising wika nya at niyakap ako.

I rolled my eyes.

"Welcome? Lindsy baka nakakalimutan mo na may GIRLFRIEND yang pinsan mo at HINDI AKO IYON." Wika ko na pinagdiinan ko pa talaga yung bawat salita.

Natatawang lumayo naman siya sakin at hinampas ako.

"Selos ka naman." Nang aasar na wika niya.

Naningkit yung mga mata ko.

"Asa."

She grinned.

"Masyado kang obvious." Then she laughed. "You know, that Iris girl, di sila mag on ni Couz no, oh I mean DI NA sila mag on. Meaning mag EX na sila." Nakakalokong wika niya at pinagdiinan pa ang ilang salita.

I raised an eyebrow.

"So, ano yung nakita ko kanina aber?"

She chuckled.

"Ganoon talaga yon pag nakikita si Couz. Di niya matanggap na nakipag hiwalay si Couz kaya ayon, habol ng habol. Pero di na siya pinapansin ni Thunder, isa pa wala naman nang ibang pinansin yung isang yon mula nung ligawan ka eh." Ngiting ngiting wika niya at tinusok tusok pa yung tagiliran ko.

Umiwas ako ng tingin. Totoo ba? Isip ko. Posibleng totoo. Pero ang tanong hanggang kailan siya magiging seryoso sayo? Wika ng isang bahagi ng utak ko. Malay mo naman hanggang dulo seryoso siya? Wika ng kabila.

I sighed.

Magte-take ka nang risk? Playboy siya, paano kung mahalin mo siya tapos iwan ka lang niya? Napangiwi ako. Masakit iyon.

"Totoo yung sinasabi ko, kahit itanong mo pa kay Piere." Muling sabi ni Lindsy na nakapag pabalik sakin sa realidad.

Napalingon ako sakanya at tinitigan siya.

"Close na kayo?" Tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi malaki ang pagkainis nito sa huli.

She shook her head.

"Hindi. At never kaming magiging close." Balewalang wika nito.

"Wag kang magsalita ng tapos." Nakangusong wika ko.

Inirapan niya lang ako.

"Whatever!" Sabi na lang niya at nagsimula nang kumain.

Napailing nalang ako. Katulad ko, balang araw mahahanap mo rin ang ka match mo.

-------

Thunder's POV

NAGMAMADALI akong lumabas ng kotse nang makita kong palabas na siya ng bahay. Naglakad na siya palabas ng gate nang harangan ko.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon