WRTC-2

11.1K 256 1
                                    

"Gusto ka niya. Pero hindi ka niya kayang mahalin."
---

Edited.

2.

Thunder's POV

"Pre anong section ka na ulit?" Tanong sakin ni Piere, isa sa mga kabarkada ko.

"4-A." Walang ganang sagot ko.

By the way Im Thunder Montemayor, 20 years old, also known as Thunder the Playboy. Business Ad Student.

"4-A, 4-A. Wait, teka, teka, 4-A ka?" Nagulat ako sa biglang pagsigaw nito. Tumingin ako sa paligid upang tignan kung nakaagaw ba kami ng pansin. Buti nalang hindi.

Tinignan ko si Piere nang nakataas ang isang kilay ko.

"Oo, why? Makasigaw ka naman." Inis na sabi ko.

I saw him smirked.

"Pre 4-A ka, edi ibig sabihin classmate mo si Miss Beautiful na amazona na ilap sa boys?" Natutuwang wika niya na nakapagpa-kunot ng noo ko.

"Ms. Beautiful? Who?" Nagtatakang tanong ko, ano bang pinagsasabi ng bugok na to?

He looked at me na para bang dalawa ako, maya maya ay napa iling siya.

"Yan, kabi kabila kasi ang chicks eh. Di ka ba pumasok kahapon at di mo alam kung sinong tinutukoy ko?" Pumalatak pa ito.

I shook my head and shrugged my shoulders.

"Di eh, nag ayos ako ng mga requirements kaya di ako nakapasok. And for your info, di ako playboy ah, kasalanan ko ba na lapitin ako ng mga babae?" Nakangising sabi ko habang tinaas baba ko pa yung kilay ko.

Piere rolled his eyes. Tss, para siyang bakla.

"Di daw, e anong tawag mo sa sarili mo? Yung tipong pag nilapitan ka papatulan mo na agad kahit taken kapa? Naku pare, pag ikaw na karma." Pananakot pa niya.

Napakunot noo ko. Ano bang pinagsasabi nito? Magsasalita pa sana ko ng tumunog na yung bell.

"Ge pre, see you later. 4-D ako e." Then he tapped my shoulder at umalis na. Nang malayo layo na siya ay bigla akong may naalala.

"Piere! Who's the girl you were talking about earlier?" Pasigaw na tanong ko.

Nakangising humarap siya sakin.

"Siya yung babaing karma mo na makakapagpatino sayo. She's your classmate, go and see her." Then pumasok na siya sa room niya.

Bakit ba ang lakas ng tama niya? Naiiling na nagtungo na ko sa room. Pagpasok ko ay nakarinig ako ng pagsinghap. Tss, heto na naman tayo. Sa totoo lang minsan nakakainis na ang masyadong atensyon.

"Kyaah. Si Thunder ba talaga iyan?" Girl 1.

"Oo girl at classmate natin siya? Ihh ang swerte naman natin." Girl 2.

Napailing nalang ako sa mga naririnig ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong room, at napako ang tingin ko sa bandang gitna, partikular sa pamilyar na bulto na nakasubsob sa desk. Napangiti ako. So she was the one piere pertaining too?

"Shit! He's smiling! Kyaah ang gwapo talaga niya!"

"True, teka teka umalis ka sa tabi ko baka diyan siya umupo."

"Ayoko nga, ikaw ang umalis."

Di niya pinansin yung nag away na yata, naglakad siya paderetso sa gitna kung nasaan ang prospect niya. Nakita niyang bakante ang upuan sa tabi nito kaya naman walang pasabing inokupa niya yun.

"Tss, bakit dun siya naupo? Bakit di sa tabi ko?"

"Wag kang kasing assuming di talaga tatabi sayo yan."

"Grabe ang swerte ni Rain no? Halos lahat nalang ng hot papa sa campus type siya."

"Oo nga, di naman siya mayaman pero bakit pansinin parin siya?"

"Paanong di magiging pansinin eh ang ganda ganda kaya niya."

"Tss, whatever!"

--

Rain's POV

NAALIMPUNGATAN ako ng may marinig akong bulung bulungan. Tsk, ang aga aga daldalan ng daldalan. Napipilitang nagtaas ako ng mukha para sana sitahin yung mga madadaldal na yun nang mapahinto ako.. Teka, anong ginagawa ng impaktong to sa tabi ko?

"Hi. GoodMorning." Nakangising sabi niya sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano ang good sa morning kung ikaw ang unang makikita ko?" Mataray na wika ko. Kahit kailan talaga kumukulo yung dugo ko pag nakikita ko siya.

"Ang aga aga ang sungit. Meron ka ba?" Nakangising tanong niya na halatang nang iinis.

Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Then I gave him a death glare.

"Wala kang pakialam. Tsaka ano bang ginagawa mo dito?" Galit na sita ko sakanya.

Nagkikbit balikat siya.

"Dito ang room ko kaya nandito ako." Mahanging wka niya.

"Ano? Tsk, sa dami dami ba naman ng pwedeng mapuntahan niya dito pa sa section nato?" Mahinang bulong ko.

"May sinasabi ka sungit?" Tanong niya.

Tinignan ko siya ng masama.

"Wala. Wag mo kong tawagin na sungit at baka samain ka sakin. Umalis ka nga dito, lumipat ka ng upuan." Iritang sabi ko.

Nakita kong napangiti iya.

"Panong samain?" then umayos pa siya ng upo. "Ayoko, shaka wala nang bakanteng upuan oh." dagdag pa niya.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong room at yeah, wala na ngang bakante. Tsk, pag mina malas ka nga naman. Nanahimik nalang ako at di na siya pinansin, ayokong ma-stress nang dahil sakanya. Muli ay dumukdok ako, pero asusual ang impaktong katabi ko ay talaga na mang bwisit.

"Uy! Wag ka ngang matulog baka dumating na si Sir."

Di ko siya pinansin at nanatiling nakadukdok, pero muli ay kinalabit niya ko.

"Uy." Siya. Deadma parin ako.

"Uy." Sabi niya at, niyugyog na ko. Napakuyom ako ng kamao, sobra na to! Inis na inis nako!

"Uy sab-"

"Ano bang problema mo!? Kanina ka pa ha? Why don't you mind your own business?" Galit na sigaw ko na nakapagpatahimik sa sakanya at sa buong room.

Akala ko tuluyan na siyang mananahimik pero hindi pa pala, dahil ang pagkagulat niya ay napalitan ng pag-ngisi.

"Know what? I really like it when you are mad, you look more beautiful kasi." He said then wink.

"Kyaah, grabe kinikilig ako!" Wika ng pamilyar na tinig, tinignan ko si Lindsy ng masama kaya naman natahimik siya. Ibinalik ko ang tingin ko kay impakto.

"Alam mo tigilan mo ko dahil di ako katulad ng mga babae mo na madadaan mo sa pambobola mo!." Inis na sabi ko sakanya.

Nawala yung ngiti niya at teka tama ba ang nakita ko? Na may dumaang kung ano sa mga mata niya? Pero agad ding nawala iyon at muli ay ngumisi siya.

"Di naman kita binobola, nagsasabi lang ako ng totoo." Pilit pa niya.

Magsasalita pa sana ako ng may narinig akong tumikhim.

"So, tapos na ba kayong maglambingan?" Wika ng prof namin na nagpaulan samin ng tuksuhan. Napabungtung hininga nalang ako at tinignan siya na kasalukuyan ding nakatingin at nakangisi sakin. I rolled my eyes on him. Siguro dapat masanay na ko, dapat masanay na ko na simula ngayon magugulo na ang tahimik kong mundo at dahil iyon sa kagagawan ng impaktong katabi ko.
--

Paki comment po kung may errors pa or typos. Salamats. :*

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon