Chapter 14

6K 144 0
                                    

"No one falls inlove by chance, it is by choice. No one stays inlove by chance, it is by work.. And no one falls out of love by chance, it is by choice."
-

Chapter 14

Thunder's POV

It's already 8 pm at ngayon lang ako nakauwi, ngayon lang kasi natapos ang pag-aayos ko sa surprise ko kay Rain. Papasok na ko ng bahay nang salubungin ako ni mom.

"Oh son, bakit ngayon ka lang?" wika ni mom matapos ko siyang i-kiss sa pisngi.

"Sorry ma. Na-late po kasing matapos yung ginawa ko kanina." sagot ko.

Napangiti siya at hinaplos ang ulo ko. "Inlove na talaga ang binata ko." natatawang wika niya.

Nagkibit balikat lang ako at ngumiti.

"Oh come on, kakain na tayo, tamang tama kadarating lang din ng daddy mo." siya.

I nod at sumunod na, besides may gusto akong sabihin sa kanila.

Naupo na kami sa mesa, nandun na rin pala si dad. Nagsimula na kaming kumain.

"Kamusta yung surprise mo para kay rain?" basag ni dad sa katahimikan.

Napatingin ako sakanya at ngumiti. "It's fine. I hope na magustuhan niya." i answered.

"Tiyak magugustuhan niya iyon." nakangiting wika ni mom. I smiled, buti nalang gusto niya si Rain, aba ilang babae na ba ang pinaalis niya sa buhay ko sa kadahilanang di niya ito gusto?

"Wag mong sasaktan ang batang iyon thunder, dahil i swear malalagot ka sakin." banta ni dad.

I nod. "Don't worry dad, I'm not going to hurt her." i said.

"Mabuti." ani nito.

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Maya maya ay nagsalita ulit ako.

"Dad? Mom?"

"Yes?" sabay na tugon nila.

I smiled at them. "I'm planning to get married after graduation, it is okay?" i asked. Yeah, plano ko nang magpakasal after graduation. I know masyado pang maaga para don, pero kasi alam ko, nafe-feel ko na si Rain na talaga ang para sakin.

Natigilan sila at nagkatinginan. Binitiwan ni dad ang kubyertos na hawak niya at tinignan ako.

"It's too early for that son. You're just 20, turning 21, and Rain was only 19. You two are too young for that kind of relationship." dad.

"Dad, wala naman po sa edad yun, besides matured naman na kami." katuwiran ko.

He shook his head. "Son, bata pa kayo. May mga pangarap pa kayo, ima-manage mo pa ang business natin." dad.

"Dad, tutuparin ko naman yung mga pangarap ko eh, kahit kasal na ko, hahawakan ko pa din ang business ng pamilya." i explain.

"You don't understand hijo. Bata pa kayo, maraming pwedeng magbago-" i cut him off.

"At hindi kami kasama sa magbabago dad. Dad, kaya ko namang panindigan ang responsibilidad eh." ako.

"I know kaya mo, pero as i was saying, di magiging madali ang lahat lalo pa't m-"

"Dad-"

"Stop cutting my words thunder. Isipin mo ang mga desisyong ginagawa mo. Oo, handa kana pero sumagi ba sa isip mo na baka siya ay hindi pa? Na may mga pangarap pa siyang gustong abutin? Na marami pa siyang gustong gawin ng mag-isa?" natigilan ako sa sinabi ni dad. He has a point, pero may point din naman ako diba?

Tumayo na ko. "You're right dad, pero itutuloy ko pa din po ang proposal ko sakanya. Ayoko siyang mawala so I will do it. Kung di man siya umo-o it's fine, but dad I have this feeling, that she will say yes if I asked her to marry me. She loves me, so I know she will agree with this. Excuse me." i said then umalis na.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon