II: The Twist

5.5K 69 2
                                    

"Umiyak ka kasi masakit. Hindi dahil mahina ka."

A/N:

Ito ay teaser lang ulit. Teaser po at DI Book two. Okay? Ilalagay ko dito ang posibleng mangyayari sa mga ss. na chapter, para may Idea na kayo. So di ko na patatagalin. Ito na. --

RAIN

Akala ko okay na. Akala ko tapos na. Akala ko happy ending na. Pero bakit ganoon? Bakit ganito na naman? Nagmahal lang naman ako, pero bakit kailangan ko pa ulit masaktan sa pangalawang pagkakataon? Ano bang mali? Ano ba ang ginawa kong mali para maging ganito? Diba talaga ako pweding maging masaya?

Hinayaan kong tumulo lahat nang luha ko. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Paano pa akong babangon? Sino na ang magiging sandalan ko? Bakit kailangan nila akong iwan? Bakit kailangan niya akong ipagtabuyan?

I shook my head. Wala na akong maintindihan. Ang sakit sakit na. Nagmahal ako nang buo, naging masaya nga ako pero bakit palagi nalang may kahalong sakit pagkatapos ng saya? Bakit kailangan kong masaktan ng paulit ulit?

Di ako sumuko. Pero sinukuan niya ako. Di ko alam kung ano ang mas masakit, iyon ba ang di niya pag intindi sa sitwasyon o ang agaran niyang pagsuko?

Ganoon lang ba talaga ako para sakanya? Ganoon lang ba talaga ako kadaling sukuan?

I closed my eyes.

Mahal ko siya.

Pero sumuko na siya.

Masakit na masakit ang dibdib ko.

Ayoko siyang pakawalan.

Lalo pa ngayon.. Kahit ngayon lang gusto ko siyang makasama..

Dahil di ko kaya.. Di ko to kayang mag isa.
---

THUNDER

Di ko akalaing babalik akong muli sa ganitong sitwasyon.

Broken and Wasted.

Mas masakit palang maiwan sa pangalawang pagkakataon.

Nakakainis! Kasi akala ko okay na, wala nang problema. Iyon pala, mali ulit. Mali na naman.

Mahal ko siya, pero sa pangalawang pagkakataon di ako ang pinili niya.

Mali ba ako na magalit sakanya?

Mali ba ako na di ko siya pinakinggan?

Mali ba ko nang sukuan ko siya?

Napasabunot ako sa buhok ko. Gulong gulo ako.

Basta ang malinaw, Mahal ko siya, Sobrang Mahal ko siya to the point na ang sakit sakit na.

--------

A/N:

So what can you say? Sabi ko nga walang sasagot. :( nagtanong pa ako.

Okie. Proceed na. Update ako pag may time.

#N.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon