Chapter 35-Engagement Is Off?

7.2K 136 9
                                    

"May mga bagay na akala mo para sayo, pero di naman pala talaga para sayo, kasi una pa lang para na iyon sa iba. Kumbaga, pinahiram lang siya sayo, Either para masaktan ka,para sumaya ka or para matuto ka."
-
Chapter 35-Engagement Is Off?
#UNEDITED!

Rain's POV
Ilang araw na rin akong nagkukulong dito sa condo ko. At nagpapasalamat ako na sa ilang araw na iyon ay hindi niya ako pinuntahan. Magulo pa kasi ang isip ko, at kahit anong gawin ko, ang sakit sakit pa rin ng mararamdaman ko.

Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na tama na, hops na. Na dapat di ko siya isipin para tuluyan ko siyang makalimutan, pero sa halip na makalimutan, sa bawat araw na dumaraan,mas na mi miss ko lang siya.

I know, I should be mad, I should hate him for forcing me to do that. But damn! I can't. I just can't hate him dahil mas laging lumalamang ang pagmamahal ko para sakanya.

Mahal na mahal ko siya at di ko magawang mamuhi sakanya. Mahal ko siya to the point na ang sakit sakit na ng nararamdaman ko.

*Kriingg*

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang tumatawag. Tama lang naman to di ba? Tama lang naman ang gagawin ko diba?

"Hello?"

"Hija, anong nangyayari? What's with your email to us?"

Napalunok ako nang may bumara sa lalamunan ko.

"I'll explain it later Tito. Can I come to your house?"

"Of course hija. We will wait for you."

Then I hang up. Huminga ako ng malalim. Nasasaktan ako,at alam kong ganoon din siya. I need to do this. Kailangan talagang mawala na ako sa buhay niya, nang sa ganoon maging okay na kaming dalawa.

Tamad na bumangon ako para maligo na at gumayak. Kailangang ihanda ko na ang sarili ko para sa pakikipagkita ko mamaya kila tito.
---

"What!? But why hija?"

Napayuko ako sa naging reaksyon ni Tito. Alam ko namang ganito ang magiging reaksyon niya pero di ko pa rin mapigilang kabahan.

"I.. I need to break this engagement tito.. I..want us to be free para mapili na niya ang taong mahal niya." I answered.

Bigla ay lumundo ang sofa na inuupuan ko at doon nakita ko ang mama ni T, na nag aalalang nakatunghay sakin. Hinawakan niya ang kamay ko. Nangilid ang luha ko, bumabalik na naman ang sakit na nararamdaman ko at idagdag pa na nami-miss ko na ng sobra ang Mama.

"Pero mahal mo siya hindi ba?"malamlam na wika ni Tito.

Napatingin ako sakanya at ngumiti ng tipid.

I nod. "Opo. Kaya nga po gusto ko nang itigil to,kasi nasasaktan na po siya. Ayoko po siyang itali sa isang relasyon na kahit kailan di niya magugustuhan." Sabi ko sabay yuko.

Natahimik si Tito.

"Ayaw mo siyang masaktan,pero ikaw okay lang sayong masaktan ka?"

I nod. "Yeah.Ganoon naman po talaga diba? Pag mahal mo, aakuin mo lahat,lahat lahat kahit na ano pa yun. Kasi ganoon naman po ang pagmamahal, kung wala kang aakuin walang mangyayari at kung di ka masasaktan di iyon magiging totoo."

Mataman lang siyang nakatingin sakin.

"Poor jerk."he said.

Napayuko akong muli kasabay non ay ang pagtulo ng luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Bigla ay niyakap ako ni Tita.

"Ssh. Hija,stop crying." Niyakap ko siya pabalik na para bang siya ang mama. Umiyak ako ng umiyak, hanggang sa maramdaman kong lumapit na rin si Tito at siya na ang yumakap sakin.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon