WRTC-II:44

5.3K 87 2
                                    

"Time. All of us needs time."

Edited.

Rain's POV

THE subscriber cannot be reach please try again later. Toot toot.

Napahilot ako sa sentido ko. Where is he? It's already 12 in the morning. Oo sinabi niya na gagabihin siya-gagabihin at di uumagahin.

Napaupo ako sa sofa dito sa living room. Nahihilo ako. Nakatulog naman na ako. Yun nga lang bandang 10 pm ay naalimpungatan ako at iyon nga, napansin kong wala pa din si T.

I feel frustrated. Di niya sinasagot ang mga tawag ko. Nung tinawagan ko naman ang secretary niya ay sinabi nitong naiwan pa si T sa office ng  umuwi ito. I sighed. Where is he?

I tried calling him again, but then wala pa ding sumagot. Naghintay ako.

1 am.

2 am.

2:30 am.

I wiped my tears na nahulog na mula sa mga mata ko. Di ko alam pero nasasaktan ako. Ngayon sigurado na akong may mali. May mali. Sa akin ba? O sakanya? Anong bang ginawa ko?

Nahahapong umakyat na ako pataas para pumasok sa kwarto. Nahiga ako sa kama at bumaluktok. Masakit yung dibdib ko. Sumasakit din yung ulo ko. Sawa na ba siya? Ngayon siya naman ba ang mang iiwan sa akin? Ayaw na ba niya? Narealized na ba niyang di na niya pala talaga ako mahal? Pinaasa lang ba niya ako? Gumanti lang ba siya?

Parang sasabog na yung ulo ko sa mga naiisip ko. Umiyak ako nang umiyak. Di ko na alam yung gagawin. Nasaan na ba siya? Bakit di niya ako harapin kung ayaw na niya? Bakit?

Ilang oras pa akong nanatiling ganoon,hanggang sa unti unti ay bumigat na yung talukap ng mga mata ko. Doon tuluyan na akong nakatulog na may luha sa mga mata.
---

Napadilat ako nang mata nang maramdaman kong may kumikilos sa loob ng kwarto.

Lininga ko ang mga mata ko at at natanaw ko ang pamilyar na bulto na nakatalikod sakin at nagbibihis.

My forehead knotted. Napatingin ako sa orasan sa bedside table at nakita kong 6 am pa lang.

Kauuwi lang niya tapos aalis na ulit siya? San ba siya nanggaling?

Dahan dahan ay napaupo ako. Para namang naramdaman niya iyon kaya dagli ay napalingon siya sa akin. Nagtama yung mga mata namin at ayun na naman yung blanko niyang ekspresyon.

Muli ay nag init na naman yung mga mata kong mahapdi pa sa pag iyak ko kanina.

"S-san ka galing? At san ka pupunta? Kakauwi mo lang ah?" I softly asked. Buti nalang ay di nanginig yung boses ko.

Tinapos niya ang pagbibihis at nang matapos ay shaka siya humarap.

"Office. Marami kasing inaasikaso kaya di na rin ako nakauwi kagabi." Wika niya at ibinaling naman ang pansin sa pag aayos ng gamit niya.

I just stared at him. Ano bang problema?

"Di ka na umuwi, tapos aalis ka na ulit? T, sunday ngayon. Diba dapat off mo? At bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko?"

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon